Our Sort Off Fairytale

 

Tablo reader up chevron

one } Beckenbauer, the Princess, and the Chosen

=============

NOTE: henlo po :> dialogue po na sinabi in German would be italicized :> 

=============
 

GILBERT von Beckenbauer sighed.

Kanina pa nagri-ring ang telepono sa kanyang kwarto at hindi na siya makapag-concentrate sa ginagawa niyang mga papeles. Marami pang nakatambak roon. Tatlo ng pile ang natapos niya pero kahit tatlo ay parang wala pa ring nabawas sa ginagawa niya. Ang alam niya ay alam ng lahat ng asa Dutchy ng Dietrich na busy siya. Hindi siya makikita nang kung sino unless siya mismo ang lalabas sa kanyang opisina.

With his Father on a meeting, his Mother visiting farmers, his older brother planning his wedding, and his younger brother in boarding school, Gilbert is the one stuck with all the Dutchy's administrative tasks. Ilang araw na rin siyang hindi maayos ang tulog kaya ang simpleng tunog ng telepono ay hindi lang nakakairita kundi nakakasakit sa kanyang ulo.

Huminga ulit siya nang malalim bago nagdesisyong sagutin na ang telepono. Itinaas niya ang receiver. "Gilbert von Beckenbauer. Guten tag," pagbabati niya nang magandang araw sa taong nasa kabilang linya. Isinabay niya na rin ang ngiti kahit hindi siya nakikita ng kausap.

"Wilhemene von Krahenberg, hallo Beckenbauer," walang siglang bati ng kausap. Mula sa background nito ay naririnig niya ang pagtatalo ng ilang matatanda.

Napaayos siya ng upo. After all, the one who's currently talking to him is the Princess of Valwick, his country's princess. At kung sa limang noble house o Dutchy ay ang Beckenbauer ang tinawagan ng Prinsesa ay malamang importante ang gusto nitong sabihin. Hindi sila basta-bastang tinatawagan ng walang liham munang ipapadala o may mismong susundo sa kanila. At mas lalong hindi siya ang unang tatawagan kundi ang Ama niya.

"Anong maipanglilingkod ko sa inyo, Mahal na Prinsesa?" tanong niya rito sa wikang German ang national language ng kanilang bansa: Valwick.

Valwick is influenced by their neighboring country Germany, kaya iyon na rin ang naging national language nila. English was their second language. Asa tabi sila ng naturang bansa, sa hilagang dulo nito at malapit sa Baltic Seas. Maliit lang ang populasyon nila at umaabot lang iyon ng ten million. May limang Dutchy sa Valwick: ang Beckenbauer na namamahala sa agrikultura, ang Tesch naman ang namamahala sa agham at teknolohiya, ang Alwardt naman ang namamahala sa punong armas, ang Sommer naman ang nakatoka sa turismo, at ang Baeder naman ang sa kalusugan at medisina.

"Pwede mo ba akong puntahan rito?" sagot ng prinsesa.

"Ja. Iuutos ko na lang muna sa iba kung ano ang pwede nilang gawin--"

"Gilbert, please. Iwan mo muna kung ano 'yan. Kailangan kita rito, ngayon din."

"Ja. I vill come right away."

Saglit na tinitigan niya ang mga kailangan niya pang gawin. Hindi na naman siya matatapos sa araw na ito. Bilang sa sila ang nakatoka sa Agrikultura ay inuulan sila palagi ng mga kailangan asikasuhin. Mapaisyu na related sa farming, fisheries, at pati na sa pagproproseso ng mga pagkain. Iyon ang rason kung bakit palaging subsob sila sa trabaho. Kahit ganon pa man, ayos lang iyon kay Gilbert. Dahil kung hindi man inalagaan ng kanilang noble house ang agrikultura ay hindi magiging malago iyon at hindi magiging maayos ang pagkain ng kanilang bansa.

Kung hindi lang ang prinsesa ang nagpapatawag sa kanya ay hindi siya aalis. Tumayo siya at dumaan muna sa salamin upang sipatin ang sarili. Sa tuwing haharap sila sa mga membro ng Royal Family ay dapat maayos at malinis ang kanilang hitsura. Clean, pristine, and should emanate discipline. Mula sa suot na uniporme hanggang sa suot na sapatos ay dapat mukha silang kaiga-igaya.

Inayos niya ang suot na silver butterfly na brooch sa kanyang breastpocket at saglit na ngumiti. Mukha namang handa siyang humarap sa prinsesa. Maayos ang light blond niyang buhok. Malinis ang kanyang mukha. Walang kahit anong senyales ng bigote, muta, o dumi sa ilong. His eyes seemed bright enough as well at hindi naman siya mukhang hindi pa natutulog.

Nang makuntento na siya ay lumabas na siya ng kwarto. Naroroon agad ang kanyang butler na si Philipp Langenau. "Junker Beckenbauer! Vhere are you going?"

"Pinapatawag ako ng Prinsesa. Aalis na muna ako. Pakisabi kay Kuya Viktor na itutuloy ko na lang ang mga ginagawa ko mamaya," pagpapaalam niya. Kahit kasi busy ang kuya niya sa pagplaplano ng kasal ay umuuwi pa rin ito at tumutulong sa kanya.

"Sige po. Masusunod po," ani ni Philipp. Sumunod ito sa kanya sa paglalakad sa pasilyo. Doon siya nagsimulang maghabilin nang gagawin nito habang wala siya. Kaunti lang iyon at alam niyang hindi naman mahihirapan ang butler sa kanyang pinapagawa.

Nasanay na siyang ang lahat ng gawain niya ay siya ang gumagawa. Kaya minsan, muntikan pang palayasin ng kanyang Ama ang kanyang butler dahil wala itong ginagawa kundi ang bantayan siya sa labas ng kanyang opisina. Kung hindi lang siya nakipagkompromiso sa Ama ay mawawalan ng trabaho si Phillip. And he can't bear that. Kaya kung may maipapagawa siya ay ipinapagawa niya kahit na sobrang minor pa. His dad thought it was weird since he was noble first and foremost, while he does need to work, it didn't mean that he should do everything. Nang naglaon doon lang siya hinayaan na lang ng Ama.

