Calendar Girl: collection of short stories

 

Tablo reader up chevron

January: You, Me and the Fireworks of the New Year

NAGSIMULA NA ANG countdown para sa bagong taon sa Goodwill Park ng Villa Montenuma at hinihintay na lang namin ang fireworks display. Napapikit ako at nakibilang. Nang marinig ko na ang mga paputok ay dahan-dahang binuksan ko ang aking mga mata.

Ang madilim na langit ay napalibutan ng mga paputok na parang makukulay na bulaklak na saglit lang namulaklak. Maganda iyon sa iba ngunit sa akin, meh.

Tipid lang akong ngumiti. Wala namang bago. Kada bagong taon may nakikita akong fireworks. No big deal. Sadyang, dati simula nang maging kami ng exboyfriend ko ay lagi ko siyang kasama tuwing New Year.

Ngayon, ang mokong na iyon ang rason kung bakit mag-isa ako sa grand opening ng Villa Montenuma. Ako kasi ang nagbayad ng reservation at sayang naman kung hindi ko pakikinabangan. Mahal din yun.

I was just trying to fix things. Emphasis on trying.

"Wala na kasing spark, e. Can we end this?"

"Arika, I need space."

"It's not me. It's you."

Inisipan ko ng mga isasagot ang mga palusot ng ex kong iyon.

"Hindi tayo bumbilya. 'Wag mo akong hanapan ng spark."

"Babe, hindi naman ako clingy. Anong space ang hinahanap mo sa'kin? E, halos isang linggo tayong 'di magkita tapos okay ka lang naman."

"Oh my God. Suntukan na lang tayo, please?"

Andami kong pwedeng sabihin sa kanya ng mga araw na iyon. Pero ni isa roon wala akong sinabi. Tumahimik lang ako. Mahirap naman magsalita kung ang ipapalabas lang naman ng other party ay ikaw lang ang may kasalanan.

At ngayon, I'm just numb. Napailing ako para iwaksi ang alala ng lalaking iyon sa utak ko. Keri 'to, girl. New Year na. New opportunities. Open ka na ulit sa market.

Walang lingon-likod na aalis na sana ako pero may natapakan ako. Agad akong kinabahan, alam mo na, paano kung tae 'yon?

Dahan-dahan akong tumingin sa baba para makita kung ano man iyon. Pero surprise: isang bundle ng papel na pinagsama lang gamit ang isang ipit. Mukhang ilang beses nang tinapak tapakan iyon at marami ng footprints ang dating puting papel.

Nagtatakang pinulot at pinagpag ko iyon, it's a novel manuscript.

Curious na binuklat ko iyon at nakakita ako ng maraming editorial notes na nakasulat gamit ng pulang bolpen. Mas lumala at mas dumami pa iyon ng malapit na sa may ending. Wow, galit na galit naman ang editor nito.

Nakakunot noo na ibalik ko ang manuscript sa unang pahina at hinanap ang pangalan ng writer. Medyo nahirapan ako dahil ang dumi na nun pero 'di nagtagal nahanap ko rin. Para akong malapitang pinasabugan ng paputok sa nabasa ko. The name was Robin Vaccaro: my favorite writer.

Mabilis na lumingon lingon ako sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang hitsura niya kaya hinanap ko na lang kung sino ang mukhang naghahanap. Nagsimula na rin akong gumalaw at dahil sa dami ng tao may nakabunggo sa akin.

"Shi--"

Muntik na akong nadapa kung hindi lang may sumalo sa akin.

"Ayos ka lang, Miss?"

Nalingunan ko ang isang pamilyar na lalaki na mukhang hindi natulog ng ilang araw. Halata kasi ang eyebags niya at mukhang ready siyang pumikit anytime. Hindi naman maitatanggi na may hitsura ang lalaki dahil mukhang papasa siya bilang isang model kung mag-aayos pa siya ng konti.

"Wait... Kilala kita," sabi niya at lumawak pa ang kanyang ngiti. His face looks lively because of it. "Arika Mendoza, right?"

At dahil kilala niya ako, sinubukan kong kilalanin siya pero hindi ko siya namukhaan. "Sorry. Hindi kita ma-recognize."

