SAVANT: Simula ng Wakas

 

Tablo reader up chevron

Prologo

Sampung pursyento.

Sa buong kaalaman na maaaring gamitin ng tao, sampung pursyento lamang ng kaniyang utak ang ginagamit nito. Ang natitirang siyamnapung pursyento ay isang misteryo.

Nababasa sa iilang pahayagan at pagsasalarawan na ang siyamnapung pursyento ng kaalaman ng tao ay nababase sa kanyang ekstra ordinaryong mga kaalaman. Kaalaman na sinasabing naihahayag lamang ng iilan, ng mga taong sinasabing itinadhanang gumamit nito. Ngunit base sa siyensya, ito ay mitolohiya lamang. Na ang katotohanan ay ginagamit nating ang ating utak sa kanyang isang daang pursyentong kakayahan. Na ang sinasabing ekstra ordinaryong mga kaalaman ay pawang kathang isip lamang.

Mahika.

Sinasabing ang mahika ay isa sa mga hindi maipaliwanag na elemento na hanggang ngayon ay pilit na itinatanggi ng siyensya. Ang ibang dalubhasa nama’y sinasabing isa ito sa siyamnapung pursyento ng kaalaman ng tao na kanyang maaaring malikha. Kung kaya’t ang tawag sa mga mahikerong ito ay mga ektra ordinaryong nilalang.

 

Kathang isip nga lamang ba?

O sadyang buhay sila?

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 1

Lumilipad ako.

Tumatakas.

Tumatakas ako sa mga halimaw na tangka akong patayin.

Hindi sapat ang lakas ko para malupi ko silang lahat..

Marami na kong nakikitang mga taong nakahiga sa sahig.. Walang buhay..

Ang iba’y may hininga pa’t pinipilit abutin ang aking pansin para tulungan sila…

Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko kaya

Tumatakbo ang iba. Sa tingin ko mga kasama ko sila.

Pilit nilang pinapatay ang mga halimaw.

“Sin!!! Naroon ang gamot! Kunin mo dali!”, sabi ng isang babae

Kilala ko siya pero sino siya?

Pinilit kong lumipad pataas para makarating sa sinasabi niyang lugar.

Sobrang taas ng puno.

Hindi ko maaninag ang dulo.. Dala na rin sa kulay dugong langit..

Maaabot ko kaya yun?

Pagod na ang katawan ko.. Hindi ko na kaya…

Parang ambigat ng katawan ko….

Malapit ko na siyang maabot..

Konting-konti na lang..

May tao…

May tao sa itaas ng puno… Tinitingnan lang niya ang mga halimaw sa ibaba.

Tinatanaw lang niya ang mga kasamahan kong nakikipaglaban sakanila.

Sino siya??

 

 

7:00 ng umaga

Pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata at tinanaw ang pader kung saan nakasukbit ang orasan.

Panaginip lamang pala.

Kagaya noong mga nakaraang araw.

Sakto lamang ang kanyang paggising.

Hindi na niya kailangan ng maiingay na bagay na maaaring makagising sakanya. Dahil ang kanyang isip at katawan na mismo ay siyang gumigising nang kusa. Sanay na siya. Alam niya iyon.

Bumangon siya sa kama at dumiretso sa banyo. Pagdaka’y bumaba sa sala upang kainin ang almusal na nasa hapag na inihanda ng kanyang ina.

Simple lang ang kanyang pamumuhay. At kontento siya roon. Siya at ang kanyang ina at ang kanilang maliit na tahanan. Patay na ang kanyang ama mula sa gyera sa ibang bansa. Ang kanyang ina ang tumataguyod para sa ikabubuhay nila. Siya na biniyayaan ng talino, ay ngayo’y nasa ikaapat na taon sa hayskul. Hindi naging problema sa kanyang ina ang kanyang pag-aaral dahil sa skolarsyip na kanyang natanggap sa isang mataas at kapita-pitagang eskwelahan ng mga mayayaman. Isang maliit na bagay para sa iba na siya namang malaki para sakanya at sa kanyang ina.

Tinapos niya ng madali ang kanyang limang pirasong pandesal, dalawang pritong itlog at mainit na tsokolate. Nagpaalam na siya sa kanyang ina. Dalawang kilometrong paglalakad ang kailangan pa niyang gawin.

Dalawang kilometro.

Dumating siya sa paaralan ng maaga. Sakto lang ang kanyang oras. Pagkapasok na pagkapasok sa kanyang silid ay umupo na siya sa kanyang upuan. Siya ay masayang binati ng kanyang mga kaklase. Ngumiti siya. Pumasok ang isang binatang may malaking ngiti sa kanyang mukha at sumugod papalapit sakanya.

“Ohayou dude!”, bati nito saka siya inakbayan at akmang sasakalin.

“Tigilan mo nga ko sa kaka-Japanese mo”, pilit niyang pagbusangot ngunit alam sa sariling siya’y masaya sa pagdating ng pinakamalapit na kaibigan.

“Haha! Ang bestfriend ko talaga oh! Masyadong harsh!”

“Good morning Sin”, bungad naman ng isang babaeng para sakanya ay ang pinakamagandang babae na nakilala niya. Pilit ang ngiting kanyang ibinungad sa dalaga para maitago ang lihim na pagsinta.

“Morning Iena”, kanyang bati.

Napansin sa sulok ng kanyang mata ang pagdating isa pang malapit na kaibigan. Kumpara sa dalawa, ito na yata ang pinakatahimik sa magkakaibigan at ang pinakamabait sakanila.

“Morning Benj”, sabay ng kanyang pagngiti na hindi niya itinatangging tunay. Sinuklian naman ni Benjie ng ngiti ang bating iyun.

Nag-simula ang kanilang klase.

Kanyang ibinuklat ang kanyang libro at nagsimulang basahin ito habang nagsasalita ang kanilang guro sa pisara.

Siya ay isang matinong mag-aaral.

May tumayo mula sa kinauupan nito at lumapit sa guro. Napabaling ang kanyang tanaw sa lalaking ito.

“Ma’am, excuse lang po. Emergency lang”, anya ni Benjie habang nakayuko’t kinakabahan. Isang normal na kilos ito ng kaibigan sa kanyang paningin. Ibinalik niya ang kanyang konsentrasyon sa binabasang libro.

Kinatanghalian.

Isang malakas na tunog ang narinig ng mga estudyante. Hudyat ito ng pagtatapos ng kalahating araw ng klase. Nangunang umalis ang guro at unti-unting nagsitayuan ang mga estudyante.

May mali.

Tiningnan niya nag buong silid.

Hindi pa rin bumabalik ang isa niyang kaklase.

