Tissue Girl

 

Tablo reader up chevron

Chapter 1

Si Lance Kent Acosta ang panganay na anak ni Fernando Acosta at Liticia Cameron Acosta. Mula pagkabata tahimik at matalino si Lance. Kibuin dili niya ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ang ina niyang si Liticia ay nagkasakit ng leukemia. Masyadong magastos ang gamutan nito at ang ama ay sinugal ang kukunti na lang na natitirang pera sapag aakalang mananalo ito sa sugal pero di nangyari nalubog pa sila lalo sa utang.At ang mga nakakabatang kapatid niya na kambal si Lanney at Lark ay sobrang bata pa para danasin ang kahirapan nasa edad 10 palang ang mga ito. Namatay ang ina ni Lance at lubog sa utang ang kanilang pamilya. Nasa huling taon na siya nang kursong computer engineering nang mangyari ang lahat ng daguk na ito sa kanila. Kailangan niyang tumigil sapag aaral upang magtrabaho para masuportahan ang buong pamilya. Isang kaibigan niya ang nagpasok sa kanya sa kompanya ng mga Pelaiz. Isa itong sikat na contracting management company sa Pilipinas at sa US. Nagtratrabaho siya bilang document controller ng companya kalaunan ginawa siyang assistant nang anak na panganay ng mga Pelaiz.

“Stupid! Look where are you going. You fuckin bastard!” nanggagalaiti sa galit na saad nang prinsesa nang mga Pelaiz nang mabangga siya ng cleaner sa opisina ng ama na may tanang kapi at nabuhos sa braso niya.Yailey Gaile Pelaiz certified spoiled brat, nag iisang anak na babae lalo na sa kuya nito na wala atang ginusto ang prinsesa na di binibigay sa kanya ng kapatid.

“Maam pasensya na po. Di ko po sinasadya na matapunan kayo.”natatarantang sagot naman nang cleaner.

Papasok sa opisina nang Head Director si Lance nang makita niyang sinisigaw sigawan nang isang maarting babae si Kuya Tonyo. Di na niya sana ito papansinin pero sobra naman ang pang aalipusta nang mahaderang babae dito.

“Miss sandali lang po huwag naman po kayo mag iskandalo dito. Humungi na nang paumanhin sa inyo si Mang Tonyo. At kung totoosin kayo po ang bumangga sa kanya kung tumitingin po sana kayo sa dinadaanan nyo at di po yung cellphone niyo ang inaatupag niyo di sana kayo matatapunan nang kapi,” pagtatanggol ni Lance kay Mang Tonyo.

Tinaasan nang kilay ni Yailey ang kaharap di yata siya nito kilala na kung pagsalitaan siya ay wagas.Inalis niya ang salamin sa mata at pinaningkitan ang lalaki.

“Have you really seen what happened?”nakataas kilay na baling ni Yailey sa pakialemerong lalaki.

“Regardless what it is. It doesn’t give you any right na alipustahin ang ibang tao.”sagot naman ni Lance.

“Do you know me? And who give you the right to speak to me like that? I’m telling you start packing your things now your fired.”At walang kaabog abog na tinalikuran ni Yailey ang lalaki papunta sa opisina nang ama.

“Sir sana po di na kayo nagsalita hinayaan niyo nalang po sana si Maam Yailey. Ganun po talaga siya.Hayan tuloy mawawalan pa kayo ng trabaho dahil sakin.”Malungkot na saad ni Manung Tonyo.

Nagulat si Lance ang mahaderang babaeng yun ang anak ni Mr. Antonio Pelaiz at kapatid ni Andrew Pelaiz.Tama nga ang usap usapan na spoiled at maldita ang dalaga na di tulad sa mag ama na mababait at maunawain sa mga empleyado.Mukang mawawalan na siya nang trabaho. Naiiling na lang si Lance at pumunta sa Head director nila kay Andrew Pelaiz.

“Come in,” narinig niyang sabi mula sa loob.

“Sir heto na po yung mga files na pinapahanap niyo.”At nilapag ang mga dokumento sa mesa nito.

“Sit down Lance.” Sabi naman nito sa kanya.Kinakabahan man heto na ata yun paalisin na siya.

“I heard na nagkasagutan kayo ni Yailey kanina sa lobby,”panimula nito.

“Sir di ko po alam na kapatid niyo po yun kanina. And I wont say sorry for what I did.Wala pong kasalanan si Mang Tonyo. At kung paalisin niyo po ako sa trabaho dahil dun wala po akong magagawa.”

“Very frank. That’s what I like on you. Di kalang magaling sa trabaho mo but you exceed from what I expected. No one dares to say things like that to my sister. Masyado siyang na e spoiled samin ni daddy.”seryoso ang mukha nito habang sinasabi nito sa kanya tungkol sa kapatid nito. Mas lalong lumakas ang kaba ni Lance. Kailangan niya ang trabahong to pero mukhang huli na ang lahat para bawiin pa niya ang mga sinabi.

“Sir alam ko pong wala po akong karapatan na pagsalitaan ang kapatid niyo pasensya na po kayo.”Hinging paumanhin ni Lance dito.

“Ohh its okay I understood na masyado kalang nadala sa emosyun mo nang makita mo ginawa nang kapatid ko.At pag pasensyahan muna rin sana ito. Huwag ka mag alala Lance di ko tinotolorate ang ugali ni Yailey sa ganun. You still have your position.”balewalang saad ni Andrew at kinuha ang isang folder sa harapan at tiningnan.

“Maraming salamat po sir.At pasensya na po ulit.”

“You can go.”sabi nito nang di inaangat ang mukha sa binabasang report. “By the way, ilang taon ka na Lance?”

Nagulat man sa tanung nang boss sinagot na lang din niya ito, “24 po sir.”

“Take a seat first.Isang taon nalang gragraduate kana ng computer engineering diba?Wala ka bang plano na magtapos?”

“Meron naman po sir pero di pa po sapat ang ipon ko para mag aral ulit. May mga kapatid pa po akong pinag aaral.”

Napaisip si Andrew sa sinabi ng binata sa kanya kung totoosin magaling sa trabaho si Lance wala kang mareklamo sa mahigit tatlong taon niya sa kumpanya nakita niya kung paano magtrabahoang binata. Matalino din ito kung pagbabasahin mo ang trabaho ng binata. Masyado lang malayo sa pinag aralan nito ang ginagawa nito ngayon. Tiyak kung nakapagtapos ito malayo ang mararating nito. Napabuntunghininga nalang si Andrew at pinagpatuloy ang pagbabasa ng report sa isip may nabuong plano para sa dito.

“Why didn’t you fired him?”nanggagalaiti na saad ni Yailey sa kapatid.