Ngayon ngang asa may pinto na siya ay lumingon pa siya sa butler at sa mga chambermaid na naglilinis sa entrance at nagpaalam. Isa-isang tumigil ang mga chambermaid sa ginagawa at nakangiting binati siya pabalik at sinabihang mag-ingat. It does make him feel better seeing them smile. Tumango na siya bago lumingon at nagsimula nang maglakad papunta sa Valwick Royal Castle.

::

Nasa labas si Prinsesa Wilhemene nang makarating si Gilbert sa pasilyo sa Castle kung saan makikita ang Conference Room. Naririnig niya mula sa kwarto na kahit naka-lock ang pagtatalo ng mga members ng Council ng Valwick, ang decision circle na natatanging nakakaimpluwensya sa mga mabibigat na desisyon na kailangan gawin ng Royal Family. Naroroon din ang hari at mukhang gusto na rin nitong umalis sa diskusyong iyon.

"Nakakatawa silang tignan, ano? Buti nagkakaintindihan pa sila diyan," na-a-amuse na komento ng prinsesa sa wikang German.

Princess Wilhemene is a young beautiful woman. Mahaba ang palaging naka-braid na kulay mais nitong buhok. She had fair skin. Hugis puso naman ang mukha nito na naglalaman ng madamdaming asul na mga mata, aristokratikong ilong, at maliit na mga labi. Mas maliit ito sa kanya ng isang talampakan. At kahit bente pa lamang ito ay para na itong isang epitome ng Roman goddess.

Saglit na nag-iwas siya ng tingin. It's not polite to stare. "Bakit mo nga pala ako naipatawag?" tanong niya para simulan ang usapan. Naramdaman niya ang mataman na pagtitig nito sa kanya.

"Nakaka-stress na," sabi nito sa wikang Tagalog. Isang wikang ni minsan ay hindi niya naririnig sa kahit na sino sa kanilang bansa. Ito lang ang gumagamit niyon dahil na-fascinate raw ito sa Pilipinas ng maging isang exchange student ito sa naturang bansa. Kaya sa tuwing ayaw nitong may ibang makaintindi sa usapan nila ay nagTa-Tagalog ito.

At siya ang pinilit nitong matuto ng lengwaheng iyon at kahit hindi niya pa masyadong nakukuha, ay naiintindihan naman niya ang ilan sa mga sinasabi nito. "Gusto nilang ikasal na ako, Gil. Bente na ako for God's sake!"

Sinagot niya ito sa wikang German dahil hindi pa siya sanay sa lenggwaheng Tagalog. "Hindi mo naman sila masisi, Mahal na Prinsesa. Gusto lang nilang malagay sa mabuting kamay ang Valwick."

Pinaningkitan siya ng mata ng Prinsesa at alinlangang ngumiti siya. "Quatsch, Gilbert!" naiinis na sabi nito na ang ibig sabihin ay 'Nonsense'. "Huwag ka ngang kumampi sa kanila. Hindi porket hindi ako ipinanganak na Prinsipe ay wala na akong karapatang magdesisyon."

Hindi dapat namromroblema ang dalaga kung hindi lang dahil sa isang aksidente na naging rason nang pagkamatay ng Reyna at nang nakakabatang kapatid nitong lalaki. Dahil doon ay naipasa ang pressure sa Prinsesa na maging tagapagmana ng Royal Crown. At dahil babae ito at likas na patriarchy ang Valwick ay hindi nito hawak ang desisyon sa pag-aasawa. Kaya pa naman ng kasalukuyang Hari na pamunuan ang bansa ngunit dahil wala na itong ibang susunod na tagapagmana ay kailangan nitong makasal ang naiwang anak.

Kahit hindi niya sabihin ay alam iyon ng prinsesa. Alam nitong kahit anong pagmamaktol nito ay wala itong magagawa para maapektuhan ang desisyon ng konseho.

"Vhat can I help you with?" tanong niya dahil ito naman ang nagpatawag sa kanya. Hindi naman siguro para makinig at panoorin lang ang pag-aaway ng konseho.

Malawak na ngumiti ito. "Vell, I need you to witness zis," anito bago tahasang pumasok sa loob ng Conference Room. "Gilbert, can you make them listen to me, please?"

Nagtataka man ay sinunod niya ang utos nito. Kinuha niya ang atensyon ng konseho. Isa-isang lumingon ang mga taong naroroon at pati na rin ang Hari.

Tinatagan niya ang neutral niyang ekspresyon kahit na ninenerbyos siya sa presensya ng mga taong naroroon. Nagpokus na nga lang siyang tumingin sa mga noo ng mga naroroon para lang wala siyang makatinginan ng diretso. Kahit kasi siya ang mas natotoka sa trabaho ng Dutchy of Beckenbauer ay hindi siya ang ihinaharap sa konseho. Ang Ama lang niya ang may karapatan kaya hindi niya alam kung tama bang naroroon siya.

"Vhat is it, liebe?" tanong ng Hari sabay ayos ng upo. Tinawag nito ang anak sa endearment na liebe na nangangahulugang 'darling'.

"May i-pro-popose akong solusyon. I vant to go to the Philippines and I'm going to stay zere. After two months, you will send a representative per Dutchy and whoever finds me first gets to have the right to marry me."

Nagsimula na namang magtalo ang mga naroroon. May sumasang-ayon. May tumataliwas. Samantalang siya naman ay hindi makapaniwalang nakatitig sa Prinsesa. She looked so proud of herself habang pinagpapawisan na siya sa nerbyos.

"Vhat? Hindi ba nito masosolusyonan ang problema niyo? Makakatulong rin iyon para malaman natin sino ba talaga sa mga Dutchy ang nararapat na ma-appoint bilang susunod na Hari."

Saglit na natahimik ang konseho at nagpalitan ng tingin. Mukha namang may punto ang Prinsesa dahil 'di naglaon ay nagsitanguan ang mga ito at inutusan na lang silang lumabas muna habang pag-uusapan pa ng mga ito ang mas magiging pinal na desisyon.