“Yo. Bryan, napansin mo si Benjie? Hindi na yata siya bumalik”, tanong niya nang makalapit siya sa kanyang pinakamatalik na kaibigan.

“Ay oo nga noh? Ngayon ko lang napansin! Nag-skip yata!”, anya.

“Iyong taong yun? Marunong sa ganun? At saka iiwan ang bag niya?”, sabay niyang turo sa mga gamit na nakalagay sa kinauupuan ni Benjie.

“Ewan ko. Tara lunch na tayo sa canteen! Balita ko may munggo silang ulam ngayon!”, yaya ni Bryan sabay akbay sa kanya. Parang wala lang sa taong ito ang pagkawala ng kanyang kaibigan. Sanay naman siya sa ugali ni Bryan kung kaya’t hinayaan na lamang niya ang pagkawalang-pakialam nito.

“Tignan ko muna si Benjie. Mauna na lang kayo ni Iena”, kinuha niya ang kanyang mga gamit at ang mga gamit ni Benjie. Lumabas ito ng silid at pagdakay hindi alam kung saan maghahanap.

Saan kaya pumunta ang lokong yun? Dun kaya?

Naalala niya ang isang lugar na madalas puntahan ni Benjie sa tuwing malungkot ito kung kaya’t napag-isipan niyang unahing hanapin siya roon.

Sa rooftop.

Pagdating niya’y sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit kahit anong pilit niya’y hindi ito mabuksan.

Wala siya rito panigurado.

Tumalikod siya’t akmang aalis na nang makarinig ito ng hagulgol mula sa kabilang parte ng pintuan. Akala niyang guni-guni lamang ang kanyang narinig kung kaya’t babaliwalain n asana niya ito ngunit naring niya ulit ang pagsigaw at hagulgol. Isang lalaki. Tiyak siya sa kanyang naririnig.

“Benjie! Andyan ka ba?!”, sabay katok sa pintuan.

Nawala ang ingay.

Tumahimik siya upang tiyakin iyon.

Wala nang humahagulgol…

Guni-guni ko nga lang talaga siya.

Hapon

Ipinagpatuloy nila ang klase.

Tumingin siya sa kinauupuan ni Benjie at nagbabaka-sakaling bumalik na ito nang hindi niya namamalayan. Ngunit hindi siya nagkakamali. Wala talaga ang lalaki.

Napabaling na lamang ito sa labas ng bintana kung saan tanaw niya ang malawak at bughaw na kalangitan.

Mabuti pa ang langit. Walang kaproble-problema.

Aniya sa kanyang sarili. Nangalumbaba siya’t ang tenga’y wala ng naririnig na kalinawan sa ingay na kanyang naririnig mula sa kanyang propesor na kahit matandaa na’y walang humpay na dumadakdak at ngawit na sa pagtayo maturuan lamang ang mga estudyanteng nakaupo.

Umihip ang hangin.

Hindi man niya maramdaman ito ay nakatitiyak siya rito sapagkat napansin niya ang mga dahong nagsasayawan sa mga tangkay at nagsisiliparan. Pagdaka’y mangangalaglag sila pahiwatig na ang hangi’y paputul-putol sa kanyang maglalaro.

Sa isang sulok ng kanyang mata’y may napansing madilim na dahon. Ang atensyo’y ipinukaw sa napansin upang matiyak kung ang kanyang nakita’y katotohanan.

Nagkamali siya.

Hindi ito dahon.

Kundi isang tila bagang balahibo na galing sa pakpak ng isang malaking ibon.

Isa, dalawa, tatlo…

Kanyang binilang ang mga balahibong nangahulog sa labas ng bintana.

Apat, lima, anim, pito….

Hanggang sa makarami na siya ng kanyang bilang.

Nakakapagtaka naman. Masyadong maraming balahibo ang nahuhulog. Buhay pa kaya ang ibon na iyon?

Dahil sa kanyang pagkakabagabag, ibinaling na lamang niya ang kanyang atensyong sa propesor. Wala itong pakialam kung nakikinig siya. Matalino kasi siya. Alam nito iyon.

Uwian.

Nagsitayuan ang mga estudyante na akmang aalis na. Tumayo na rin siya. Lumapit sakanya si Bryan maging si Iena. Sabay silang uuwi. Iniwan niya ang gamit ni Benjie sa upuan nito.

Bahala siya. Siya rin naman ang nag-iwan niyan hindi naman ako.

Tuluyan na silang lumabas ng gusali. Tawanan ang kanyang naririnig gawa ng sandamakmak na kwento ni Benjie sakanilang dalawa ni Iena. Malulutong na halakhak ang ibinabalik ng dalaga kay Benjie habang siya namang pilit sa pagiintindi sa kwentong kanyang naririnig na sa pananaw naman niyang walang kabuluhan. Tumatawa siyang pilit. Hindi nila alam iyon.

Napadaan na sila sa tapat ng gusali kung saan sila nagkaklase. Nasa bandang kanan niya ito. Siya’y tumingala at sinilip ang kanilang silid. Nasa ikaapat na palapag ito.

Bigla niyang naalala ang mga balahibong itim na kanyang nakita sa labas ng bintana kanina. Tumingin siya sa lupang inaasahan niyang kababagsakan ng mga balahibong iyon. Hindi siya nagkamali. Naroon nga ang mga iyon. Dahil sa mga damong naroon, makikita agad ang mga balahibo. Saglit siyang lumapit upang kumuha ng isa niyon at kanyang sisiyasatin.

Pagkahawak niya ng bagay na iyo’y bigla siyang nakaramdam ng panlalamig at ang balahibong hawak ay biglang naging abong unti-unting kumakawala sa kanyang palad. Lumingon siya sa kanyang paligid. Nandilim ito. Ang kalangita’y naging kulay dugo. Nakita niyang ang mga punong kanina’y napakaluntian ngayo’y tila mga tuyo at walang buhay na puno na lamang. Ang mga daho’y nasa lupa’t napakatamlay ng kanilang kulay. Walang tao.

“Bryan? Iena?”,  anyare rito?

Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Tsk. Malamang pagod lang to. Maka-imagine naman ako, wagas.

 Iminulat niya itong muli matapos piloting ayusin ang kanyang katinuan. Ngunit hindi siya nananaginip. Nawalan siya ng mga kasama. Natigagal siya. Hindi niya malaman kung anong nangyayari at kung ano ang kanyang gagawin. Tumingin siya sa balahibong kanyang hawak. Tumingin siya sa itaas ng gusali kung saan sa palagay niya’y galing ang bagay na ngayo’y kanyang hawak.

Nagulat siya sa kanyang nakita.

Si Benjie.

Nakatayo sa itaas ng harang. Nakatingin sa malayo.

