My Chinito Heart

 

Tablo reader up chevron

Parang Trivia

Parang TRIVIA.

 

            Ayoko sa mga character na sobrang mayaman. Hindi iyon makatotohanan para sa akin. Dahil kadalasang nangyayari ay nagugustuhan lang ni Heroine si Hero kasi mayaman ito, guwapo at sikat. Ang lahat na ng bagay ay puwedeng gawin ni Hero. Saan tayo makakakita ng ganoon? Si Christian Grey? They are just purely fiction.

            Oo, ang pagbabasa ng fiction ay para makalimot sa ating problema. Iyong dadalhin tayo sa sandaling ligaya. Iyong papaniwalaan tayo na may ganoong tao nga. Na may ganoong istorya. Ang sarap ma-in love. Nam-nam! Desperate! Pagkatapos, nganga na si Reader? Ayoko naman ng ganoon. Mahalin niyo ang isang character hindi dahil sa yaman nila at description na hindi makatotohanan. Mahalin niyo sila dahil nakaka-relate kayo sa kanya, na kahit hindi niyo iyon kuwento—kahit hindi kayo ang bida sa nasabing istorya—ay dadalhin kayo sa mundo na alam mong gumagalaw ang mga character base sa totoong buhay.

            And this is my version of the sikat guy and nobody girl...

            Nakuha ko ang title na ito sa sinabi ni Richard Poon kay Maricar Reyes. Noong sinabi niyang: “I love you from the bottom of my chinito heart.” Na-inspire ako na magsulat ng hero na chinito. Ang kaso, wala akong maisip na babagay na heroine. Hindi ko trip si Maricar Reyes. She was so feminine, prim and proper. Urgh! Nakakasawa! Ang heroine na gusto ko ay `yong madaldal, funny, clumsy, at kayang sumakay sa mga eksenang naiisip ko. At kayang banggitin ang mga linya na gusto ko sa kuwento.

            Sa mga napapanood kong balita tungkol sa mga fangirl na halos mabaliw-baliw sa mga idols nila, at talagang umiiyak pa at ginawa na yata ang lahat makapunta lang ng concert upang makita ang mga idols nila ay talagang na-inspire ako. Nakakatawa sila. Nakakatuwa silang panoorin. Kahit hindi ako ganoon, nararamdaman ko kung ano ang mga nararamdaman nila kapag nakita na nila ang mga idol nila. So, there… Fangirl is the perfect heroine for a chinito guy… na sikat, guwapo, tinitilian at ina-idol. Walang iba, kundi artista! Artista at ang fangirl story. Cliché, but I assure you na magugustuhan mo ang mga characters na ito. You will love Kim not because he is handsome, because he has chinito eyes, but he was just a normal hero that will love you because you are just simple.

            You will love Pleng because of her flaws. And definitely you will love her because she has undying love to the best friend of her brother, even that best friend has undying love with her best friend.

            Love ni Hero ang best friend ni Heroine.

            Love ni Heroine ang best friend ng kanyang brother.

            Hmn…

            I wish that someday you will meet also your chinito sweetheart… that will love you no matter what you are, no matter what is your weight, your flaws… and all. I wish he will love you, the whole you… and all of you. [Insert Thinking Out Loud lyrics here]

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Rill Heart's other books...