“Hey pal easy there kuya mo sinisigawan mo.” sita ni Andrew sa kapatid. So the beast was awakened by Lance. Di naman talaga basta basta nagagalit ang kapatid tahimik ito at palangiti sa mga piling tao lang, may mga oras lang na tinutupak ito. Mabait ito kung tutuusin suplada lang ang dating dahil nga di namamansin. Kaya nga usap usapan sa kumpanya nila na maldita ang dalaga.

“Stop being unreasonable pal. I know na kasalanan ni Mang Tonyo kung bat ka nabuhusan nang kapi niya. It is shown in CCTV. But you get overboard ng pinagalitan mo ung tao. Nainsulto yun. I told you before to hold your tongue.”saway ni Andrew sa kapatid.

“So ok lang sayo ang first degree born sa balikat ko?” nanlilisik na saad nito sakin.

“Di naman yan magmamarka as the doctor says nalagyan muna ba yan ng gamut?” nag alalang tanung niya sa kapatid. Nagdadabog na umupo nalang ito sa sofa at kumuha ng magazine. “Come on pal calm down ok? Give the man a chance di niya sinasadya yun infact he already say sorry to me for what he said.”

“Bakit ikaw ba ang nagawan niya nang kasalanan at nag sosorry siya sayo?” sabay tikwas ng kilay nito pataas.

Kibit balikat nalang ang sinagot ni Andrew sa kapatid. Alam niyang lilipas din ang inis ng kapatid kay Lance. Kung tutuusin si Lance palang ang nakakagawa nun sa kapatid. Kasi titig palang nito kahit siya kinikilabutan na. When their mom died dahil sa hit and run di niya man lang nakita ang kapatid na umiyak pero pagkalibing nagwala ito sa kwarto nito at lahat ng bagay na nahahawakan nito ay binabalibag nito. They need to sedate her to make her calm. After nun wala na talagang nag dare na galitin ito.

May immersion na pinaplano ang kompanya at isa si Lance sa napili na gawin iyun. Di pa niya alam kung sino ang makakasama niya pero alam niyang sa susunod na linggo nayun gaganapin. Buti nalang di siya tinanggal sa opisina. Dalawang linggo na ang nakakaraan pero nakapagkit pa rin sa isipan niya ang nanlilisik na magandang mukha ni Yailey Pelaiz. Kung nakakamatay ang titig siguradong natumba na siya ng walang dugo sa talim ng titig nito. But nothing less shes very beautiful. Yung maninipis niyang labi na mukang di pa nasasayaran ng kaninomang labi. Maliit lang ito kung totousin pero may kurba ang katawan. Di niya maintindihan bat ayaw maalis sa isipan niya ang babae.

“Kuya tawag ka ni dad,” pukaw sa kanya nang kapatid na si Lark.

“Sige susunod na ako.”

Napabuntunghinga nalang si Lance at pilit kinalimutan ang dalaga na ayaw nang maalis sa isipan niya.

“Sir Lance pinapatawag kayo ni Sir Anton sa office niya.”

Tango lang ang sinagot ni Lance sa kausap. Anu ang kailangan nang big boss sa kanya? Bihira siya nitong kausapin ang anak nito ang boss niya at directly reporting siya doon.

“Lance andiyan kana pala. Upo ka hijo.” Bati ni Mr. Anton Pelaiz pag pasok ni Lance.

“Sir pintawag daw po ninyo ako?”

“Alam mo kasi hijo sabi ng panganay ko ikaw daw yung inasign niya na head ng immersion sa sabado. At napagkasunduan namin mag ama na ipasama si Yailey sa immersion para lumawak naman ang mundo ng aking dalaga.” Nakangiting saad nito sa kanya.

Natulig ang mundo ni Lance nang marinig ang sinabi nang boss niya. Tama ba? Ipapasama nito ang anak sa kanya. Mukang malaking problema ito pagnagkataon. Di niya alam kung matutuwa siya o maiinis na makita ulit ang dalaga.

“Alam ko na may di magandang engkwentro kayo nang anak kung dalaga. Pero huwag ka mag alala hijo di naman mapagtanim nang sama nang loob ang dalaga ko.Normal lang naman siguro na magalit siya kasi nabanlian nang mainit na kapi ang braso niya. Kailangan pa naming siyang ipadoctor dahil nagka 1st degree born ang braso nito.”paliwanag naman nang matanda.

And it hit him again. Kaya pala galit na galit ang dalaga. “Sir pasensya na po kayo talaga sa nangyari di ko po sinasadya. Alam ko pong out of the line po yung ginawa ko sa anak ninyo.”

“Its okay hijo. As what I said, di mapagtanim ng sama ng loo bang anak ko. Magkakasundo din kayo.”

Lunchbreak napagpasyahan ni Lance kumain sa labas sa harap ng opisina nila. Katulad ng dati pumwesto siya sa pinakasulok na bahagi ng kainan. May nakasulat na naman sa table napkin sa sulok ng table. Tuwing Friday at Monday niya nakikita ang mga sulat kaya kadalasan sa araw na mga yun siya pumupunta sa restaurant. Iniipon niya ang mga tisyu na may mga sulat nito. Nung una babalewalain lang niya sana iyon karaniwan naman kasi may mga tao na iba ang trip sa mundo. Pero naakit siya sa sulat kamay nang kung sino man yun. Mahigit isang taon na din yun nangyayari.

I miss you. I wanted to be with you. I hope one of this day you’ll come knocking on my heart. Gaile

Malungkot na naman ang sulat ng babae na nag ngangalang Gaile. Tinabi niya ang tisyu sa may notebook na dala dala niya lagi upang di mapunit yun o mabasa.

I was lost in the middle of nowhere. I don’t know which way to go and my heart is broken and aching for someone to love me the way a man should be. Gaile

Lossen may control I don’t know what to do anymore. Gaile

LOVE should be spelled as L-U-S-T cause that how man wanted it to be. Gaile

If he is the one let me hear him sing all of me by blake. Gaile

If one day I got hurt by him I wanted him to give me flowers. White for asking his forgiveness, yellow for his truthfulness and red for his undying love and roses as the symbol of endless love. Gaile

I want a huggy bear that fluffy to hug to comfort me in all the days that I’m sad. Gaile

Ilan sa mga gusto ni Lance sa sinulat ni tissue girl. Masyado itong idealistic at ang hirap nitong e please kung pagbabasihan ang mga nais nito ipagawa sa lalaking mamahalin. But who knows she will find it someday.

“Joey asan si Lance?”

“Nasa grandia sir. Tinitingnan niya yung mga stock kung kulang po. Kasama po niya si Manung Etoy.”