"Ah... alam ko kung bakit. Minsan lang tayo nagkausap... Hmm, one group activity? Anyways, my name is..."He trails off. Napako naman ang tingin niya sa hawak kong manuscript. "Nahanap mo pala."

Para akong pinasabugan ulit ng isa pang paputok. "What? Ikaw si Robin Vaccarro?"

"Ah... Yeah..." Nahihiyang sabi niya at nag-iwas pa siya ng tingin.

"OMG! Seriously? Ikaw talaga si Robin?"

"The one and only."

"Iyon rin ba real name mo? Wala akong kilalang Robin though... Hmm..."

Nang wala pa rin akong maalala ay binigyan ko na lang siya ng malawak na ngiti at humahangang tingin. Mukhang nagulat naman siya dahil saglit siyang napakurap kurap lang sa akin.

I'm looking at him with pure admiration, after all. Hindi naman siya ganoon ka-famous at ilang libro lang ang na-publish niya. But to me, he is my hero.

Ang mga libro niya ang nagligtas sa akin sa mga araw na kailangan ko ng karamay. Ang unang libro niya ang nakita ko nang gustong gusto ko nang sumuko noon. It helped me get back on my feet. Kaya nang nawala ang online presence niya at nawalan din siya ng bagong libro ay parang naging dull na ang araw araw ko.

"A-Arika..."

"Ay, eto pala... buti nakita ko bago may nagtapon sa kung saan. Madumi nga lang. May backup ka naman siguro."

Inabot ko sa kanya ang manuscript. Tumingin siya roon at saglit na nawala ang kanyang ngiti, pero kinuha niya pa rin iyon. May pabulong din siyang sinabi na hindi ko narinig.

"Hmm?"

Nakangiti muling hinarap niya ako at ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya sa isang pisngi. Wow, cutie. "Ang ganda ng fireworks, 'no? Ngayon ko lang nakita nang sobrang lapit."

"Hindi ka pa pumunta o sumama ng Lantern Parade?" Ang tinutukoy ko ay ang SLU Lantern Parade kung saan sa huli ay may engrandeng fireworks display. Doon ko unang nakita ang mga fireworks na ganoon kalapit, iyong pwede mo nang hawakan.

"Ah, hindi. Isa kasi ako sa mga gumagawa ng lantern at hindi naman ako laging lumalabas."

Tumango naman ako at magtatanong pa sana pero na-conscious ako bigla. Baka busy siya at ayokong magmukhang intense na fangirl. "May pupuntahan ka ba?"

Inilagay niya muna ang manuscript sa dala-dalang bag bago niya ako sinagot. "Balak ko sanang bumalik na sa cabin para matulog."

Mukha ngang mas kailangan niya iyon kaya napatango na lang ulit ako. "Sure. Mukha ngang babagsak ka na anytime. Masyado bang complicated ang plot ng story mo ngayon at puyat ka?"

Natahimik agad siya at ngumiti na lang. "Ilang araw ka rito sa Villa?"

Nahimigan ko ang pag-iwas niya sa usapan. Magaling ako roon. Ikaw ba naman ang magkaroon ng ex na kung maka-dodge talo pa ata ang pinakamagaling na dodgeballer. "Mga tatlong araw lang. Ikaw?"

"Tatlong araw lang din. Ah, pwede ko bang makuha ang number mo?"

"Talaga? Gusto mong makuha?"

"Oo naman. Kilala naman kita."

"Okay."

Syempre, pa-cute lang ako ng konti pero gusto ko rin makuha ang number niya at mas makausap siya nang matagal. Hindi naman araw araw na ma-me-meet mo ang paboritong writer mo.

Nagpaalam na siya sa akin pagkatapos namin magpalitan ng number. Sinundan ko siya ng tingin. Habang nakatitig ako ay naalala ko ang isang lalaking tahimik sa isang sulok at nagsusulat sa kanyang notebook. Parang may nag-click sa utak ko.

I smile. New Year. New opportunities.

NAPAPIKSI SI ISAAK nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang phone. Inilabas niya iyon mula sa bulsa at tinitigan na parang bigla iyong sasabog. Ang alam niya ay nangako ang editor niyang hindi siya gagambalin ng tatlong araw kaya imposibleng...