Magpapakamatay.

 

“HOY BENJIE!!! ANONG GINAGAWA MO RIYAN!!!”

Isinigaw niya ito ng malakas. Malakas na ipinagdarasal niya’y umabot sa pandinig ni Benjie. Ngunit hindi ito lumingon. Ni gumalaw.

Sinimulan niyang tumakbo pabalik ng gusali. Hindi siya makapapayag sa kanyang nakikita. Kailangan niyang sagipin ang kanyang kaibigan. May anim na palapag ang gusali at hagdanan lamang ang maaari daan upang makaakyat sa taas. Maging ang mga silid na kanyang daraana’y napakadilim. Tumataas ang kanyang balahibo dahil sa itsura noon na para bang may itinatago ang bawat silid na masasamang bagay sa loob nito. Para ring may mga nanlilisik na mga matang nakatitig sa kanya habang dumaraan siya sa pasilyo.

Isang malaking kaduwagan.

Iyon ang nababalot sa buo niyang katawan. Ngunit mas natatakot siya sa nakitang kaibigan na sa tingin niya’y balak ng magpakamatay.

Nakarating siya sa pang-anim na palapag habol-habol ang kanyang hininga’t tagatak ang pawis sa buong katawan. Kanyang pinagsusuntok ang pintuang makapagpapasok sa kanya sa rooftop. Dahil sa ang lakas ng kanyang kamao ay hindi sapat upang mabuksan ang pintuan, kanya na lang itong pinagsisipa hanggang sa ito’y mabuksan. Dali-dali siyang nagpaluwa sa pintuang kanyang sinira at tumingin sa lugar na huli niyang napagkitaan sa bulto ng kanyang kaibigan.

Ngunit wala roon si Benjie.

Patakbo siyang pumunta roon at isinilip ang ibaba inaakalang nahulog na ang kaibigan. Ngunit wala itong nakitang katawan ni Benjie.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa bawat sulok ng lugar na kanya ngayo’y kinatatayuan. Nahagilap ng kanyang tingin ang isang babae sa hindi kalayuan. Madilim ang pananamit nito. Sa mga paa nito’y may nakahandusay.

Si Benjie.

Napaupo siyang bigla sa sobrang sindak. Nakita niyang naliligo ng dugo ang katawan ng kaibigan. Ang kanyang mga mata’y nakamulat na parang nakatingin sa kanya.

Ibinalik niya ang paningin sa nakatayong babae. Hindi niya maaninag ang mukha nito. Palibhasa’y natatakpan ito ng mahabang buhok. Napabalikwas siya at napaurong sa pagkakaupo ng makita niyang duguan ang braso ng dalaga.

Siya ang pumatay kay Benjie.

Halos mangiyak-ngiyak siya sa nakita. Sa sobrang panginginig ng kanyang mga binti, kahit gustuhin man niyang tumakbo ay hindi niya magawa. Gusto niyang sumigaw. Ngunit walang makalabas ni isang tono mula sa kanyang lalamunan. Tuyung-tuyo yata ito.

Lumingon ang babae sa kanya.

Nagsimula itong humakbang patungo sa kanyang direksyon. Ang mga mata ng babae’y namumula. Namumugto. At nakikita niyang may luha maging ang mga pisngi nito. Lalo siyang natakot.

“S-Sino ka!!”

Mga katagang kanina pa niya gustong sabihin at sa wakas ay lumabas na mula sa kanyang bibig.

Mga katagang naglupil sa kanyang kaduwagan.

Hindi umimik ang babae. Patuloy pa rin ito sa paghakbang.

Wag kang lalapit! Wag kang lalapit!”, umurong siya ng umurong hanggang sa maramdaman niya ang harang.

Wala na siyang mauurungan.

Kahit takot na takot ay sinubukan niyang pakalmahin ang sarili. Alam niyang walang mapapala ang takot na bumabalot ngayon sa buo niyang katawan. Kailangan niyang makatakas.

Matalino siya.

Alam niya iyon.

Timungin siya sa parehas niyang gilid. Naalala niya ang pintuang ginamit niya. Nakasiwang lamang ito.

Kailangan niyang makatakas. Alam niya iyon.

Sino ba ang babaeng to?! Bat niya pinatay si Benjie! Walang hiya siya para patayin ang best friend ko! Ngayon ako ang isusunod niya. Malamang sa malamang dahil alam niyang isusumbong ko siya sa pulis!

Shit! Shit lang talaga! Anong gagawin ko para makatakas sa kanya??!

Masyadong malayo ang pinto mula sa kinauupuan ko. Pero kung iisipin, makakalayo ako agad sa sobrang bagal ng paglalakad niya.

Hindi ko hahayaang patayin niya ko ngayon! o kahit KELAN!

Bago pa makalapit ng tuluyan ang babae, buong lakas niyang ikinilos ang mga binti at patakbong pumunta roon. Isinara niyang agad ang pinto kahit alam nyang mabubuksan at mabubuksan iyon ng babae.

Kumaripas siya ng takbo pababa ng hagdan. Minsa'y napatid pa siya at dire-diretsong nahulog ang buong katawan hanggang sa sumusunod na palapag dahilan upang sumakit ito. Hindi naman siya duguan. Ngunit alam niya sa sarili niyang may nabaling buto sa kanyang braso at binti. Nahihirapan na siyang gumalaw. Ngunit kailangan niyang makatakas.

Hindi man niya alam kung hinahabol siya ng babae ay tuluy-tuloy pa rin siya sa pagtakbo. Hindi niya mawari kung saan magtatago dahil sa sobrang dilim ng paligid. Kulay dugo pa rin ang nakikita niyang kulay mula sa mga bintana ng mga silid na kanyang nadaraan.

Hindi ako pwedeng magtago sa mga kwartong to...

Samantala..

Ang babaeng kanyang nakita ay natayo lamang roon at nakatingin sa pintuang nilabasan ni Sin. Ang bawat hibla ng kanyang mahabang buhok ay dumadantay sa kanyang mukha dahilan upang hindi gaanong makita ang kalinawan ng detalye ng kanyang mukha. Ang kanyang kasuota'y nababalot sa kaitiman na maging ang dugong tumalsik roo'y hindi gaanong maaninag maliban sa kanyang kamay na maging sa suok ng kanyang kuko ay makikita ang dugong nanggagaling sa walang buhay na katawan ni Benjie.

Iniangat niya ang kanyang tingin sa dugong langit.

Ang hangi'y sumasamyo sa kanyang balat at ang mahabang buhok ay tumitianod rito.

At ang mga pakpak na kulay itim ay kanyang inilahad.