Nang makalabas na sila, hinarap niya agad ang Prinsesa para magtanong. "Ano talaga ang plano mong gawin?"

Malawak pa rin ang ngiti nito at masuyong inilapat ang isang kamay sa kanyang pisngi. Agad siyang namula. Dahil kung tutuusin, may nararamdaman siya para sa dalaga kaya sa simpleng ginawa nito ay nakakuha agad ng reaksyon mula sa kanya. Kaya ayaw niyang palaging naiiwang mag-isa kasama nito. Kinakabahan siya sa ginagawa nito sa kanyang puso.

Lahat siguro silang hindi pa nag-aasawa na membro ng Dutchy ay hinahangaan ang Prinsesa. Matagal na itong espesyal sa kanya simula nang makilala niya ito ng mga bata pa sila. Hindi lang niya ipinaalam dito dahil hindi niya nakikita ang sarili bilang karapatdapat. Idagdag pang kilala niya kung sino talaga ang napupusuhan nito.

"Gilbert," sabi nito. "Simple lang ang plano ko. Kung gusto nila ang suggestion ko, ikaw ang gusto kong makahanap sa akin."

::

Isang linggo ang nakalipas bago nakapagdesisyon ang mga konseho. Nakaupo silang dalawa ni Viktor sa loveseat na naroroon. Nakaupo siya sa kabila at naroroon naman ito kaharap niya. At ngayon ay hawak-hawak ng kapatid niya ang kautusan mula sa konseho.

"VHAT? Did the Princess really say that?" nagtatakang tanong ni Viktor sabay ang pagkunot ng noo nito.

Ang naging kondisyon lang ng konseho ay may isang knight na kailangang sumama rito. Hindi naman na nakatanggi ang dalaga. Ang importante rito ay makaalis, sa katunayan ay ngayon ito lalabas ng bansa.

Tinanguan niya ang kapatid at mas lalong kumunot ang noo nito. Halatang nag-a-alala. Parehas nilang kilala ang dalaga simula pagkabata. Kung hindi pa dahil sa kapatid ay hindi niya agad makikilala ang Prinsesa. At alam niya na kung hindi lang ito ikakasal, ito ang ipapatawag ni Wilhemene. Ito ang gugustuhin ng Prinsesa na makahanap dito. Alam niya iyon. Saksi nga siya sa pagdadalamhati ng Prinsesa simula nang malaman nito na ikakasal na pala ang kapatid niya.

"Bakit naman siya gagawa ng ganito ka-reckless na bagay? Alam niya naman kung gaano ka-competitive ang mga Dutchy," ani ni Viktor at umiiling na ipinasa nito pabalik sa kanya ang kautusang iyon. Totoo ang sinasabi nito.

Kahit na ang mga Dutchy ang rason kung bakit monitored at lumalago ang mga specific areas na pagtutuunan ng pansin sa kanilang bansa tulad ng agrikultura, turismo, teknolohiya, at iba pa, hindi magkakaibigan ang mga ito. Ang natatanging nagtatali lamang sa mga Dutchy ay ang nag-iisang Royal Family. Kung ang Royal Family ang nagsabing magkaisa sila, doon lamang sila magkakaisa.

"May natanggap pala tayong sulat. Pwede ko bang makita?" tanong ng kanilang Ama na kararating lang mula sa pinuntahan nitong pulong. Iniabot ni Gilbert ang sulat rito at mataman naman nitong binasa bago nagsimulang sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito.

"Son. You have to go," natutuwang sabi nito. Ipinatong pa ng Ama ang kamay sa kanyang balikat. "Isa itong magandang oportunidad para maipakita sa ibang Dutchy na hindi tayo simpleng mga magsasaka lang. At matalino ka, Anak, hindi na ako magtataka kung ikaw ang unang makahanap sa Prinsesa."

Hindi niya inaasahan iyon. Ang akala niya ay kailangan niya pang pilitin ang ama para roon. Kahit kasi alam niyang siya ang napili ng Prinsesa para hanapin ito ay hindi naman siya ang palaging pinapaboran ng Ama. Simula kasi nang malapit ng ikasal ang kanyang kuya na paborito ng kanyang Ama, ay mas binigyan nito ng atensyon ang pinsan niyang si Warren. Kung hindi man si Warren ay may ilan pa siyang pinsan na walang asawa at maaring mas may kakayahan pa sa kanya.

"You can't be saying what I zink you're saying, Father," nag-alalang wika naman ni Viktor. "Parang itinatapon mo si Gilbert sa kapahamakan."

"Son, son," tuwang-tuwa pa rin na wika ng kanilang Ama at si Viktor naman ang masuyong pinalo nito sa balikat. "Kung hindi ka ikakasal ay baka ikaw ang pinadala ko, Viktor. Hindi mo ba nakikita na isa itong malaking oportunidad para sa ating Dutchy? At mas magandang sarili kong anak ang ipapadala ko kaysa sa Extended Family natin. No son of mine is incomptent, after all!"

Hindi pa rin mukhang kumbinsido ang kanyang kapatid. Ngunit, totoo naman ang sinasabi ng kanilang ama. Si Viktor talaga ang ipapadala nito dahil ito talaga ang pinakapapaborang anak nito. At tama rin ito na mas magandang sarili nitong anak ang ipadala dahil kapag siya man ang nakoronahan, ibig sabihin noon ay mas mare-recognize ang kanyang ama.

Magaling man ang kanyang ama sa larangan kung saan ito nakatoka ay maraming beses namang maliit ang tingin ng iba rito kahit na ang Dutchy ng Beckenbauer pa ang pinakarason kung bakit maayos ang pagkain sa kanilang bansa. Ngunit hindi naman nagpapadala ang kanyang Ama, itinatago lang nito ang nararamdaman. Sa kasamaang palad, ang pagtatagong iyon ay lumalabas sa ibang paraan, sa ganitong paraan.