Napakurap siya nang makita ang caller ID, si Arika iyon. Mabilis pa sa alas kwatrong sinagot niya ang tawag.

"Hi, Arika," bati niya at awtomatiko siyang napangiti. It was good to see a familiar face. Bonus na rin sa kanya na kilala nito si Robin Vaccaro at isa itong fan.

"Hello, Robin. Or should I say, Isaak? With the 'k', di'ba?"

Saglit na gumilid muna siya para hindi siya banggain ng kung sino at pinigilan niyang hindi magtunog na parang natuwa siya sa narinig. "Naalala mo na ako?"

"Ikaw si Mr. Loner," natutuwang usal nito. "Lagi kang nagsusulat sa isang sulok, right?"

"Yeah, Mr. Loner, at your service." Naalala niya ang mga araw na iyon.

Mag-isa nga lang siya tulad ng sabi nito. That was fine then because he loved his solitude, until he had to face the real world. Dahil doon, kinailangan niyang lumabas sa kanyang comfort zone.

"Ahem, so, Mr. Loner," nahihimigan niya ang kakaibang respeto sa boses nito. "Ingat ka sa daan, okay? Matulog ka agad."

"Okay?"

"Please at ililibre pa kita ng almusal bukas."

Nagtaka naman siya sa narinig. "Bakit naman?"

"I'll do anything for my favorite writer."

Her sincerity and adoration hits him that for a moment, naalala niyang bago mag-fireworks ay siya mismo ang nagtapon sa kanyang manuscript.

Napalunok siya. "A-Ako talaga ang favorite writer mo?"

"Opkors. I'm glad to finally meet you at masaya akong nag-e-exist ka, Isaak. Stay awesome, okay?"

Mas lumawak ang ngiti niya at naramdaman niya rin ang biglang pagpatak ng kanyang mga luha. Pasimpleng tumalikod na lang siya para walang makakita. He badly wanted to hear that for the past few days. And now, his heart no longer feels too heavy.

"Isaak? Are you okay?"

"Pinasalamatan na ba kita?"

"Para saan?"

"Wala lang. Just... thank you. Thank you so much."

Taking his editor's advice that he needed a break didn't sound like a bad idea anymore.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

March: No One Saved the Princess

Ako na siguro ang pinakamalas na tao sa mundo. Parang ang saya-saya ko siguro kasi. Sa sobrang saya ko naisip ng kung sino na dapat 'di palagian, na dapat magkaproblema rin ako paminsan-minsan. 
 

Ayos lang sa akin iyon, kakayanin ko naman.

Pero iyon bang mangyayari ng isang araw na akala mo malaki ang utang ko tapos may kung sinong magigipit kung hindi ko mababayaran agad.

 Ano ba ang mga naganap?

(a) Natanggal ako sa trabaho dahil may nakarandam na aalis ako. Tapos bumagsak pa ako sa exam ng trabahong papasukan ka sana pagkatapos.

(b) Namatay ang alaga kong hamster na akala ko tatagal ng dalawang taon.

(c) Kulang ang pera ko pambayad sa apartment. Kanina, may love letter ulit si Manong Landlord. Konti na lang raw at siya na mismo ang mag-aalis ng mga gamit ko at itatapon pa niya sa labas

(e) May dumaan na itim na pusa habang papunta ako sa condo unit ng boyfriend ko. Magreklamo sana ako sa mga naganap pero 'di siya sumasagot sa tawag kaya pupuntahan ko na lang. Inisip ko kung tutuloy pa ba ako. Itim na pusa, e. Pero, yeah, not like I believe in them.

Ito naman ang pinakamatindi. Naglalakad na ako papalapit sa condo. Ewan ko, hindi ata nila naisip na hawak ko ang extrang susi niya. Basta ang saya.

Alam mo yung mukha ka ng bruha kasi intense kang humahagulgol. May ano ka pa, sipon na sinisinghot pabalik. 

Tapos, nang asa loob ka na, malakas ang music kaya 'di mo naririnig kung ano man ang nagaganap sa loob. Pero pagbukas mo ng pinto, doon mo lang ma-ge-gets na pang-milagro yung kanta at nasa kama ang mga gumagawa.