Di pa bumababa si Yailey sa sasakyan ng kapatid pinilit siya nito at nang ama na sumama sa may immersion ng kompanya. Pero kahit anung tanggi niya wala pa din siyang nagawa. At talagang sa walang mudong lalaking yun siya ipapasama ng kapatid. Di pa naalis ang nangingitim na parti ng braso niya dahil sa pagkabanli ng mainit na tubig. Magaling naman na ito pero nangitim. Mawawala din ang pangingitim nito pero ang pagkaasar niya sa binata hindi. Sa rearview mirror nakita niyang nilapitan ng kapatid ang mayabang na lalaki at kinausap. Napaismid si Yailey sa nakita.

“Ok na ba?”bati ni Andrew sa binata at tinapak ang braso nito.

“Sir kayo pala. Ok na po.Mayang 7am po alis na kami baka matrafic po kami papuntang airport.”

“Anu sabi ng contact mo dun sa Iloilo maayos naman ba ang Pan de Azucar Island? Just make sure na 100% yung safety niyo mahirap na. Alagaan mo kapatid ko dun.”

“Pero baka mawalan po ako ng trabaho dahil sa kapatid niyo.” Birong totoo ni Lance. “Baka bigla akong sungitan sir at ilaglag sa pamboat naku kawawa naman yung kapatid ko walang magpapaaral sa mga yun.”

“Mabait yun hwag ka mag alala.” Natatawa nalang si Andrew sa binata.

“Okay lang ba na magkatabi tayo?” tanung ni Lance sa dalaga nang makitang magkatabi sila sa upuan sa eroplano. Tango lang ang naging sagot nito at binalik ang atensyon sa binabasang libro. Nicholas Spark – Message in the bottle. Mahilig din pala ito sa mga fictional novel. Kung titingnan ang dalaga para wala itong alam gawin sa mundo kundi ang mag shopping at magpaparlor. Looking nerdy with her eyeglasses. Mahahaba ang pilikmata nang dalaga. Di tulad ng una nilang pagkikita wala man lang bahid ng kolorete ang mukha nito. Manipis na lipstick lang ang gamit nito. Amoy na amoy din niya ang cologne nito na parang sa baby. Maputi ang kutis nito at sadyang sobrang kinis at lambot tingnan. Mahaba ang nakatirintas nitong buhok. Matangkad ito sa normal na pinay nasa 5’5 o 5’6 ang height nito. Medyo may kapayatan ito pero pwede na panlaban sa Miss Uneverse. Kailangan lang pakainin nang konti.

“Satisfied?”di nagtataas nang mukhang sabi ni Yailey sa binatang kanina pa pinag aaralan ang kabuuan niya. Ramdam niya ang init ng titig nito sa kanya.

“May sinasabi ka?” maang maangan na tanung ng binata.

Inalis ni Yailey ang salamin sa mata at tinitigan ang binata. “Bingi ka ba? Uulitin ko sabi ko satisfied ka ba sa nakikita mo? Kasi kanina pa ako nanlalagkit diyan sa titig mo.”

“Very assuming. How sure you are Miss Pelaiz that I’m looking at you?”pang aasar ni Lance sa dalaga para lang maitago ang pagkapahiya dahil huling huli siya na pinag aaralan ito.

“BRUTE”, at sabay halukipkip nito. Para itong batang nanunulis pa ang nguso dahil di pinagbigyan sa gusto. Nanggigigil siyang kagatin ang mga labing yun. Napabuntunghininga nalang si Lance at iniwas ang mata sa dalaga baka di niya mapigilan ang sarili. Inabala nalang ang sarili sa pagbabasa ng report tungkol sa Pan de Azucar Island.

Ang kapal talaga ng pagmumukha ng kumag na to kala mo naman kagwapuhan ang loko. Pero infairness gwapo naman talaga ito lalo pat kung ngingiti ito lumalabas ang biloy nito sa kaliwang pisngi. Maganda ang katawan nito halatang alaga sa gym. May pag ka nerd din ito dahil sa salamin sa mata. Maganda ang mata nito laging palalim kung tumingin waring binabasa buong pagkatao mo. Matangos din ang ilong nito. Kung di siya nagkakamali nasa 5’11 ang height nito o higit pa. Nakakaaliw din tingnan ang hati nang buhok nito. Napailing nalang si Yailey sa naiisip at tinutuk ulit ang mata sa binabasa upang maalis ang agiw sa utak niya.

Di namalayan ni Lance nakaidlip ang katabi nagulat nalang siya ng humulig ito sa balikat niya. Gusto man niyang alisin ang ulo nito sa pagkakahilig sa kanya di niya magawa. Mukha kasing pagud na pagud ang dalaga. Hinayaan na muna niya itong matulog. Gigisingin nalang niya ito paglapag nila. Di naman nag abala ang dalaga na alisin ang seat belt nito.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

“Sinabihan ako ng kuya mo na isabay kita sa van. And since di ka pa na bribrief sa mga kailangan gawin dun I might as well brief you sa biyahi since tinulugan mo ko sa may plane kanina.” Pasupladong sabi ni Lance sa dalaga.

Tango na lang ang nasagot ni Yailey kahit kelan kinaiinipan niya nag pagbiyabyahe. At dahil ilang araw na siyang nagpupuyat sa paggawa ng manuscript niya di niya na napigilan ang antok kanina. Namulatan niyang nakasandig nap ala siya kay Lance nagkunwari lang siyang tulog at inikot ang ulo pa kabila at kunway nagising. Nahiya siya bigla sa binata baka mamaya eh tulo laway pa syang natutulog.

“May 3 oras tayong byahi mula airport papunta sa bayan ng Concepcion. Mula doon magstay muna tayo sa isang bahay dun at bukas ng maaga tayo lalakad papuntang isla. May kubo ang mga katutubo na hinanda para pagstayhan nang lahat ng bahagi ng immersion. May kuryente sa isla pero limitado lang.” pagbibigay instruction ni Lance kay Yailey. Nakikinig naman ang dalaga sa sinasabi nang binata sa kanya pero lumilipad ang isipan niya. Malapit na ang deadline nang manuscript niya at minamadali na siya ng editor niya. Wala pa 30mins ang briefing ni Lance kay Yailey kaya sa van nakatulog ulit ang dalaga. Mukhang pagud na pagud nga ito makita sa lalim ng eyebags ng mata niya ang ilang araw na pagpupuyat but nevertheless maganda pa rin ang dalaga. Kung natutulog ito akalain mung anghel ito na bumababa sa langit, paggising eh paring tigre ito na laging mananakmal.