Huminga nang malalim si Gilbert. Isa siyang mabuting anak kahit anumang mangyari. Kahit alam niyang hindi palaging nakikita o nabibigyan ng magandang credit ang mga ginagawa niya. Ayos lang sa kanya iyon. Kaya nang harapin na niya ang ama at kapatid, nakangiti siya.

"Ayos lang, Viktor. Ako na ang pupunta. Gagawin ko ang lahat para sa Dutchy."

Natuwa naman ang kanyang Ama at napayakap pa ito sa kanya. "I know I can depend on you, son," sabi ng ama at tumango lang siya. Saglit na tinignan niya naman ang nakakatandang kapatid at mukhang hindi naman nito nagustuhan ang sinabi niya. Napailing na lang si Viktor bago siya nito tinapik sa balikat. Tumango naman siya at ibinalik nito ang pagtango niya.

"Tara at magdiwang tayo, mga anak," sabi ng kanilang Ama at inakbayan silang dalawa bago sila dinala sa personal na bar nito.

"Tara at magdiwang tayo, mga anak," sabi ng kanilang Ama at inakbayan silang dalawa bago sila dinala sa personal na bar nito


 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

two } Loneliness, An Airport, and an Encounter

MARIEKE hated her birthday. On this very day, someone always leaves. Marami nang umalis sa buhay niya at hindi niya alam kung pinagtritripan ba siya kaya laging nangyayari iyon o sadyang hindi niya talaga deserve na magkaroon ng kahit sino sa tabi niya.

Ngayon nga, birthday niya, 22nd of May. Pero hindi siya nagse-celebrate. Sa halip, nakatayo siya sa harap ni Sister Mary. The kind sister who had been like a mother to her on the orphanage. At siya ang huling kasama nito sa NAIA Terminal. Ilan lang ang dumating para magpaalam rito at nauna nang umalis ang mga iyon bago pa siya dumating. Sinadya niyang magpahuli dahil si Sister Mary lang naman talaga ang sadya niya. Wala ng iba. At pumunta lang siya dahil sabi nito ay maghihintay ito at hindi aalis hanggang hindi siya dumarating. Sigurado naman siyang seseryosohin iyon ni Sister Mary. Pinatunayan na nito iyon nang nagmaktol siyang hindi uuwi noon at nang umuwi na siya nang madaling araw ay nakatayo ang butihing madre sa harap ng gate nila sa orphanage. Waiting. A smile on her face. You're home.

"Sister Mary," bati niya sabay ngiti. Strained. Guarded. Hindi naman estranghero ang butihing madre sa kanya. Hindi dapat. Pero sa tinagal ba naman na wala siyang nakasama sa sariling apartment, sa katotohanang hindi na siya sanay sa mga tao, at sa tagal din na madalang ang komunikasyon nila ay parang hindi na niya alam paano ba makitungo rito. It was... awkward. She wished that it wasn't but it was.

"Marieke, anak, kamusta na?" natutuwang kinuha nito ang mga kamay niya at pinisil. Isang bagay na lagi nitong ginagawa simula ng bata pa siya.

"O-Okay lang po," sagot niya sabay iwas ng tingin. Okay lang ako, the biggest lie in the world. Technically, okay lang naman talaga siya. Surprisingly, maganda naman ang lagay niya financially. At nakatira naman siya sa isang matinong apartment. Okay lang siya.

The good sister smiled and pinched her cheek. "Alam mo namang alam ko ang ginagawa mo kung nagsisinungaling ka, Marie," simpleng wika nito. "Lagi kang nag-iiwas ng tingin. So?"

She bit her lower lip. Right, of course. "Okay lang po talaga ako... Lonely lang ng konti."

As if, wika ng atribida niyang utak na ugali na atang i-call out siya sa tuwing conscious siyang nagsisinungaling sa ibang tao.

Naalala niya ang mga ilang beses na labas masok siya sa St. Luke's Orphanage, ang orphanage kung saan siya iniwan ng Ina na hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala at minabuting hindi na kilalanin.

The foster parents then were so eager to take her in. Mabait naman kasi siya. Kumpleto naman ang katawan. Mukha namang malusog. Mukha namang masunurin. Mukha namang maayos ang... presentation. Mukha lang.

Weeks later when all of that fell apart, babalik sila sa ampunan. Iiwan siya sa labas ng mga kumupkop sa kanya. Mag-isa siyang nakaupo sa mga monobloc na nakahilera doon. Sisipsip ng candy na asa fishbowl kung saan may nakapaskil na papel na "Life is sweet. Make it sweeter." Hindi niya alam ang paguusapan nila sa loob kasama ni Sister Theodora, ang head nurse ng Orphanage. Basta maghintay lang raw siya.

Dahil mabait, masunurin, at kaaya-aya, hindi siya gagalaw roon. Maghihintay lang siya. Pero makalipas ang ilang minuto darating si Sister Mary at igagaya na siya pabalik sa playground. Makikipaglaro siya sa mga ibang bata. Matutuwa. Madi-distract. Makikipagkamustahan. Hindi magtataka. Hanggang sa ilang araw na ang lumipas at saka niya maiisip na, "Ah, saan na kaya sila?"

Lalapit siya kay Sister Mary at magtatanong: Asaan po sila Mama at Papa?

Luluhod ang butihing madre sa harap niya. Malungkot itong ngingiti at sasabihing sa susunod may makikilala na naman siyang bagong mga magulang kaya maghintay lang raw siya. At magpakabait. Patuloy na magpakabait.

Years of damning efforts of doing such and nothing happened. Iisa lang ang galaw ng siklo. Paikot-ikot. Walang pinagbago. So, at the age of fifteen, she got out of the orphanage. Simula nang mag-labin lima siya ay tumanggi na siya sa mga gustong kumupkop sa kanya. At nagpokus na lang sa pag-aaral. Hanggang sa nakatapos na siya ng High School at nag-NIIT na lang sa susunod na dalawang taon para makapagtrabaho at makaalis agad sa puder ng orphanage.

She didn't hate them. What she hated was the fact that she's a burden to them. She and her defective self. Ilan din ang binayad ng ampunan para lang sa gamot niya at sa pagpapaospital sa kanya sa tuwing inaatake siya ng hika.