(f) My longtime boyfriend cheated on me with my bestfriend.

Ang saya saya.

Kulang na lang siguro makakuha pa ako ng tawag na biglang naaksidente si Mama.

Pero, wait, anong ginawa ni Ate?

Wala lang. Hindi ako basagulera. Isinara ko lang ang pinto nang pabalibag. Malay ko kung narinig nila o hindi. Basta, mabilis akong umalis. Dabog dito. Dabog doon. Hanggang sa makabalik na ako ng apartment at doon sa harap ng pinto nag-breakdown.

Ngumawa lang nang ngumawa. Bahala silang mag-react kung gusto nila. Sasabihin ko na lang namatayan ako.

Nakisabay pa ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Nagmamadaling lumakad ako sa veranda at nagsimulang kumanta ng sintunado. Umuulan naman na.

"Ummmmaaasssaaanggg hiiiindddiiii mooo taaataaapppaaakaaan anggg akiiinggg mgggaa ppaaaa."

Para kang lasing, Henrietta, kastigo ko sa sarili pero hindi ako tumigil, hanggang sa may sumita sa akin.

--------------------------------

"Anak, kamusta ka na? Dalawang linggo ka nang hindi tumatawag, ah. Anong nagyari sa'yo? Nag-away ba kayo ni Seth?"

Tumingin lang ako sa overhead electric fan. Kung hindi pa sinabi ni Mama na dalawang linggo ang nakalipas ay hindi ko pa malalaman. Andaming araw na pala. Buti hindi pa ako kinakaladkad ng Landlord namin. Gumana siguro ang palusot kong namatayan ako.

Dalawang linggo na akong nabubuhay sa instant noodles. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa electric fan. Pilit nagpapa-hypnotize, iyong tipong ma-hy-hypnotize kang gumalaw at bumalik ulit sa sarili mong mga paa.

Hindi ko nga alam kung ano ang isasagot kay Mama.

Ngumiti na lang ako, nagsinungaling.

Madali lang magsabing okay ka. Dagdagan mo lang ng cheerful at klarong boses para maiparating sa ibang tao na totoo iyon.

Wala namang nahimigang problema sa'kin si Mama. Palaging ganoon at dahil magaling ako, kailangan ako mismo magsabi sa kanya. Kaya binola ko na lang siya. Tapos okay na.

Inilagay ko sa mesa ang phone ko at huminga nang malalim.

May susunod bang kamalasang darating kung hindi ako lalabas ng bahay?

Patawa ka, Henri.

Bakit ba ang buhay ko hindi tulad ng mga asa telenovela at pocketbooks? Iyong tipong, may aura na akong Damsel-in-Distress pero ni Prince Charming o Knight in Shining Armor, walang dumating.

Ang galing kasi roon. Kahit saang lungga magtago ang bidang babae ay may makakahanap sa kanyang prinsipe.

Bakit ako na nagmumukmok ng dalawang linggo dahil sa mga kadismayahan sa buhay ay wala man lang dumating?

Maganda naman ako. Ayos lang naman ang height ko. Sexy naman ako, ah.

Napailing ako at ipinagpatuloy na lang ang pagpapa-hypnotize sa electric fan.

--------------------------------

Malamig ng gabing iyon.

May babaeng pumunta sa dalampasigan. Nakaputing dress at naka-makeup siya para kung may makadiskubre ng katawan niya, magmimistula siyang Drowned Beauty.

Pinuno niya ng bato ang bulsa ng suot niyang cardigan. Tapos nagsimula siyang maglakad.

Sa horror movie na The Boy may eksenang ganito, may matandang mag-asawa na magkahawak-kamay na nagpalunod.

Ang babaeng ito walang kasama. Napaka-lonely. Unconsciously, naghihintay siya ng makakita sa kanya. Kaya nga siya nagsuot ng puti para mag-standout, pero ilang hakbang na ang ginawa niya wala pa ring prinsipe o kawal na dumadating.

Kahit sino na sana.

Malapit na nga siyang malunod sa lagay na ito pero wala pa rin.

Wait.

Sh*t.

Nakakatakot pala. Damn. Ayoko na.

Sh*t.
 

Back-up back-up, dali.