***

Sa katahimikan ng lobrang, rinig na rinig ni Sin ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Hindi siya maaaring magkamali. Ang katawan niya'y hindi maitatangging natatakot sa maaaring mangyari sakanya. Pero ang kanyang utak ay alerto.

Alam niya iyon.

Dahil matalino siya.

Hindi niya tiyak ang pagiging ligtas niya sa kanyang kinatataguan ngayon, sa loob ng kabinet ng Science Lab. Sa bawat lamesa roon ay may mg nakalaang tila maliliit na kabinet sa ibaba noon upang doon ilagay ang mga libro o mga gamit ng mga estudyante. Hindi man ito ganoong kalakihan ay sapat naman ang kanyang katawan na maipasok roon kung ititiklop lamang niya ang kanyang mga binti.

Wala na siyang ibang mapupuntahan.

Ano bang nangyayari rito? Kanina pa ko takbo ng takbo pero hindi ko pa rin mahanap ang labasan! Dahil ba sa dilim na to? O dahil sa mangkukulam ang babaeng yun?

Tsk! Wala na kong ibang paraan na maisip kundi ang kalabanin siya.. Sana gumana lang talaga siya!

Maya-maya pa'y nakarinig ng mga yabag si Sin. Alam niyang galing ito sa mga babaeng kanyang tinakbuhan. Narinig niya ang pagpihit sa hawakan ng pintuang sinigurado niyang nakasaradong mabuti. 

Alam niyang narito ako...

Inalerto niya ang buong isipan at kanyang katawan kahit alam niya sa sarili na natatakot siya. Tahimik lang siya. Hindi gumagawa ng kahit katiting na ingay. Nawala ang ingay na nagmumula sa pagihit.  Pagdaka'y narinig niya ang tila nakakabingi at nakakarinding tunog na nanggagaling sa pagbukas ng pintuan ng silid. Nabuksan ito, tiyak siya.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa dalawang bagay na nasa kanyang mga kamay.

Pinapakiramdam niya ang paligid.

Narinig niya ang bawat yapak ng babaeng papalapit sa kayang pinagtataguan. Narinig niya ang mga boteng nakakalat lamang sa sahig at natatabigan.

Ten.. Eleven... Twelve...

Binibilang niya gamit ang kanyang utak ang mga boteng natatabig batay sa kanyang pandinig.

Fifteen.... 

 Biglang nagsilaglagan lahat ng mga babasaging kagamitan na nakalagay sa lamesa na may lamang mga kemikal na may iba't ibang kulay.

Sa maliit na kanyang pingatataguan, alam niyang makakasinghot siya kahit papano ng usok galing sa labas kung kaya't tinakpan niya ang kanyang bunganga.

Sigurado akong mahihilo ka sa mga kemikal na yan. Madali lang naman. Habang may pagkakataon ako, naghalo ako ng mga kemikal na nakatago sa science lab na to. Swertehan namang may sinulid akong nakita at plastic bag sa mga kabinet na narito kung kaya't ipinagdugtung-dugtong ko ang mga boteng nakatiwangwang sa sahig sa mga boteng nasa lamesa lang. Sa ganitong paraan hindi mo mapapansin na hindi ka pala nagiging maingat sa mga kilos mo't hindi mapapansin ang manipis na sinulid. At para hindi ko masinghot ang usok, naglaan ako ng hangin ko gamit itong plastic bag na to. Ano ka ngayon!

Konting segundo pa lang at narinig nyang umubo ang babae. Epektibo ang kanyang ginawa.

Inorasan niya ang pagkalat ng usok.

Dalawang minuto. Sapat na para hindi makahinga ng tuluyan ang babae.

Pagkatapos ng dalawang minuto na iyon ay sinipa niya ang pintuan at lumabas sa kanyang pinagtataguan. Tumakbo siya papunta sa bandang gilid habang nakatakip ang kanyang bibig ng plastic bag na nagbibigay sa kanya ngayon ng hangin ngunit sa sobrang kapal ng usok ay hindi nya mamataan ang babae.

Nabigla na lamang siya nang may tila isang malaking pamaypay na humampas sa usok na nakapaloob sa silid. Isang malakas na hangin ang humampas sa buong paligid dahilan upang mabasag ang mga salamin ng bintana dahilan upang ang usok na kaninang nakakulong sa silid ay mawala. Maging siya ay halos tumilapon sa sobrang lakas ng hangin na iyon ngunit mabuti na lamang at nakaposisyon ang kanyang katawan sa posisyong ang ulo niyang hinaharangan ng kanyang mga braso habang siya'y nakayuko. Ang pananakit ng kanyang katawa'y nadagdagan nang may mga tumalsik sakanyang mga bubog. Ramdam niya hapdi.

Nang matapos ang tila buhawing nagpakawala sa usok, uniti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo.

SHIT!!!

Natigagal siya sa kanyang nakita. Malalaking mga pakpak ang ngayo'y malayang nakalahad sa kanyang harpan. Hindi ito nakakaakit. Bagkus ay nakakasindak. Sa laki nito at sa sobrang dilim ng kulay ay pakaya nitong itago ang buong katawan ng babae.

Nakasisiguro siyang hindi siya isang anghel.

Bago man humarap sa kanua ang babae ay agad-agad niyang bnuksan ang boteng hawak at ibinato sa babae.

Naramdam ng babae ang boteng papalapit rito kung kaya't isinaklob nito ang malalaking pakpak bilang pananggalang.

"Aaaahhh!!!", hiyaw nito nang ang ang bote ay mabasag pagkatama nito sa kanyang kaliwang pakpak at mabuhos rito ang laman ng bote. Umalingasaw ang amoy ng kemikal na nanggaling sa bote. Umuusok ito.

Muriatic Acid.

Bote ng Muriatic Acid ang ibinato ni Sin.

Pagdaka'y dinukot niya ang isang gunti mula sa kanyang bulsa at sinugod ang babae.

"MAMATAY KA NA!!!"

Punong galit at takot, iniangat niya ang mga braso nang makalapit sa babae at akmang sasakin niya ito. Wala na siya sa kanyang tamang pag-iisip. Wala na siyang ibang paraan na pwedeng gawin.

Hindi pa man ding dumadantay talim ng gunting na hawak niya ay isang malakas na hampas gamit ang malaking pakpak ang nagpatilapon sa kaniya sa pader. Ramdam niya ang basang buhok sa kanyang ulo. Nahihilo't nanlalabo na ang kanyang mga mata ngunit pinipilit pa rin niyang siyasatin ang paglapit ng babae. Himas himas ang kaliwang tagiliran na sa tingin niyang nadale rin sa pagkakahampas niya sa pader.

Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang humingi ng tulong. Pero alam niyang walang makakarinig sa kanya. Walang darating.