Tumingin na siya sa butihing madre. At mukhang mas bumata ito ngayong nakita niya ito sa personal. Wala na ang matinding eyebags nito noon at hindi na masyadong defined ang mga wrinkles sa mukha kahit na may edad na. Mas bumata ito simula nang umaalis siya sa bahay ampunan. "Marie..."

"No, really. It's cool. I'm fine. Twenty-two na nga po ako ngayon, o. Tapos homebased lang po ako kaya wala akong kung sinong makokonsumi."

The sister's expression softens before pulling her to a hug. Sumikip agad ang dibdib niya at pakiramdam niya ay nag-init ang mga sulok ng mga mata niya. She had been starved of human connection for long that a hug makes her want to cry. Like she did something very special to even warrant one even though she didn't. Not really.

Ni hindi niya nga kayang ibalik ang pagyakap nito. Kahit na iyon ang pinakanatutuwa siyang makuha ng bata pa siya. Nahihiya na siya ngayon. Parang andami niyang utang rito na kahit nabayaran naman niya sa tingin niya ay parang may hindi tama. Parang mayroon pa ring mali.

"I'll miss you, child."

"Mami-miss ko rin po kayo, mag-ingat po kayo sa Canada, ah."

"I will."

For a moment, walang nagsalita sa kanila. Nanatiling yakap-yakap siya ng madre at walang ekspresyong nakababa lang ang tingin niya. Hindi pa ba ito tinatawag sa intercom?

"Hindi na po ba kayo babalik?" parang may sariling utak ang bibig niya at bigla niyang naitanong iyon. Gusto niya sanang bawiin pero hindi mahina ang pagkakasabi niya. Kaya napapikit na lang siya at naghintay ng sagot.

"I'm sorry..." sagot nito. "Final na ang desisyon ng Commitee na doon ako sa orphanage ng Canada magste-stay."

"I see."

Kumalas na ito at mataman siyang tinignan. Tumingin rin siya dito pabalik. Tipid na ngumiti. "Pwede ka pa ring dumaan sa orphanage, Marie. Welcome ka pa rin doon. Kapag libre ka at nalulungkot ka, punta ka lang."

Marahan siyang natawa. "Sige po."

Ilang taon na rin siyang ni minsan ay hindi bumalik sa orphanage. Pero hindi lang naman siya doon hindi bumalik. Marami pang ibang lugar. Sa panahon na iyon ay asa apartment siya at parang pinapatay ang sarili sa trabaho.

At kahit sabihin niyang pupunta siya ngayon ay alam nilang dalawa na hindi totoo ang sinasabi niya.

"Yung totoo? Kelan?" tanong naman nito at napakurap siya. Akala niya hindi na nila pag-uusapan.

"Ah... Hindi ko ho alam. Baka matagalan."

Natahimik naman na ang butihing madre at wala naman siyang magawa kundi ang mapamulsa. Pinaglaruan niya sa isang kamay ang susi ng apartment niya. Medyo malamig iyon. Tr-in-ace niya ang keychain niyang isang mini-pink chinese doll. Malamig. Mas malamig sa susi niya.

"It's not your fault, you know?" marahang wika ng madre na naging rason para humarap siya at mapatingin rito. "Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo dahil doon."

"Hmm?" kunwari hindi niya narinig kahit na klarong-klaro naman ang pagkakasabi nito.

The sister just laughed lightly. "Alam kong narinig mo ako, Marie."

Napalabi siya na parang bata at nag-iwas ng tingin. Sa ginawa niya ay may nakita siyang isang matangkad na lalaki sa hindi kalayuan kung asaan sila. He was about 5"11 and sports a long forest green overcoat that was opened when he turned lightly. Doon niya naman nakitang naka-itim na undershirt ito at may suot na dogtag. Sa kaliwang dibdib nito ay may nakalagay na black butterfly brooch. Naka-shades ito ngunit pakiramdam niya ay nagtama ang mga tingin nila. Supported by when he nods to her as a greeting. Nag-iwas siya ng tingin. Baka ina-assume lang niya na siya ang tinanguan nito.

"Marie?"

Liningon na niya ang madre. The latter still looks like she's expecting an answer. "...I can't really agree," prenteng sagot niya. "Lagi nila akong binabalik kasi sakitin ako. Pagsamahin ba naman ng kung sino ang asthma at anxiety?" She smiled lightly. Guiltily. "At... Ganoon din sa orphanage. Madami na ho kayong sinayang na pera para sa akin. I just... cost too much to keep alive."

Mukhang magsasalita ito pero sumabat siya. "Nakabayad naman na po ako, ano? I computed. Accurate po iyon, promise. Nagamit niyo naman siguro ang pera para sa improvements, ano? May bago na po bang facility? May upgrade na ba sa pagkain. May--"

Hinawakan ng madre ang magkabilang balikat ni Marieke. She looks at the sister, wide-eyed and an even wider smile on her face. Eto na naman. "Calm down, okay? Breathe in. Breathe out."

Nanginginig na napasapo siya ng noo at sumunod sa boses ng madre. Huminga siya nang malalim at dahan-dahan iyong pinakawalan. Inulit-ulit niya iyon hanggang sa unti-unti na siyang kumalma.

Great. Just great. Ipakita mo pa kay Sister Mary kung gaano ka kaawa-awa.

"Child..."

Nag-iwas siya ng tingin at mahinang humingi ng tawad. Sa tuwing inaatake siya ng panic attack sa harap ng kahit na sino ay nagui-guilty siya. They didn't need to deal with her. No one deserves to be stuck with a burden like her.

"Ano ka ba? Sanay na ako sa'yo. Hindi ka burden, Marie," nakangiting wika ng madre. "Trinatrato kitang parang anak ko na. Espesyal ka sa akin. Hindi kaya kita pababain ng Manila kung ayaw kitang makita sa personal sa huling pagkakataon."

She laughed bitterly at that. "Ganoon po ba? You're too nice to me, Sister Mary."