“You’ll be staying with Ate Aliya tonight. Walang hotel dito mula sa airport kanina yung daan palabas nang gas station if we take the right side is 30mins ride going to the nearest hotel. And it will take you almost 3hours from there papunta sa terminal palang and we don’t have that luxury of time kaya pagtyagaan muna lang muna dito. Eventually mas worser ang dadatnan mo sa isla.”sabi ni Lance nang makitang dismayado ang prinsesa nang mga Pelaiz nang makita ang bahay na titigilan nila sa isang gabi nayun bago tumulak papuntang isla bukas.

Nagkibit balikat nalang ang dalaga at pumasok sa isa sa mga kwarto doon. Di sa nag iinarte siya pero pagud na pagud na siya sa byahi para makisama sa mga empleyado nang tatay niya na mula palang sa airport mukhang di nauubusan nang pagkwekwentuhan. Habang nakahiga sa isa sa mga double deck doon nakatulog si Yailey gawa nang pagud.

“Ate Aliya yung anak ni boss? Di ba siya kakain nang dinner?” tanung ni Lance.

“Eh sir mukha pong pagud na pagud si Maam Yailey ginising ko po mamaya nalang daw siya.” Sagot nito.

Pinuntahan nalang ni Lance ang dalaga at sinilip sa kuwarto. Tulog na tulog nga ito. Sa lahat sa kanila walang nakakaalam kung anu ba ang trabaho nang dalaga. Ang alam nila galing ito ng ibang bansa at doon nag aral. Pag uwi kumuha ng mga alternative class. Balita niya sobrang talino nito sa edad na 21 may MBA na ito. Pero kung titingnan mong maagi katulad nang ibang babae na kaedadan nito shopping at pagwawaldas lang nang pera ang alam nito. Walang makakapag akalang sobrang talino nang dalaga, accelerated ito ng halos 3 taon nung elementarya ito. Madaming write ups tungkol dito dati at natigil lamang iyon nang umalis ang dalaga papuntang US para mag aral. Kumpara sa kanya ang layo layo nito. Heto ang babaing napakahirap abutin. Naiiling nalang si Lance at sinira ang pinto. Ipagtatabi nalang niya ito ng pagkain.

 

Kinabukasan mula sa pier ng Concepcion sumakay sila nang bangkang di motor papuntang isla ng Pan de Azucar . Mahigit tatlongpong minuto din lalakbayin papunta sa isla. Parang nasa paraiso kalang kung totoosin sa ganda nang paligid. At higit pa dun ang magandang tanawin ng Mt. Pan de Azucar/ Mt Manaphag o ang “sugarloaf mountain ng Pilipinas” pareho sa Sugarloaf Mountain ng Brazil ang tatsulok na apa nito. Isa itong bulkan dati.

“Manung Kanor kamusta man kamo diya?” bati nang pangangamusta ni Lance sa sumalobong sa kanila na kapitan ng barangay na nandoon. Marunong mag Ilonggo ang binata gawang ang ina nito ay isang ilongga. Yun ang sabi ni Aliya isa sa mga kasama nila ng binata sa immersion na yun. Binubuo ng 15 katao ang immersion na gagawin nila. Sabi nang ama niya isang magandang business ventures ang magpatayo nang Hotel and Resort sa lugar dahil katulad ng boracay ang puti ng buhangin nito. Pero nonethenless gusto din ng ama makatulong sa mga katutubo. Dagdag atraksyon din ang bundok doon.

Di na masama maari niyang gawan ng blog ang naturang lugar at ipost sa blogsite niya. May iilan ilan na rin naman siyang solid follower na laging nakaantabay sa mga blog post niya.

“Mayad man kami diya toto abaw dulang nagbalik gid ikaw diya. Tuman mo gid ang imo nga ginhambal. Kadamo naka mga upod mo. Ti dali danay kamo sa balay para makapahuway kamo kag makapanyaga.” Ang sabi naman nang kapitan der baryo na si Mang Kanor. At inaya ang binata na pumunta sa bahay nila upang makapagpahinga at makakain na din.

“Manung sandali po may kasama po pala ako anak po nang presidente ng kompanya. Si Ms Yailey Pelaiz po.” Hinila ni Lance si Yail papunta sa tabi niya.

“Kamusta po kayo?” Bati nang dalaga sa matanda.

“Maayos naman hija. Tara hali na kayo. Hayaan niyo na ang ibang mga gamit niyo ang mga bata na magbubuhat niyan tiyak pagud kayo sa biyahi.”

Sa hapag panay isda ang handa ibat ibang luto. Yung iba di alam ni Yailey ang tawag.

“Abay hija maselan kaba sa pagkain? Pasensya kana at yan lang ang nakayanan naming.”Hinging paumanhin ni Manang Maring ang asawa ni Manung Kanor. Mukha namang masarap ang pagkakaluto. “Kumakain kaba ng bagoong hija?”

“Huh ah eh …..” nag alangang sumagot si Yailey sa matannda at baka maoffend ito.

“Nay Pasensya na po prensisa po yan ng mga Pelaiz di po siya kumakain ng ganyan.”sarkastikong sabi ni Lance sabay ngisi sa kanya.

Nahahalata na niya mula pa nang sumakay ng eroplano ang animousity ng binata sa kanya di lang niya pinapansin. Di na niya ito pinatulan pa. Kahit asarin man siya nito at tawaging maarti tataasan lang niya ito ng kilay.

Tinutuk nalang ni Yailey ang pansin sa pagkain. Ang lalaki ng sugpo at ung bangus ang tataba. Masarap din ang tinulang gulay ni Aling Maring na puso nang saging. Pagkatapos nila kumain maya maya nakaramdam nang paninikip ng dibdib ang dalaga.

“Ate Aliya di po ako makahinga.”Nakahawak na si Yail sa dibdib na naninikip. Namamantal din ang buong katawan nito at namumula na ang tenga.

“Maam jusko po anung nangyari sa inyo. Sir Lance sir si Maam Yailey po nahihirapang huminga.” Nagsisigaw sa takot ang matandang dalaga sa nakitang sitwasyun ng amo.

Nang mga oras naman na yun nag aayos sina Lance ng mga kailanganin at yung mga kubong tutuluyan nila. Nang marinig niya si Ate Aliya nagsisigaw pinuntahan niya agad ito.

Nagkakagulo na ang lahat sa nangyari kay Yailey. Di malaman kung anung gagawin nila dito. Pinahanda na ni Manung Kanor ang bangka para maisugod ang dalaga sa hospital sa kabilang isla. Agad naman binuhat ni Lance si Yailey at pinahiga sa papag.