"Ikaw", sambit ng babae. Nagtama ang kanilang mga mata. Pula ang mga mata nito. Hindi dahil sa nag-aalab ito. Kundi talagang pula talaga.

Hinawakan nito ang leeg ni ni Sin at unti-unti siyang iniangat. Pinilit niyang kumalas sa pagsasakal nito ngunit lalo itong humigpit dahilan upang mahirapan siyang huminga. Naiiyak na siya sa sborang paghihirap ng kanyang nadarama.

"M-maawa k-ka... G-gust ko pang m-mabuhay..", hirap niyang sambit na ngayo'y ilang dangkal ng nakaangat sa ere habang sakal-sakal ang leeg niya.

Ayoko pang mamatay! Ayokong maging katulad ni Benjie! Ayoko ng ganito! Gusto ko pang mabuhay! Hindi pa ko pwedeng mamatay! Hindi pa ko pwedeng mamatay!

Muli siyang itinapon ng babae sa gitna ng silid. Para lang siyang isang basurang nakaratay. Hindi niya maikilos ang buo niyang katawan. manhid na ito.

Benjie... Makikita na ba kita? Makakasama na ba kita agad?...

Benjie..... Buhay ka pa ba?....

Naririnig mo pa ba ako?....

Nawalan ng malay si Sin. 

Lumapit ang babae sa tabi ng katawan ni Sin. Nakatayo lang siya roon. Tinitignan ang lantay niyang katawan. Muling inalahad ngbabae ang malalaking pakpak na kanina'y nakababa bilang nasugatan ito. Umihip ang malakas na hangin at pumalibot ito sa buong silid. Kinuha nito ang gunting na nasa kamay pa rin ni Sin at hiniwa ang sarili nitong kamay.  Inilahad nito ang sugatang kamay na kasing-taas ng dibdib nito at hinayaang tumulo ang dugo papunta sa kanyang bibig.  Yumuko ito at binuhat ng maayos ang ulo ni Sin.

"Ma ad hava hera sih hisperus. Nad leas a kontratum", malumanay na sabi ng babae habang unti-unti nitong pinapainom kay Sin ang dugong dumadaloy mula sa sariwang hiwa.

Isang malaking bilog ang nagmarka sa sahig kung saan sila nakaposisyon. 

Marka ng dugo at liwanag.

"Simula ngayon, ang dugo ko'y dadaloy sa bawat ugat, sa puso, sa utak, maging sa iba pang parte ng iyong katawan... Sa kasunduang ito, ikaw ang gagawa ng tungkulin ko. Kapalit ng nais mo", bulong ng babae sa tainga ni Sin.Ang naghalong kulay dugo at itim na paligid ay napalitan ng liwanag…

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 2: Sin

"Ma ad hava sih hisperus. Nad leas a kontratum"

"Simula ngayon, ang dugo ko'y dadalow sa bawat ugat, sa puso, sa utak, maging sa iba pang parte ng iyong katawan... Sa kasunduang ito, ikaw ang gagawa ng tungkulin ko. Kapalit ng nais mo"

Saka ko nalasahan ang likidong dumaloy sa dila ko... Papunta sa lalamunan ko.

Hanggang sa makaramdam ako ng init sa buo kong katawan. 

Maliwanag...

 Nakakasilaw ang liwanag na iyon.

Aaaahhhh...

Mabuti na lang may tumakip sa liwanag na iyon.. 

Yung babae...

"Tuparin mo ang pangako mo...", sabi niya...

"Tuparin mo ang pangako mo..."

"Tuparin mo ang pangako mo..."

"Tuparin mo ang pangako mo..."

"Tuparin mo ang pangako mo..."

Naalimpungatan si Sin dahilan upang magising siya. Nanlalabo ang kanyang mga mata't hindi mawari kung nasaan siya.

Mag-isa lang siya sa lugar na iyon.

Puti lahat ng sulok. May karayom na nakatusok sa kanyang braso. Ramdam pa rin niya ang pananakit ng katawan.

Nasa ospital siya. 

Tatlong araw mula nang mangyari iyon.

Biglang bumukas ang pintuan ng silid at niluwa nito ang isang matandang lalaki at isang babaeng parehong naka-puting uniporme. 

Isang doktor at isang nars. 

Alam niya yun.

"Gising ka na pala Mr. Sin. Kamusta ang pakiramdam mo?", ani ng doktor sakanya. Hindi siya umimik. Lumapit itong mabuti sakanya at akmang pakikinggan ang tibok ng kanyang puso gamit ang stethoscope.

"So far, nakikita kong mabuti na ang kalagayan mo. Nurse, irecord mo ang status ng pasyente at ibigay mo sa akin mamaya okay?”

“Yes Doc”, umalis agad ang doctor at ang nars naman ang lumapit sakanya at nag-umpisang magsiyasat.

"Mama..."

"Umalis siya saglit para bumili ng makakain mo pag gising mo. Sigurado akong makakangiti na ulit ang mama mo", ngiti nitong sambit at binigyan siya ng tapik sa balikat. Napalingon ang dalawa nang walang sabi-sabi'y bumukas ang pinto.  

"Ah. Nandyan na pala ang kaibigan mo. Oh siya, hahayaan ko muna kayong mapag-isa. Tapos naman na ako", suhestyon ng nars saka umalis kasama ang nars. Hindi naman umimik si Sin. Wala siyang maintindihan.

Dahan-dahang lumapit ang babae kay Sin at umupo sa gilid ng higaan niya. Katahimikan ang namutawi sa apat na sulok ng silid. Tinititigan lang nila ang isa't isa.

"S-sino ka?", malumanay na tanong ni Sin. Imbis na sumagot ito, nginitian lamang nito ang lalaki. Pagdakay lumapit ito ng bahagya at hinawakan ang  kanyang noo.

Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata at pinakiramdaman ang init mula sa palad ng babae.

Maraming imahe ang kumulay sa kadilimang nakikita ni Sin. 

Mga imaheng unti-unting umiitindi sa kanya at nagpapabalik ng kanyang alaala. Ang kaninang mahinahong postura niya ay napalitan ng takot.  

Iminulat ni Sin ang kanyang mga mata at tinanggal ang kamay sa nasa kanyang noo, 

"I-Ikaw! Ikaw ang pumatay kay Benjie! Ikaw ang pumatay kay Benjie!" 

 Mahinahon pa rin ang babaeng hindi natatakot sa malakas na boses na inilalabas mula sa nangangatal na bibig ni Sin. 

"Lumayo ka sakin! Lumayo ka sakin! Wag mo kong papatayin!", pilit niyang pag-urong para lang makalayo sa babae. Alam niyang hindi sapat iyon upang makalayo ngunit dahil sa kahinaan ng katawan, hanggang roon lamang ang kaya niyang gawin. 