Marahan nitong pinisil ang balikat niya. "I love you, child. I'll wish for the best for you always. At sana makahanap ka ng katulad kong pagkakatiwalaan mo ng lubos."

"Pwede din. Pero himala na lang po siguro 'yan. Hindi ako lumalabas ng bahay."

Natawa ito. "Trust me, you'd meet someone. God makes that possible."

Umalingawngaw na sa airport ang boses mula sa intercom. "Calling all passengers for onboarding..."

Time to say goodbye. Lumingon siya sa kung saan nagmula ang intercom bago liningon ulit si Sister Mary. Smiled. A little sincere. It hurts. "Okay, Mom."

Napailing ito sa turan niya bago masuyong pinisil ang baba niya. A thing the sister always does to each and every one of them back in the orphanage. Pakiramdam niya ay sumisikip na naman ang dibdib niya. Gusto niyang umiyak pero nanatili siyang nakangiti.

"Take care of yourself, Marieke. Lumalabas ka rin minsan at bumisita ka sa orphanage, okay?" bilin nito saka kuha ng mga gamit at nagsimulang gumalaw. Hindi na siya makasusunod kaya pinanood niya na lang ang madre.

Saglit itong lumingon, ngumiti ito at kumaway. Kumaway din siya pabalik at hinintay na lumingon na ang Madre at tuluyan na siyang iwan. Napatakip siya ng bibig bago pa kumawala ang isang hikbi mula roon. Agaran rin siyang nagpunas ng nakatakas na luha bago nagsimulang maglakad palayo.

Lumunok siya at nahihirapang huminga pero nagpatuloy pa rin. Isang hakbang. Pangalawang hakbang. Tatlong hakbang. Hanggang sa nahanap niya ang sarili sa parking lot.

Mabilis na gumalaw ang kanyang mga mata at nang makahanap na siya ng tagong lugar ay doon siya nag-breakdown. Tinakpan na lang niya ang bibig para wala siyang magambala. Tama nang marami na siyang nagambalang iba. Huwag lang sana pati rito. Huwag sana.

::

Matagal na atang umiiyak si Marieke sa gilid na iyon at habang tumatagal ay mas lumalala lang iyon. Parang may unlimited supply ata siya. O baka natuwa ang mga mata niya na ngayon lang siya umiyak at nagagamit na ang mga tear ducts niya.

Gusto niyang matawa sa sarili at nakakaawa siguro siyang tignan. Buti na lang at asa tagong parte siya ng parking lot dahil kung hindi ay mas lalo lang siyang mako-conscious at baka mag-panic attack siya ulit dahil pakirandam niya ay maraming mga matang nakatingin sa kanya.

Huminga siya nang malalim at aalisin na sana ang kamay sa bibig para magpunas ng luha ng may kung sinong bumagsak sa gilid. Agad siyang napatingin sa pinagmulan ng tungo. At nakita niya ang lalaking nakita niya lang kanina na tumango sa kanya.

He was clutching on his side, which looked to be bleeding in a rapid state. Mukhang bugbog sarado rin ito. Nag-stand out kasi ang mga pasa nito dahil maputi ang lalaki. And this isn't the time to be describing him in her head in detail.

Binundol ng kaba ang dibdib niya at nararandaman na naman niya ang susunod na panic attack. Mabagal at nanginginig na lumapit siya sa lalaki. She tentatively touched him. He winced and she flinched. He opened his eyes slowly. Ngayon lang siya nakakita ng ice blue na kulay sa mga mata. It was pretty.

"W-Wait, I'll call the ambulance," nasambit na lang niya bago nanginginig na inilabas ang cellphone. Stay calm, please. Stay calm. He needs you.

Nagulat na lang siya nang hinigit nito ang manggas ng jacket niya. At gamit ang boses na usually naririnig lang niya sa mga foreign movies ay nagsalita ito, "P-Please, don't call an ambulance."


 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

three } A Stranger, Valwick, and Encounters Again

"P-PERO," marahang napamura si Marieke nang bumaba na ang kamay nito at nagkaroon ng mantsa ng dugo ang jacket niya. Kung hindi lang siguro black ang jacket niya ay makikita niya ang dugo. Wala naman siyang takot sa dugo pero ngayon parang kinikilabutan siya. The guy is bleeding a lot!

The blue-eyed guy cough. "Please... Don't. You can do it. You... You can help... Me."

"But you're going to die at this rate," sabi niya at lumapit dito. May alam siyang kaunti sa first-aid kaya hinubad na niya ang jacket at agarang tinali sa baba ng dibdib ng binata. Umungol ito sa sakit sa simpleng paggalaw lang niya rito. Napamura ulit siya dahil nagsisimula na naman siyang mag-panic. "I... Hold on."

Mabilis siyang tumayo pero inilagay na ata ng lalaki ang lahat ng lakas niya sa paghigit ulit sa kamay niya. Narandaman niya ang mainit na likido mula roon. May sugat rin kaya ang kamay nito? "Please. Zey can't zee me like zese. I... I will die."

"No... No worries. Maghahanap lang ako ng supplies, okay? I haven't even gone to College... God, what do I know? Pero... " hindi na siya nag-aksayang isalin iyon kahit mukhang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. Basta binigyan niya na lang ito ng tingin na nangungusap na pagkatiwalaan siya nito. Mas aatakihin siya ng anxiety kung papanoorin niya lang ito at hindi iyon magiging maganda para sa kanilang dalawa.

He wheezed and gradually lets her go. Tumango ito at tumango siya pabalik bago tumakbo papasok ng airport. Naghanap siya ng drugstore habang nanginginig pa ring nagta-type sa kamay ng kung anong pwedeng gawin para sa lalaki. Mukha na nga siyang naiinis at naiiyak sa ibang mga tao pero hindi niya pinansin. She just went on.