“Asan ang gamot mo?” tanung ni Lance dito. Pinagbilinan na siya ng mga Pelaiz na sensitibo si Yailey sa lahat ng bagay at mabilis kapitan ng sakit kaya lagi itong may dala dalang gamot sabi ng ama ng dalaga. Tinuro naman nito ang maleta. “Ate kunin mo gamot niya sa maleta.” Kinuha naman nito ang gamot at binigay kay Lance. “Asan dito?” gulat si Lance sa bungkos nang gamot nang dalaga. Di lang pang first aid na gamot dala nito may pang maintenance at vitamins na kasama. Kinuha naman ni Yailey sa kanya ang isang box nang maliliit na tablet at pilit binuksan. Namamanhid na siguro ang mga muscle nang katawan nito kaya di makakilos ng husto. Kinuha niya nalang ang tabletas dito at siya na nagpainum dito ng gamot.

“Sir Lance handa na yung bangka. Dalhin nalang po natin si Ms. Yailey sa kabilang isla may malapit na klinika po doon.” Nag aalalang saad ni Mang Kanor.

“Huwag na po kayung mag abala Mang Kanor ayos na po ako. May bagoong po ata yung kinain ko kanina kaya po ako namantal. Allergy lang po yun.” Balewalang sagot naman ni Yailey sa mga ito. Nawawala na din unti unti ang pamamantal nito at pamumula.

“Ay naku Maam pasensya na po. Nakasanayan kasi nang mag iina ko na lagyan ng bagoong ang tinula.” Hinging paumanhin nang matanda.

“Ayos lang po yun Mang Kanor huwag po kayo mag alala.” Ngumiti ang dalaga ng tipid dito.

Takte nagulantang ata ang buong sistema ni Lance na makita yung ngiti ng dalaga. Bihirang bihira itong ngumiti. Ni di pa nga niya ito nakita na ngumiti sa durasyun ng pagkakasama nila. Umiba ang bukas ng mukha nito kahit sa tipid lang na ngiting yun.

Napabuntunghininga na lang si Lance. “Okay guys we have a lot for today. Punta na kayo sa inyung mga kubo at maaga pa tayo bukas.” Hinatid na lang din ni Lance si Yailey sa kubo nito.

“Pasasamahan kita ke Ate Aliya. Nasa kabilang kubo lang ako pag may kailangan ka. Wala palang kama dito papag lang ang mayroon dito sa isla.” Lance become extra caring sa dalaga.

“Ok lang ako kaya ko na sarili ko.”walang emosyun na tugon naman niya dito.

Tinitigan lang ni Lance ang dalaga sinusukat kung ayos lang ba talaga ito. Nang masigurong ayos na ito saka umalis ang binata. Pero pinasamahan pa rin ang dalaga kay Ate Aliya.

“Namamahay ka ba hija kaya ang aga mo nagising? Aba eh yung mga kasamahan mo tulog na tulog pa?” tanung ni Manang Maring kay Yailey habang dinudulutan ito nang kapi at suman.

“Hindi po Nay Maring sanay po akong gumising ng maaga. Maaga po akong nakatulog kagabi kaya nagising po ako agad kanina.” Paliwanag nito habang sumisimsim ng mainit na kapi.

“Hala sige magkapi kalaang dito akoy pupunta na sa dalampasigan at dadating na si Kanor ko.”

“Pwede po ba akong sumama?”

“Ay naku malansa doon. Baka di mo magustuhan ang amoy.” Tanggi naman nang matanda at mukang di pa sanay ang dalaga sa mga gawaing bahay sobrang nipis kasi ng kutis nito.

“Okay lang po sakin wala pong kaso.” Tipid na ngiti ang tugon nang dalaga sa matanda.

Mula nang mamatay ang ina 2years ago bihirang ngumiti si Yailey kung ngingiti man tipid na tipid.

“Sige ikaw ang bahala hija.” Pagpayag ng matanda.

Kagigigsing lang ni Lance agad na pinuntahan ang anak ng amo para siguraduhing ok lang ito. Tumawag siya sa ama nito kagabi buti nalang at may signal dun sa may dalampasigan ang cellphone na bihirang mangyari. Magpapadala ito ng makakasama nang anak nito. Isang buwan pa naman ang immersion nilang iyun. Kumatok siya sa kubo ng dalaga.

“Sir Lance pasensya na po kayo napasarap po ata ang tulog ko di ko napansin ang pag alis ni maam.” Bungad sa kanya ng bagong gising na si Ate Aliya.

“San po siya nagpunta?” kunot noong tanung niya dito. Pero napailing nalang nang mapagtantong di nga nito alam. “Sige pupunta nalang ako kina Nay Maring at baka andun siya.”

Habang naglalakad si Lance patungo sa bahay ng nina Mang Kanor nakita niya ang dalagang may tangang maliit na balde. At sa kabilang kamay nakataling mga alimango. Napakunot noo siya sa nakita. Nilapitan niya ang dalaga at kinuha ang bitbit nito. Binigay nito sa kanya ang timba na puno nang mga isda. Pero ayaw ibigay ang alimango.

“Naku Toto Lance ang kulit kasi ni Inday Yailey eh ayaw paawat na tumulong may sugat na nga ang kamay niya ayaw naman bitawan ang alimango at salarin daw yan nang sugat niya kaya kakatayin daw po niya yan.” Natatawang sabi sa kanya ni Manang Maring na lalong kinakunot nang noo ni Lance.

Nang makita na may gasgas ang dalaga sa kamay namumula nayun di naman dumudugo pero baka mainpeksyon. Wala sa sariling inabot niya ang kamay ng dalaga na may sugat at hinaplos ito. Di sanay ang dalaga sa mga ganung gawain. Kimi naman na ngiti ang naging tugon ng dalaga nang tumama ang mata nito sa kanya. Tinamaan ng tipaklong pumalya ata ang tibok nang puso niya nang makita ang ngiting yun.

“Di ba mag iikot kayo ngayon nina Kuya Jeff bago magstart ang activities. Kaya ko na sarili ko dito. Tsaka tumawag si papa sa satellite phone ko kagabi papupuntahin niya bukas si Tricia dito. Para di kita maabala sa trabaho mo.” Taboy ng dalaga kay Lance.

Napailing nalang si Lance na nilapag ang dala sa mesa at nagpaalam na aalis na.

“Nay Maring ako na po magluluto pwede po ba?” prisinta nang dalaga sa matanda.

“Naku hija baka masugatan ka. Mukang di ka sanay sa gawaing bahay.”

“Marunung po akong magluto nag aral po sa pagluluto at tinuruan din po ako ng mama ko kung paano magluto.” Pagbibida nang dalaga sa matanda.

“Abay sige nga nang makatikim naman kami nang bagong luto.” Pagpayag nang matanda.