Alalahanin mo ang mga tinuro sa'yo nung gym class niyo sa swimming.

Langoy, Henri, langoy.

Humigit ako ng hininga at tawang-tawa na bumalik sa dalampasigan. Bw*s*t. Pati ba naman pangarap kong maging sirena, hindi pa matutupad.

Tatawa-tawa ako hanggang sa umiyak na lang ako nang umiyak.

Nang matapos na, huminga ako nang malalim. Akay-akay ang dala kong bag, naghintay ako ng bus sa istasyon. Umuwi sa bahay namin at ngumawa sa nag-iisang taong kinayang buhayin ako nang mag-isa: Si Mama.

--------------------------------

"...she started Freelancing at 22. And because of her tenacity and patience, she managed to build a name for herself in three years. Mapa-website man 'yan, UI/UX, designs, or brands. Minsan kinukuha rin siyang adviser ng mga startup companies. Parang apprentice ko lang siya dati pero ngayon, l-um-evel up na siya. With that said, let's all welcome this very inspiring young lady, Ms. Henri Asuncion," pagpapakilala sa akin ni Melinda, ang owner ng Cray Xyber, ang co-working space na tambayan ko nang magsimula akong mag-freelance. And she's my friend and mentor. 

Ngumiti siya at ipinasa sa akin ang mic.

"Hello sa inyong lahat," bati ko sa mga babae na um-attend ng #WomenCanCode seminar. I smile. "Maraming salamat sa pagdalo niyo, gals. Maraming salamat rin at naniniwala kayong matutulungan namin kayong ipakita pa ang kakayahan ng kababaihan pagdating sa technology. Women can code, gals. Gone were the days when coding was just for men. At alam niyo bang ang first computer programmer ay isang babae? Yes, it's true. Her name is Ada Lovelace."

And I went on. In-expand ko pa ang mga examples ng mga babae na naging epitome ng IT. I saw how my audience buzz with hope and amazement. There are ones who started writing down what I'm saying and others who are taking pictures of my slides.

"And we have my personal story. May oras na pakiramdam ko pinagsakluban na ako ng langit at lupa ng isang araw lang. Tapos, wala. I felt so alone. So alone to the point na umabot ako sa puntong akala ko, tama na siguro, one less people in the world.

"Kaso naduwag kaya andito pa rin. Buhay pa at ngayon asa harap niyo. And I want to tell you that if I had given up that day, I would'nt be here. I wouldn't be promising you na minsan malugmok ka man kung saan, maari ka pa ring lumaban.

"There are people actually willing to give you a helping hand. The God Almighty is there as well, we just sometimes forget that He is. And without me stepping forward and asking, I wouldn't be here proving to you that here I am, one strong woman. We don't need to be princesses, waiting to be saved. We can be our own savior. You can do it, girls. We're waiting for you."

Isang masigabong palakpakan ang narinig ko at kung dati naiiyak ako kung kwinekwento ko iyon. Ngayon, hindi na. If my story can help someone else, then why not?

--------------------------------

Ang lakas ng ulan. Pinagtritripan na naman ako ng panahon. Kung kelan naman andami kong pinalabang damit.

"Paano ko iuuwi ang mga ito?"

Napasapo ako ng noo. Sarap maging isda. Lumapit na lang ako sa Ate na nagmamano ng laundry shop.

"Ate, pwede po bang makahingi ng extra plastic?"

"Okay lang, Miss. Saglit," nakangiting wika niya sabay tayo para kumuha ng plastic. Iniabot niya sa akin at ginamit ko para doblehin ang lalagyan ng damit. 

It's heavy but I'm a strong and independent woman.

Kung mga unos nga ng buhay nalampasan ko, simpleng pag-ulan pa kaya.

Nag-ready ako para tumakbo na sana pero may lalaking pumigil sa akin at ibinigay niya sa akin ang isang payong.

Ibabalik ko na sana ang payong pero agad siyang tumalikod at tumakbo.

I saw his back. He has wide shoulders and untamed curls covered in a beanie. Matapang na animo kawal na sumuong sa gyera ang patakbong pagsuong niya sa malakas na ulan.

Three years.

I smile and held the umbrella close to my heart.

Hello, possible prince.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Princess B. Jacob's other books...