"Bakit kita papatayin kung ako mismo ang bumuhay sa iyo?", marahan nitong sagot.

"B-Bumuhay?" 

Ngiti ang naging tugon ng babae. 

“Pakatandaan mo ang ating kasunduan. Kapalit ng pagbubukas ko sa natatago mong kaalaman ang responsibilidad mong hanapin ang salarin sa pagkawala ni Benjie”.

Hindi naman nagtagal at may iniluwang muli ang pintuan. Ito ay ang kanyang ina kasama ang isang babaeng naka-unipormeng pangpulis. Nang makita ng ina na gising na ang anak nito ay dali-dali siyang sumugod papalapit rito habang ang mga mata’y nagsimulang mabasa mula sa mga luhang hindi na napigilang itago.

“Sin! Anak! Salamat sa Diyos at gising ka na! Masyado mong pinag-alala si Mama! Ano bang ginawang mong bata ka! Salamat talaga sa Diyos!”, hagulgol nito habang nakayakap sakanya sa sobrang tuwa.

“M-Ma… m-masakit..”, bumitaw naman ang ina.

“Mabuti pa’y sa labas muna ho ako magbantay Ma’am”, sabay ngiti ng babaeng pulis sa ina.

“Maraming salamat ho Madam”, ngiting ibinalik ng ina. Sumaludo ang pulis at iniwan ang tatlo sa silid.

“Ah… Pasensya na iha. Masyado akong sabik sa anak ko. Hindi tuloy kita naasikaso. Nakakahiya tuloy sayo. Maraming salamat pala sa pagtulong sakanya huh?”

“Wala hong anuman”

Naiwang naguguluhan si Sin sa pag-uusap na iyon ng babae at ng kanyang Ina. Pero hindi niya malaman ang sasabihin para masagot ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan.

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi nagpakita sakanya ang babae.

Matapos ang isang linggong pamamalagi ni Sin sa ospital ay inuwi na rin siya ng kanyang ina sa kanilang tahanan.

Kinabukasan.

Hindi panaginip ang lahat. Naroon pa rin ang bakas ng mga sugat na natamo niya sa nangyari.

Pinilit ni Sin na pumasok kahit hindi pa rin siya pinapayagan ng kanyang ina. Maraming dapat na habulin sa mga aralin niya. Isa pa, napansin niyang walang kaklase niya ang hindi nagparamdam sakanya simula noong naaksidente siya dahilan para magtaka siya ng lubusan. Dati rati'y lagi siyang kinakamusta ni Iena at ni Bryan. Bakit ngayon, kung kelan inaasahan niya ang pag-aalala ng isang kaibigan ay wala siyang naalalang nagparamdam ng ganito sakanya?

Binuksan niya ang pintuan ng kanyang silid. Mga matang nagulantang sa kanyang pagdating ang bumati sakanya. Ang iba nama'y nag-iiwas ng kanilang mga tingin.

Hindi man normal ang bating iyon para kay Sin ay wala siyang pakialam.

Dumiretso siya sa kanyang silya. Tumingin-tingin siya sa paligid para hanapin ang bulto ng kanyang mga kaibigan. Wala pa sila. Hindi naman nagtagal ay dumating ang babae ngayo'y naka-uniporme ng katulad ng sa mga kaklase niyang babae at may dalang bag sa kanyang likuran.

"Good morning Benjie!", bati ng isa niyang babaeng kaklase. Ngiti ang isinukli nito. Umupo siya sa upuan ng dating kaibigan. Takang-taka man ay hindi niya magawang tanggalin ang kanyang tingin sa babaeng ngayon ay nakikipag-ngitian sa kanyang mga kaklase.

"Uy Sin! Narito ka na pala! Long time no see! Okay ka na ba?", pasigaw na sabi ni Bryan na dumating na pala. Inilapit nito ang isang upuan papalapit kay Sin at umupo roon.

"Hoy ikaw ah. Marami kang dapat ikwento sakin. Alam mo bang kalat na sa school ang nangyari sayo? Iniisip nga nung iba rito sa school na may pinasok kang gulo", bulong nito sakanya.

"Anong sinasabi mo?", Sin,

"Ano ka ba?! Yung pagkakabugbog sayo ang tinutukoy ko! Teka teka, hindi magandang dito natin pinag-uusapan to eh. Ang daming mga chismoso!", suhestiyon ni Bryan saka biglang tumayo.

"Pag-usapan natin to mayang recess",iniwan ni Bryan si Sin na takang-taka at pumunta sa upuan sa dulo. Doon kasi siya nakaupo. Lalong naging magulo kay Sin ang mga nangyayari. Wala siyang maintindihan. Nakayuko siyang iniisip ang mga sinabi ni Bryan pero nahagip pa rin ng kanyang tingin ang seryosong tingin ng babae sakanya.

Bakit naroon siya?

Recess.

"So ano na yung sinasabi mo kanina?", pag-uumpisa ni Sin habang binubuklat ang biniling sandwich. Kasama niya ngayon si Bryan na kumakain sa likod ng gusali ng paaralan.

"Ganito kasi yun", sabi ni Bryan matapos lunukin ang nginunguyang pagkain. "Diba nga nawala ka nung pauwi na tayo? Ewan ko nga sayo kung anong nangyari sayo't nawala ka bigla. Tapos magugulat na lang kami na binalitang nasa lab ka na't bugbog na bugbog ang katawan. Balita ko nga na grabe daw yung nangyaring gulo dun sa lab kaya hanggang ngayon hindi ginagamit.Pero laking pasalamat ko dun ah, hindi na tayo mag-eexperiment kasi nga walang magamit na tools.", pagpapatuloy nito.

"Sinong nagsabi sayo ng balitang yan?", takang-takang tanong ni Sin.

"Kalat ang balita mo pre. Yung janitor kasi. Sinabi niya sa mga kaberks niyang teachers at estudyante nung nakita ka niya. Alalang-alala nga kami ni Iena sayo eh!", Bryan.

"Eh bakit hindi man lang kayo dumalaw sakin nung nasa ospital ako?", Sin.

"Eh kasi mahirap na, yaw naming may mangyari din samin kapag dumalaw kami senyo. Ang sabi-sabi kasi pinag-initan ka daw ng mga myembro ng fraternity kaya nangyari sayo yun. Kaya delikado daw ang mga lalapit sayo. Baka madamay din, Sorry brad ah. Kahit gusto kong bumisita o tumulong, medyo hindi natin kaya eh. Pero ang tanong, totoo nga ba?", Bryan.

"Naniwala ka naman?", Sin.