Nagluto ang dalaga nang seafood paella. Nag sigang siya nang sugpo. Nagkatay din sila ng native na manok at ginawang binakol ni Yailey isang menu nang mga Ilonggo. Kasama din sa menu niya ang alimango na binabad sa sprite bago pakuluan at ang tahong na nilagyan nang lemon grass at sinabawan.Magtatanghalian na nang bumalik sina Lance. Kapi at pandesal lang ang kinain nila sa almusal. Nakahanda na ang mesa para sa masarap na tanghalian.

Nagsidulog na ang lahat sa mesa. Tinabihan ni Lance ang dalaga. Kalahating araw palang niya itong indi nakikita pero nag alala na siya nang sobra. Di niya maintindihan ang sarili.

“Wow mukang masasarap ang niluto niyo Nay Maring hah. Kainan na ba nang mahusgahan na.” Saad ni Kuya Jeff nang makita ang laman nang mesa. Sabay sandok nang pagkain at tinikman. Kumuha nang mangkok si Yailey at sinandukan nang sinigang na hipon at binigay kay Lance. Napangiti ang binata sa ginawa nang dalaga pero di nag komento at tinikman ang sinigang.

“Nay Maring iba po lasa nang luto niyo ngayun hah. Masarap po ang sinigang.” Komento ni Lance.

“Nakuw si Inday Yailey ang nagluto sina. Indi gani man ako kabalo sang mga putahi nga daa.” Tugon nang matanda na binibida ang dalaga.

Di makapaniwalang tiningnan nang binata ang dalaga na abala sa pagserve nang niluto nito. Napailing nalang siya at pinagpatuly ang pagkain kumuha na din siya nang paella at nang manok. Mukang nagkamali nga siya sapag kilala sa dalaga. This is the other side of her yung di laging nakataas ang kilay at handang manakmal.

“Ikaw lahat nagluto nito?”tanung ni Lance sa katabi. Tango lang ang tugon nito at kumain na din. Tinitingnan lang ni Lance ang dalaga kumain. Mula airport hanggang Concepcion at kahapon di naman kumakain ng maayos ang dalaga kunti lang. Pero ngayon sarap na sarap ito sa pagkain nang binakol na manok at ang alimango na niluto sa sprite. Kinakamay din niya ang paghimay dun. Nakakaaliw tingnan ang dalaga. Bihira sa mga tulad nito ang mga ganuong bagay. Prinsesa ito nang mga Pelaiz sino ang mag aakala na kaya niyang bumaba sa pedestal na kinatatayuan niya at makisama sa mababa? Mukang nagkamali ata siya nang husga dito.

“Hinay hinay sa pagkain niyan Yailey at baka mamaya atakihin ka na naman nang allergy mo.” Nang makita ng binata na hipon naman yung kinain ng dalaga. Kumain din ito nang paella na panay seafood ang laman.

“Okay lang basta bagong huli at fresh pa ang pagkain di ako aatakihin nang allergy ko.” At nilantakan ang pagkain. Nakangiti nalang si Lance na pinanood ang dalaga.

Pagkatapos nang lahat magtanghalian nagdiscussion na sila tungkol sa mga activities na gagawin nila sa lugar nayun. Medyo naging iba na rin ang pakikitungo ni Lance kay Yailey di na niya ito sinusungitan o inaasar.

“Naku friend nang sinabi ni tito na pupunta ako dito naku gusto kung tumanggi anu. Sa bundok ka na naman alam na alam mo namang allergy ako dito. Kung di lang kita mahal naku nungka akong mapapayag nang tatay mo.” Litanya ni Tricia sa kaibigang.

“Okay lang naman talaga ako dito talagang mapilit lang si papa.” Kibit balikat na sagot nang dalaga sa kaibigan habang hinahanda ang tulugan. Binilhan siya ni Lance nang bed sheet na makapal mahirap kasi ibangka ang foam.

“Okay lang?O okay na okay ka kasi may gwapong mama na nag aalaga sayo. At anu yan special treatment binilhan pa nang comforter pansapin sa higaan asus. Naku Yailey ha isusumbong kita kay Tito may kinakalantari ka dito.” Biro sa kanya nang kaibigan.

“Tigilan mo nga ako. Assuming talaga yang utak mo. Siya yung binilinan ni Papa na alagaan ako dito kung hindi mawawalan siya nang trabaho.Pwede ba manahimik kana diyan at magsusulat ako.” At puwesto si Yailey sa harapan nang laptop para makapagsulat.

Natulog naman ang kaibigan. Halatang pagud na pagud ito sa trabaho. Naalala niya dati na kaya lang naman siya kinaibigan ni Tricia dahil sa kapatid niya. Patay na patay ito sa kuya Andrew niya. Di pa sana ito papansinin nang kuya niya kaya dinaan na nito sa brasuhan ang kuya niya. Halata naman na gusto ito nang kapatid pero halos 6 na taon ang agwat nang idad nito at kuya niya. Mas matanda si Tricia nang 3 taon, 24 na ito ang kuya niya 30 na. Engaged na ang mga ito. Naglasing ang kuya niya nang malamang nakipag date ang kaibigan sa kababata nito na binabae. Nagselos ang kuya niya. Inumaga na sa bar walang driver mabuti nalang at mabait ang waiter. Tinawagan nito ang emergency contact ng kuya niya. At si Tricia pala yun. Nang malaman nang dalaga di na pinakawalan pa ang kuya niya, sa condo nito inuwi ang kuya niya. Literal na ginapang nga ito ng kaibigan. Natatawa pa din siyang maisip ang kalokohan nito sa kuya niya. Ngayun ikakasal na ang dalawa. Masaya siya para sa mga ito sa dami nang niluha nang kaibigan sa kuya niya nung di pa ang mga ito tama lang na maging masaya ito.

“Tricia pupunta kami ng palayan ngayun. Mag uumpisa na ang pagtanim sumama kana. Isusumbong kita kay kuya na di mo ko binabantayn.” Mag iisang linggo na sila sa isla at madami na din silang nagagawang mga aktibidadis para sa mga katutubo at lokal. Naging magkaibigan na din si Yailey at Lance.

“Huwag na nu distorbo lang ako sa inyo ni Papa Lance dun. Kung makabantay sayo boyfriend ang peg? Anu yun teh? Hmmm kung di ko pa alam na mas gusto mo siyang kasama kesa sakin.” Birong totoo ni Tricia sa kaibigan. Iba ang ningning nang mga mata nito habang kasama si Lance halata na din na kapag kumakain laging magkadikit ang mga to. Minsan pinagsisilbihan pa nang mga ito ang isat isa malakas maka bf ang galawan ng dalawa. Gwapo at mabait naman ang binata sabi ni Andrew kaya may chance na mahulog si Yailey dito. Mukang kinikilala nga nang mga ito ang isat isa. Nakwekwento na rin nang dalaga sa kanya ang family background ni Lance. Mukang may umuusbong na pagtitinginan sa dalawa.