Nakahanap naman siya agad ng drugstore. Pumasok siya at nagsimulang kumuha ng mga sterile na bandages, alcohol, and some medicine. D-in-ouble check niya saka nagmamadaling iniharap sa counter. "Pakibilisan po, please," agaran niyang sabi. Nagpa-panic na siya. She can feel it coming. Huminga siya nang malalim ng ilang beses. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

"Miss, are you okay?" Humarap siya sa counter na malalaki ang mga matang parang ginulat ng kung sino. She shifted her eyes and bit her lower lip. "I-I'm fine," kumuha siya ng pera mula sa bulsa at ibinigay sa counter. Kinuha ito ng asa counter at bumalik siya sa breathing exercises niya. Pakiramdam niya nahihilo na siya at mabubuwal na ata. Hindi pwede... I need to...

May kung sinong humigit sa braso niya na ikinagulat niya. She looked harshly at the person. He's tall, blond, and has the body built of someone who goes to the gym once a week. Hindi masyadong maskulado pero alam mong may muscles. Nakasuot ito ng itim na shades na bumagay sa suot nitong itim rin na trench coat. At kung mas titignan niya siguro ito ay mapapansin niyang may pagkahawig ito sa lalaking sasaklolohan niya.

"W-what--"

Hinawakan nito ang kamay niya at nakakunot noong nagpahigit siya. Napahigpit ang hawak niya sa kamay nito. "Right. Do that. Focus on your breathing and calm down," wika ng lalaki na medyo lumingon sa kanya.

Tumango siya at sumunod. "Saan ka pupunta?"

"Parking," sinabi niya rin kung asaan ang binatang sugatan. "I... He asked me not to..."

Umiling lang ang lalaki. "Focus. And I'm a doctor by the way."

Kumunot ang noo niya pero hindi na siya makalaban dahil kailangan niya pa ring kalmahin ang sarili. Kaya nagpatianod na lang siya. Dinala siya ng doktor sa parking lot at sakto namang doon na siya tuluyang kumalma.

Bumitaw na siya sa doktor at lumapit sa estrangherong sugatan na hanggang ngayon ay lumalaban para hindi mawalan ng ulirat. He's holding on his dogtag while breathing in and out slowly.

"Vho?" tanong nito at nakita niya ang pagdaan ng panic sa mukha nito nang makita ang doktor na kasama niya. "You didn't--"

Umiling siya. "Uh... He can help. And he's not from the hospital," Binalingan niya ang doktor na tipid na ngumiti.

Mahinang tumango ang estranghero at nagbigay permiso sa doktor. Sinubukan niya namans patahimikin ang boses na bumubulong sa kanya na nagsasabing hindi niya naman talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking nag-claim na doktor. At sinasabing kargado-konsensya niya ang estranghero at kung mamatay man ito ay...

Nahila siya sa pag-iisp ng mga masasamang bagay nang magsalita ang doktor. "Okay, Miss. Please lay him down correctly."

She shakily nodded and did as told.

::

Pabalikwas na bumangon si Gilbert at gulat na gulat na tumingin sa paligid. Asa isang kwarto siya na mas maliit sa kung ano ang kwarto niya sa Dutchy. He shifted his eyes from left to right. Nervous. Alert. Scared.

Walang kahit anong gumalaw sa kwarto at nang masiguro niya iyon ay napahilamos siya sa mukha. Hinila niya pataas ang mga hita at inilagay ang ulo sa mga iyon. "Salamat sa Diyos..." mahinang wika niya sa salitang German.

He remembered what happened a few minutes later after he arrived in the Philippines. Ang akala niya ay magiging kalmado lang ang lahat pero bago pa sila makaalis ng airport ay in-ambush ang sasakyan nila at iniwan siya. He was left to bleed to death. The others will killed thru smaller devices, as small as a needle pressed to their necks. He was stabbed and beaten. Kinuha rin ng mga umatake sa kanila ang lahat ng pera niya along with his gadgets and his notes. Everything.

Gusto niyang magmura. He knew that the other Dutchys can be very competetive. He didn't know that they would go as far as killing his envoy and doing this to him. Viktor was right to be worried.

Tapos ngayon, asa kwarto siya sa kung saan sa Pilipinas. Nagamot at naagapan naman ang pinsala niya. Pero...

"Ano nang gagawin ko ngayon?" aniya sa Wikang German. Hindi niya alam kung paano na siya magsu-survive. Walang natira sa kanya. O wala nga ba? Itinaas niya ang ulo saka kinuha ang jacket niyang nakasampay sa isang upuan.

Hinalughog niya iyon at hindi naiwasang madismaya nang makita kung anuman ang natira sa kanya. His passport, a few spare change that he kept on a hidden pocket, isang piraso ng candy, at ang paborito niyang fountain pen. Nanlulumo na kinuha niya ang candy at inilagay sa bibig bago ibinulsa ulit ang mga gamit. Iyon lang. Iyon lang ang natira. God.

Napamura na siya. Nagpakawala siya ng ilang malulutong na mura sa sariling wika. He was alone. Wala siyang maintindihan sa pagTatagalog ng mga Pilipino. Kaunti lang ang alam niya. Hindi niya naman matawagan si Viktor. He had the number memorized. Pero hindi siya sigurado kung ano ang siste sa international calls. Idagdag pang wala siyang pera para pambayad sa gagawing tawag. What should he do now?

Narinig niyang bumukas ang pinto at sumusukong nagtaas siya ng mga kamay. If they plan to come back and kill him then fine. Magtitiwala na lang siya sa bodyguard ng prinsesa. Liningon niya ang nagbukas ng pinto. What he saw was a girl 11 inches smaller than him. Nakapamulsa ito at may nakasabit na plastic bag ng mga biscuit sa kaliwang braso nito. Nakakunot-noong tinignan siya nito. "Anong ginagawa mo?"

"P-Pardon?" mabilis niyang tanong. Are they sending innocent looking girls now? Those evil...

"Ah, oo nga pala," sabi nito sabay sara ng pinto. Lumakad ito at naupo sa upuan sa harap niya. "Are you okay?" tanong nito. "I... I'm sorry dinala kita sa cheap na apartment. I mean, I brought you to a cheap apartment because uh... Most apartments here aren't cheap. This one's actually... Um... Already expensive for me," nag-iwas ito ng tingin.

"You... Vho are you?"