"Hay! Kaya nga gusto kong malaman galing sayo mismo kung anong nangyari! Kasi wala talaga akong alam kung ano yung totoo sa mali! Gulung-gulo din kaya ako?", paghihimutok nito kay Sin na halatang sinsero ito sa kanyang mga sinasabi.

"Eh si Benjie? Bakit tinatawag ng mga kaklase natin yung babaeng iyun na Benjie? At wala bang kumakalat na balita kung anong nangyari sa totoong Benjie? Nasan na pala siya? Buhay pa ba siya?", Sin.

"Ha? Anong sinasabi mo dyan? Malamang pangalan ni Benjie, Benjie diba? At anong nangyari na sinasabi mo? Hay! Hindi mo man lang sagutin ang mga tanong ko! Lagi mo na lang akong sinasagot ng mga tanong sa mga tanong ko!", Bryan.

Walang maintindihan si Sin. Masyadong malayo sa mga naaalala niya ang mga sinasabi ni Bryan. Gustuhin man niyang magtanong pa ng kung ano-ano'y hindi na niya ginawa. Hindi niya rin naman nakukuha ang mga sagot na gusto niyang marinig.

"Ay tipaklong!", nagulat ang dalawa nang biglang may mapansin silang nakatingin sakanila pagdaka'y lumapit sa kinaroroonan nila.

"Bryan, tinatawag ka ng teacher natin sa Science. Punta ka raw sa faculty ngayon din", sabi ng babae. Kahit nagrereklamo'y umalis rin si Bryan para pumunta sa faculty. Naiwan ang dalawa. Ramdam pa rin ni Sin sa loob-loob niya ang kaba sa tuwing nakikita ang babae.

"Wala silang alam sa totoong nagyari. Sa paningin nila, ako si Benjie. At walang nangyari kay Benjie na kung ano pa man", kalmadong sagot ng babae sa mga katanungang nasa isipan pa lang ni Sin.

"Anong ginawa mo?", pilit na pagkalma ni Sin. Hindi umimik ang babae. "Pano na yung totoong Benjie? Wala na ba talaga siya? Pinatay mo na ba talaga siya?", pagpapatuloy niya. tumalikod ang babae.

"Wala na ang totoong Benjie”.

Walang maintindihan si Sin sa mga sinasabi ng babae. Narinig nilang dalawa ang pagtunog ng bell. Hudyat na tapos na ang recess. Nagsimula silang maglakad pabalik sana ng kanilang silid ng may biglang humarang sa kanilang daraanan.

"Ah... Narito lang pala yung may sala, pinahirapan pa tayong maghanap", yabang na sabi ng isa sa mga di kilalang lalaki na sa paningin ni Sin ay mga Senior niya.

"Sin Reyes, Tama?", kalmadong sabat ng isang lalaki. Mula sa likuran ng babae ay hindi tumango si Sin. Isa-isa lang niyang minasdan ang mga mukha ng mga di kilalang lalaki na sa tingin niya'y may dalang masamang tangka laban sakanya.

"Gusto ka lang sana namin tanungin, pumasok ka rin lang", sabi nung isa. Hindi pa rin siya umiimik.

"Sa totoo lang hindi namin alam kung anong nangyari sayo at sa totoo lang wala kaming pake. Pero ang gamitin ang pangalan ng fraternity namin, hindi yata tama yun", kalmado pero alam ni Sin na nagtitimpi lang ito. Na maya-maya'y maaari na itong makasakit. Hindi pa rin siya umiimik sa mga pinagsasabi ng mga lalaki. Ano nga bang maisasagot niya?

"Shit lang pare, pipi yata to eh!", hindi na nakapagpigil ang isang medyo may kalakihan ang katawan at akmang susugurin si Sin.

“Isang hakbang", sabi ng babae.

"Ha?!", tugon nito at huminto sa pagtangka.

"Isang hakbang at hindi magdadalawang isip na saktan ka ng lalaking ito", sagot ng babae.

“Ah ganun ba?!”, sinuntok ng lalaki si Sin dahilan para mapatumba siya. Itinulak sa tabi ang babae at sinimulang bugbugin si Sin.

“Anong-”, sabi ng babae.

“Hoy! Anong ginagawa mo dyan Benjie! Tulungan mo ko rito!”, sigaw ni Sin.

“Shit pare! Nagpapatulong pa sa babae oh! Haha!”, itinuloy pa rin ng mga lalaki ang paggulpi sakanya. Naka-amba ang isang patalim na hawak ng isa at akmang ipangsasaksak sakanya.

Handa na ito sa gagawin nang biglang may humawak sa kwelyo nito at itinapon palayo. Isinunod ng babae ang paghila sa isa pang lalaki’t inilapat ang kanyang kamay sa dibdib ng lalaki’t napatilapon rin ito. Tila nag-iinit ang kanyang kamay sa ginawa’t naglalabas ito ng usok. Nakita ng mga natirang kasamahan ng tumilapong lalaki ang parang paso na natamo nito mula sakanya.

“Isang galaw.”, itinapat ng babae ang kanang kamay na tila bagang naghihintay lang sa kilos ng mga lalaki. Naghintatakot ang mga ito’t napahinto sa paggulpi kay Sin. Maging ang duwag ay nagulat rin sa nakitang kamay ng babae.

Wala ni isang nagtangka pa muling kumilos sakanila.

“Oh! Andito pala kayong lahat. Kanina pa nagbell ah. Mga fourth year. Hinahanap kayo sa faculty”. Isang boses ang nagpatigil sakanilang lahat at napalingon sa hindi kalayuan. Ginamit ng mga lalaking kaninang hinatatakot sa babae ang pagkakataon at tumakbo palayo. Itinago ng babae ang kamay sa kanyang likuran.

Naiwan ang tatlo’t bumalot ang katahimikan.

“Mukhang minamalas tayo ngayong araw na to Sin ah”, ngising bati ng estranghero. Mula sa pagkakalugmok sa lupa’y pinilit ni Sin na bumangon habang sapo ang kanyang tiyan na tila napuruhan.

“K-kung s-sino ka man.., S-salamat…”, sabi ni Sin.

“Tsk. Wala kang dapat ipagpasalamat. Dahil ako mismo ang papatay sayo”, nawala ang ngiti sa kanyang labi at ang mukha’y naging seryoso. “Ako mismo ang maghihiganti para kay Benjie, Mr. Sin Reyes. Kaya ihanda mo ang sarili mo”, dagdag pa nito. Tumalikod ang lalaki at iniwan ang dalawa.

“Kilala niya ko?”, naiwang natigagal si Sin habang tinitignan ang lalaking papalayo. Isang malakas na sampal ang naging sagot ng babae sa kanyang tanong.