“Dahan dahan ka di ka naman sanay kasi maglakad sa pilapil pag nadulas ka diyan mamaya at magasgasan. Naku!” nagpumilit ang dalaga na sumama sa kanila gusto daw nitong maranasan magtanim nang palay. Halos sa ilang linggo na niya itong nakakasama di man lang niya nakitaan ito ng kaartihan. Nakikipaglaro pa ito sa mga madudungis na bata. Kaya ngayon wala siyang magawa kundi ang manermon habang inaalalayan ito maglakad sa pilapil. Gustong gusto na nitong umapak sa putikan kaso babagal ang lakad nila dahil di pa ito sanay.

“Huwag muna kasi ako bantayan kaya ko na sarili ko. Tsaka di naman ako mamatay sa kunting galos lang, malayo yun sa bituka.” Saad naman nang dalaga. Nagmamaktol na ito dahil ayaw nga niya itong payagan sa nais nito. At dahil nga dun di niya natantiya ang sunod na aapakan nadulas ito at dahil mahirap magbalanse sa putik pati siya natumba sa palayan. Nakadagan sa kanya ang dalaga kaya ang hanggang bewang lang nito natalamsikan ng putik at siya naligo na sa putik ang likod niya. Natatawa ito tumayo at bumalik sa pilapil.

“Tulungan na kitang tumayo.”natatawa pa nitong komento nang makitang nahihrapan siyang bumangon.

“Its okay mapuputikan ka lang mamaya.” Sagot ni Lance ngumiti na lang din siya sa sitwasyun. Maybe if other guys will see na pinagtatawanan sila nang girl sa saklap ng kapalaran nila kung di lang siya gentleman hinila din niya ito masubsub sa putik.

Dahil nga naputikan si Lance naligo muna ito sa puso na nandoon and Yailey cant get over with it nang hubarin nito ang t shirt. WAWAHOOWWW ABS napanganga nalang siya sa nakitang katawan nang binata. Nakakatuyo na ng lalamunan. Maya maya tinawag na sila ni Mang Kanor at mag uumpisa na ang tanim. Nag enjoy sila sapag tanim nang palay masakit man sa likod pero masaya si Yailey na natapos nila ang isang kahon na taniman.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 3

Nagkaroon nang activity ang grupo para sa mga bata sa isla. Mga palaro na inorgisa nang mga kasama nila Lance. Nakisali naman si Yailey at Lance sa mga laro nang bata. Merong sack race, planting straw, padamihan nang laman nang bote ng patis mga larong pinoy na halos kalimutan na din nang makabagong mga kabataan ngayon. Halatang masaya si Yailey sa mga nangyari ngumingiti na din ito kahit papanu. Sana lang maibalik ni Lance ang buhay na nawala sa kaibigan dahil sa mga nangyari nang nakaraan.

“Babalik na tayo nang Manila sa susunod na bukas mamimis ko ang mga tao dito.”komento ni Yailey. Nasa burol sila malapit sa dagat tanaw nila ang kabilang isla nang negros. Hapon na nang oras nayon at tapos na din ang mga kailangan nilang gawin sa isla. Panahon na para bumalik sila sa realidad nang mabilis na buhay sa siyudad.

“Tama ka. Ang bilis lang nang araw lumipas. Nagsabi pala sina Jeff kanina magdyaming tayo sa dalampasigan. Parang farewell party na rin natin dito bago bumalik nang Manila.” Prenteng nakahiga si Lance sa ugat nang puno na nakausli at habang na kasquat na upo si Yailey sa tabi nang binata sa damuhan at nakatitig sa dagat.

“Naalala ko di pa pala ako nakahingi nang tawad sayo nung mapagsabihan kita dun sa lobby. Sorry. Okay na baa ng braso mo? Sinabi sakin nang papa mon a nagka first degree burn ka.”

“Ok na nawawala na rin naman yung marka na nangingitim.” Balewalang tugon nang dalaga at iniba ang usapan.

“Sabi mo magbabakasyun ka after nito dahil gusto nang daddy mo na pumunta kayo sa mga kamag anak nang mommy mo dito sa Iloilo.”

“Oo pinapatawag kasi ng Lolo ko si daddy di ko alam. Regarding inheritance daw ni mommy. Never ko pa nakita yung grandparents ko dito sa Iloilo. Galit ang Lolo ko kay Dad dahil mahirap lang ito dati na di nito kayang bumuhay ng pamilya. Nagsikap si dad hanggang sa nakapagpundar siya nang negosyo. Ni minsan di kami dinala ni mommy sa lolo’t lola naming dito. Si Tita Stella ang pinupuntahan namin dito tuwing summer pagnagbabakasyun. Kahit nung libing ni mommy di sila pumunta.” Ramdam ni Yail ang pait na meron sa boses ni Lance sa mga di kilalang magulang nang ina.

Madami pang napagkwentuhan ang dalawa. Palagay na ang loob nila sa isat isa. Kaya na nila mag open up nang mga bagay tungkol sa kanilang mga nakaraan at pamilya. Iba na ang tinginan nila sa isat isa.

Nasa harap ng bornfire ang lahat kanya kanya upo sa buhangin ang mga lalaki, kinuhanan din nila ang mga babae nang putol na katawan ng puno para may upuan. Bukas nang gabi may ritual na gagawin ang mga katutubo sa pag alis nila.

Si Yailey umopo sa buhangin at sumandig sa puno nang kahoy habang si Tricia umupo sa tabi niya. Nakarap siya sa apoy sa kabilang dulo si Lance at Kuya Jeff nagkakagulo sa gitara kasama din nila sina Rico, France at Cheska. Maya maya maririnig na ang pag jajam nang mga ito.

Jeff is playing the guitar the song closer You and I. While yung mga nakapaligid dito kumakanta. May tatlong music pa itong kinombo hanggang sa pilitin nang mga to na kumanta si Lance.

Nakangiti namang kinuha nang binata ang gitara at tumipa….

Maya maya natahimik ang lahat at pinakinggan ang boses nito.

“The first day that I meet you,

I know I always do

That you’ll be the one

And Im feeling blue

For all the things I made up

For all the wrongs I do.

Im not asking you to judge me just be true

All of me is what I gave to you and everything I ask

I wanna share with you

Wear this ring for all eternity I make this vow

And I gave you all of me.

Nalula ata si Yailey sa narinig. Lance knew that song? Yan ang pinaka paboritong kanta niya eversince na napakinggan niya ang kantang yun.