Ibinaba na niya ang mga kamay. She didn't look like she meant any harm. Parang hindi nga ito mukhang makakapanakit ng kahit ano. Hindi rin siya sigurado kung bakit nga ba andito ito.

Tinitigan siya nito at mukhang iniisip kung ano ang sasabihin sa kanya. "Um... Marieke. My name is Marieke. You can call me Rie or Marie or Rieke, whichever."

"I... I see... Did you help me?"

Marahan itong natawa at napahimas ng batok. In the slightly dim light, he noticed that her hair had blue highlights on the lower streaks. Napailing siya. Bakit siya nagfo-focus sa buhok nito?

"Yeah. You magically appeared out of nowhere. And I can't possibly just leave you to bleed out to death there."

"Thanks..." Linunok na niya ang candy. "Fraulein Marieke. I... I appreciate ze help."

"Fraulein?"

"It's Miss in German."

"Ah." Tumango ito at nanatiling nakatitig sa kanya. Hindi niya maiwasang kabahan. She was looking at him as if she's finding something... A fault, maybe? But...

"Ah... Vere you expecting me to introduce myself?" he asks after a few minutes of awkward silence. Nag-snort ito bago tumango. Marahan naman siyang natawa bago inilahad ang kamay. "Gilbert von Beckenbauer, you can call me Gil if you prefer."

"...Oh," kumurap-kurap ito. "You said German... so you're from Germany?"

"Not exactly," wika niya. "Valwick."

Kumunot ang noo nito at nakahinga naman siya nang maluwag. She had no idea what his country was even. Well, sino ba namang aware sa lahat ng mga bansang asa mapa? Their country was fairly small. Only an island on the ends of Germany. And they really keep to themselves. May trading man na nagaganap ay andoon lang mismo sa mga karatig na bansa.

"Wait..." Inilabas nito ang phone at saglit na tumipatipa bago ito hinarap. "Oh, it is a country. Interesting. Bakit ka andito?"

"Pardon?"

"Ah..."

Napahimas ulit ito ng batok at nag-iwas ng tingin. "It's a personal question. Sorry. Um... Here." Inabot nito sa kanya ang plastic bag ng biscuit. She brought what seemed to be brands he had never seen on his life and... They're quiet small.

Hindi niya alam kung mabubusog ba siya sa ganoon. Pero hindi naman siya tumatanggi sa hospitality. At mukha namang nakaabala na siya ng sobra sobra dito. Kaya sa halip, nagbukas na lang siya ng isa at kumain. It's not bad. At all.

Mukha ngang gutom na gutom na siya at hindi pa siya nag-offer kay Marieke. Hinarap niya ito sa kalagitnaan nang pagkain at iniumang rito ang biscuit na hawak. Kumurap-kurap ito.

"Ah... Hindi. No. It's for you. I ate something a while ago. I'd treat you to something but I'm not really sure what you'd want so... I settled for that."

Lumunok muna siya saka tumango. "Thank you, Fraulein."

"...Yeah. Sige, kain ka lang... I mean... eat well."

Tumango siya ulit. Naintindihan niya naman ang ilan sa sinabi nito. Kumuha siya ng isa pang biscuit at kumain. Wala na namang nagsalita sa kanila. Marieke seems to be as quiet as he is. Kaya kung walang mangunguna ay maghapon silang hindi mag-uusap. He was kind off expecting questions. Kind off. If she didn't then it's okay.

"Are you dangerous?" kagyat ay tanong nito matapos niyang maubos ang huling biscuit. Lumunok muna siya at nagpunas ng bibig gamit ang panyong asa bulsa.

"No. I'm not."

"Are you in danger... I mean, will having you with me put me in danger?"

"No. I think they're assuming I'm dead. And I vould have been if you didn't save me. Thank you once again," he smiled. He can understand why she'd be afraid. He would be as well if he's in her position. "And I'm really sorry for the trouble."

Umiling ito. "Glad to help. Um... Is it alright if we uh... matulog um... sleep for now? We can go elsewhere tomorrow."

"You're going to stick with me?"

The girl smiles lightly. "You sound convincing but I'm tired and I'd rather rest," dumiretso ito sa couch na naroroon. At basta-bastang humiga at tumalikod.

"You can take the bed."

"Nah. And if you plan anything, I know where you're injured--"

"I von't."

Saglit itong humarap para balingan siya. Ngumiti siya rito. Ang sabi ng Ama niya noon ay kung gusto mong makuha agad ang tiwala ng isang tao ay dapat manatili kang nakangiti. At hindi niya naman ito niloloko. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

"And... If you don't want to come with me, I don't suggest that, but you're your own person uh... You can leave," tumalikod muli ito at narinig niya ang pait sa boses nito. "You don't have to say goodbye... Kahit... Uh... Just lock the door."

Tumango siya. Nanatili muna siyang nakaupo at tinitigan ang dalaga. She looks frail. Like porcelain. The kind that will break with the slightest mishandling. Base rin sa tono ng boses nito ay mukhang ilang beses na itong iniwan. May mga nagpaalam at may mga hindi. At sanay na ito sa ganoon na wala siguro talaga rito kung basta basta siyang umalis ngayon din.

Pinakiramdaman niya ang sariling katawan. Wala siyang marandamang sakit sa sinaksak sa kanya. His face does hurt though. At siguradong may mga kulay talong pa siyang mga pasa sa mukha. If anything else, he seems so-so. Hindi pa niya sinusubukang tumayo pero alam niyang baka mabuwal siya. Napatingin na naman siya sa dalaga. Paano kaya siya nadala nito gayong hamak na mas matangkad at mas malaki siya rito? Maybe, she got some help.

Napangiti siya. Hindi niya alam kung bakit siya tinulungan nito kahit mukhang dudang-duda ito sa kanya. Kaya ang magagawa niya lang ay magpasalamat. "I really appreciate it, Fraulein Marieke. Thanks for helping me."

Nagulat pa siya ng tinaas nito ang kamay at nag-thumbs up. 


 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Princess B. Jacob (pinutbutterjelli)'s other books...