“Anong ibig mong mangyari at hinayaan mo ang sarili mong magulpi ng mga lalaking iyon?! Bakit hindi mo ginamit ang kaalaman mo?!”, sigaw nito. Bakas sa mukha nito ang sobrang galit dahil sa nangyari.

“Anong sinasabi mo?! Hindi ako katulad mong abnormal! Hindi tao!”, muli siyang sinampal ng babae.

“Ibinigay ko ang lahat sayo! Hindi mo pa rin ba nararamdaman ang pagbabago sa iyo?! Kailangan ko bang ipaliwanag muli sayo ang kasunduan natin? Nasan ang katapangan mo nang sinubukan mo akong paslangin?! Nasan ang nanlilisik mong matang naghahanap ng katarungan ni Benjie?! Nasaan!”

Natahimik si Sin sa sinabi ng babae. Hindi niya gaanong naiintindihan ang ibig sabihin ng mga sinabi nito ngunit isa lang ang pumapasok sa utak niya ngayon.

Naging duwag siya.

***

Kinabukasan.

“Anyare dyan sa mukha mo? Dami mong pasa pre!”,pambungad ni Bryan nang makaupo si Sin sa kanyang silya. Matapos nang gulong nakasangkutan niya kahapon, ay walang dalawang isip siyang nagdesisyong umatras at nagtago sa kanyang lungga.

“Nahulog ako sa hagdan”,aniya.

“Ganun? Kaya pala di ka nagpakita after lunch”, Bryan.

“Oh Sin andito ka na pala. Wag mong kalimutan ang game mo mamayang 1pm ah”, pangpukaw ng isa niyang kaklase.

“Ha? Game? San ka sumali Sin?”,Bryan.

“Kelan pa ko sumali sa mga laro?”,Sin.

“Lagot si Sin”, bulong ng isa pa niyang kaklase.

“Ha? Ano yun pakiulit nga Ban?”,Bryan.

Nag-alangan ang kaklase niyang magsalita. Udyok ni Bryan ang nagpabigay rito.

“Si Jerome ang nagregister ng pangalan mo sa chess game para mamaya, rinig kong kwento ng mga fourth years”

“Hinahamon ka yata niya Sin”,dagdag ng isang kaklase.

“Sin… Gusto mong umabsent mamaya?”. Alam niyang binibigyan siya ni Bryan ng payo. Napansin niya ang nakatuong atensyon ng babaeng nakapirmi lang sa kanyang upuan.

Ano tinitingin-tingin mo dyan? Alam ko ang iniisip mo.. Na duwag ako…

Nagbigay lamang ito ng mapait ng ngiti.

“Bat ako aabsent mamaya? Eh may game pa ko?”, sagot niya’t humarap kay Bryan.

“Ha? Kelan ka pa nahilig maglaro ng chess pre?”, Bryan.

“Ngayon…”, Sin.

 

1pm.

“Okay. Nandito na ba lahat ng mga players? Alalahanin niyo. Ang mananalo sa prelimination natin ngayon ang ipapasok ko sa Regional Meet sa susunod na buwan kaya goodluck senyong lahat!” pag-uumpisa ng isang guro para sa pagtitipon ng mga mag-aaral sa library. Nakapirmi sa isang tabi si Sin habang nagmamasid. Wala siyang kilala. Pagkalingon niya sa bandang pintuan ay napansin niya ang bulto ng isang matangkad na lalaki na hindi niya kailanman ay malilimutan ang mukha. Ang lalaking nagbanta sakanya.

Nagsimula ang laro. Naglaan ang guro ng tamang bilang ng chess board para sa mga manlalarong estudyante. Ilang oras rin ang lumipas hanggang sa kaunti na lamang ang mga natitirang manlalaro na kung saan ay nanalo na laban sa ibang manlalaro. Isa roon si Sin.

“Okay. Sin vs. Jerome. Dito ang game ninyo”, alalay sakanila ng guro. “Hindi ko alam na magaling ka pala sa chess Sin. Magiging magandang laban ito ah”, dagdag pa nito.

“Hindi naman po sa pagmamayabang pero madali lang palang magamay ang larong to Sir”, pagmamalaki ni Sin.

“Haha! Talaga lang ah”, Jerome.

 

Nagsimula ang laro. Napansin ng guro ang maraming estudyanteng nanonood sa laro ng dalawa. Nakaw-atensyon ang bawat galaw nila.

Isa sa sinasabing pinakamagagaling si Jerome. At si Sin naman’y hindi inaasahan ng lahat na may abilidad sa mga laro tulad ng ahedres dahil hindi siya ang tipo ng taong nakikisalamuha sa mga ganoong bagay. Sino nga bang hindi magtatangkang manood sa kanilang dalawa?

“King… Talaga lang ah?”, Jerome. Iginalaw niya ang isang pyesa bilang laban.

“Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng galaw na ang hari ang unang kumilos sa laban nito?”, Sin. Sumunod siya sa galaw ni Jerome.

“Oo eh”, Jerome. Iniharap nito ang isang pyesa.

“Tsk. Kung hindi gagalaw ang hari, walang susunod sakanyang mga alipin”, Sin. “Checkmate”,dagdag nito.

“Haha! Parang naalala ko yang tagline na yan ah…Mmm.. Ahh! Sa Code Geass!”, Bryan. Iginalaw niya ang isang pyesa.

“Yeah…”, iginalaw niya ang sumunod na pyesa.

Hindi ka makakawala…Lalo na’t ako ang kinalaban mo sa larong ito...

“Checkmate…”, sambit ulit ni Sin habang nakangisi. Sa loob-loob niyang nagdidiwang at nagyayabang dahil sa kanyang pagkontrol sa laro. Nagulat ang lahat at namangha sa laro ng dalawa. Lalo na kay Sin. Pakiramdam niya tuloy isa siya sa magagaling, ngunit patago lang sa lahat.

“Pero hindi lahat ng alipin ay sumusunod sa hari. Alam mo kung bakit?”, ngising sambit ni Jerome. “Dahil hindi lahat alam ng hari. Kaya kumikilos ang alipin nang palihim para sa ikabubuti ng hari”, saka nito iginalaw ang isang pyesa. “Checkmate… Sin”.

Nagulat si Sin sa nakitang takbo ng laro. Hindi niya maikilos ang kanyang hari.

“Ah. Alam mo ba kung sino ang kadalasang gumagawa ng kilos para sa hari?”, lumapit ng kaunti si Jerome kay Sin. “Ang kanyang reyna…”, sabay ngisi.

Sa loob-loob ni Sin, naulit ang lahat. Naulit ang kanyang pagkatalo.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like AWC's other books...