“Pakasalan muna kasi dinadaan daan mo pa sa kanta kausapin mu at sabihin di yang ganyan.” Biro nina Jeff kay Lance sabay turo kay Yailey. Natawa nalang ang binata.

“Uy di naman fair yun kayo lang nanghaharana dyan. Isang makapagbagabagag na kanta nga dyan Yail share mu naman sa kanila ang talent mo.

“Sige nga Maam Yailey nang lalong mainlove tong boss naming.” Sulsol naman nang iba nilang kasama. Inabot sa kanya ni Lance ang gitawa.

Tipid man ang ngiti ni Yail na kinuha ang gitara ang tumipa ng ilang chords. Mayamaya …..

“Someday I’ll find someone who really loves me.

And he will be the one to call me baby

And when he comes I know the stars where guide me.

And he the one the one for me

And he will fall down on his kness and

Ask if he could marry me.

Someday I will fall in love

And baby one day

A blessing from above

And every day of every week of every month for every season of the year

Hell be here spending time

In this crazy love.

Some one who loves hugs and kisses

And make me smile when I am blue

I hope and pray that kind of love will find me

And when it does it will for keeps

And he will fall down on his kness

Ask if he could marry me.

Someday I will fall in love

And baby one day

A blessing from above

For every day in every week of every month for every season of the year

Hell be here spending time

In this crazy love.

Lahat naki jam kay Yailey sa kanta ni Kim Chui na Someday (crazy love). Yeah shes waiting for someone to swift her off her feet and kneel down for her forever to come true. Pero sa kanta lang ata yun. Dahil sa piling mga tao lang ata yun nag eexist. Katulad ni Tricia at nang kuya niya.

“Waahhh anu bayan sagutan ang kanta dapat pala si Maam Yailey yung pinauna nating pakantahin para sagutin ni Lance. Anu boss mukang inaantay ka ni Maam Yailey. Magtapat na kasi,” pangguguyo pa nang mga kasama nila sa kanya.

Maganda ang boses ni Yailey malamig pakinggan. Sa loob nang isang buwan na kasama niya ito di naman maipagkakaila ang pagkakagusto niya sa dalaga. Unti unti nitong binuksan ang puso niya na minsan nang nagmahal at nasaktan.

Abala ang lahat sapag iinuman. Nang mapansin ni Lance na umalis si Yailey. Sinundan niya ang dalaga. Tangan tangan nito ang isang can ng red horse. Umakyat ito sa mabatong bahagi ng pampang na ang dulo nang talampas na batong yun ay dagat. Tinabihan niya ang dalaga.

“Bat ka umalis dun?”

“Naiingayan na ako.”sagot ni Yail na nakatingin sa ilaw na nakikita sa kabilang isla.

“May sasabihin sana ako sayo. Alam kung masyado pang maaga at hindi pa natin lubusang kilala ang isat isa pero alam ko at alam mo at nararamdaman mo din yun dyan sa puso mo. Yailey gusto kita. Sana sana bigyan mo ko ng pagkakataon na kilalanin ka pa at patunayan sayo na gusto kita.”dala nang alak nagkalakas ng loob si Lance magtapat sa babae. Di niya kasi alam kung magkikita pa ba sila pagbalik ng Manila.

“Hindi ko alam Lance sa loob nang isang buwan marami akong natutunan sa lugar nato mga aral na maaari kung idagdag sa mga akda ko. Ang pakiramdam nadarama ko ngayon maaring pareho tayo ng nararamdaman. Pero nasa isla na tayo limitado ang mga tao na nakakausap at nakakasama natin. Maaring mag iba ito pagbalik natin sa syuidad. Sana maunawan mo hindi pa ako handa na sagutin ang mga katanungan mo Lance.”

“Nauunawaan ko Yail nakahanda akong mag antay sa panahon na handa kana tanggapin ako sa buhay mo.”

Humulig nalang si Yailey sa balikat ni Lance. Ayaw ni Yailey muna mag isip. Gusto lang niya makasama si Lance kahit saglit.

“In time Lance masyado pang maaga. At higit sa lahat konti lang ang nakakasalamuha natin unlike kung sa Manila tayo. Malaki ang mundo natin doon madami tayong kakilala. Maaring maiba ang gusto mo ngayon pag andun na tayo. Dito wala kang choice kundi pagtyagaan ang company ko.” Nag aalangan si Yailey sa sitwasyun nila ni Lance. Kailangan pa nang mahabang panahon upag kilalanin nila ang isat isa.

“Alam ko Yail alam ko. At handa akong maghintay sa panahon na pormal na manligaw sayo.”

“Mukang may di ka sinasabi sakin hija ha….Hmmm anung meron sa inyo ni Mr. Acosta? Kanina pa masyadong sweet ito ha. Pasimpling umalalay ha.” Panggigisa ni Tricia sa kaibigan. Hinatid ito ni Lance kagabi sa kubo nila. May pahalik halik pa sa checks na nalalaman ang dalawa.

“He just told me he like me and he wants to be part of my life.”parang wala lang sa kay Yail ang sinabi pero nagniningning naman ang mata nito.

“Your really crazy Yailey.So what did you say?”natatawa na tanung pa ni Tricia.

Kibit balikat lang ang sinagot ni Yailey na nagsasabing abangan ang susunod na kabanata.

“Sa amon nga mga maanyag nga mga bisita gusto kamo nga makahambalanun sang amon apoy, si apoy Lupi,” saad ni Manung Kanor. Ang apoy sa mga Ilonggo ay ang matandang naabutan pa ang mga apo sa kaapohan.

Nagtipon sina sa Yailey sa harap ng matanda. Katabi niya si Lance medyo lasing na ang lalaki sa dami nang nainum kaya malakas ang loob na akbayan siya. Hinayaan na lang niya ang binata sapag akbay nito mas nagiging panatag ang pakiramdam niya kapag nasa tabi lang niya ito.

Kinuha ni Apoy Lupi ang kanang kamay ni Lance. “Toto indi magpatublag ang imo nabatyag para sa iya indi paglisua. Ang singsing sang paghigugma magaabot na. Indi magkahadlok batuna kag ipagbato siya.”

“Babayi palanggaa sing walay tupong ang tao nga sa imo magahigugma.Madamo sing pasakit ang magaabot pero sa husto nga tion mabalik siya para higugmaon ka." Sabi naman nito na hinawakan din ang kamay ni Yailey at pinagpatong ang kamay nila ni Lance.

Tumingin si Yailey kay Lance na nagtatanung kung anu ang sinabi nang matanda pagtalikod nito. Inakap nalang ni Lance ang nagtatakang dalaga at nagpaubaya naman ito.

Nagtataka man sa sinabi nang matanda mukang tungkol sa kanila ni Lance yung sinabi nito.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Ryuee Sky's other books...