Playful Destiny

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Paano pag nagtagpo ang dalawang tao na may magkaibang estado sa lipunan?? At parehong napaglaruan ng tadhana?? kakayanin kaya nila??? Malalagpasan kaya nila ang ang pagsubok ng mapaglarong tadhana???

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER ONE

I'm Blake Santosa, 14 years old. scholar ng West Forlia High. Mahirap lang kami. Working student na ako. Kailangan ko din kasi tulungan yung nanay at tatay ko. 1st year highschool na ako. Nag-stop kasi ako ng isang taon dahil walang tutulong sa nanay noon sa gawaing bahay at magbabantay sa kanya. Nagkasakit kasi siya sa baga. Buti na lang naagapan. 

Papunya ako ngayon sa palengke. Eekstra ako sa pagkakargador.

"Aling Lina!! Kailangan niyo po ba ngayon ng kargador???" tanong ko.

"Tamang-tama! O, sige buhatin mo yung mga sako ng gulay ron." 

Agad akong sumunod. Binuhat ko yung isang sako ng patatas. Nahirapan ako, syempre mabigat yun.

Mkalipas ang dalawang oras nakabuhat ako ng mahigit limang sako ng gulay. Inabutan ako ni Aling Lina ng 80 pesos. Nagpasalamat ako sa kanya at umalis na para magpunta naman sa construction site. Nakita ko agad si Engineer Pascua na abala sa pagbabasa mg blueprint.

"Engineer.." tawag pansin ko rito. 

Lumingon siya sa akin at ngumiti. " Sakto  kulang ako sa tauhan. Tulungan mo sila Mang kanor sa paghahalo ng semento." 

Tinulungan ko sila mang kanor sa paghahalo ng semento at sa iba pa. Pagkatapos nakakuha ako ng 100 sa loob ng tatlong oras. Napatingala ako sa langit at nadiskubring gabi na. Hindi ko namalayan ang oras. Ganito ang buhay ko tuwing weekend. 

Trabaho rito. Trabaho roon.

Makalipas ang isang oras paglalakad nakarating na ako sa maliit naming bahay. Pagpasok ko, nakita ko si nanay na nagtutupi ng mga labada nito. Labandera kasi si nanay at tricycle driver naman si tatay. Nilapitan lo si banay at inabot ang 180 sa kanya. Hindi kinuha ni nanay yung pera.

"Anak sayo yan. iponin mo." sabi ni nanay.

"Nay, tanggapin niyo na pandagdag sa gastusin natin." pilit ko. Napabuntong-hinga na lang si nanay. Kinuha ni nanay ang pera pero inabot sa akina ang isandaan. Ibabalik ko pa sana kaso....

"Pag ibinalik mo yan hindi ko to tatanggapin." sabi ni nanay. Wala akong choice kundi tanggapin na lang yunh pera. Pumasok na ako sa sa kwarto. Naglatag ako ng banig at kinuha yung kumot ay unan sa cabinet. 

At mabilis akong nakatulog.

*******KINABUKASAN******

***4:30***

Maaga akong nagising dahil may pasok pa. Kinuha ko yung tirang pandesal kahapon at nagtimpla ng kape. Hindi na ginising si nanay. Makalipas lang yung kalahating oras tapos na akong magayos sa sarili ay handa na akong umalis. Saktong gising na si nanay kaya nagpaalam ana ako sa kanya. malamang bimyahe na si ytatay kaya hindi ko na sya nakita kanina. 

Nglakad na ako papun ta sa school. Dumaan muna ako sa bakery at bumili ng 4 na pan de coco at 3 na spanish bread. 

Nakarating ako sa school. Maaga ako ng isang oras. Pagpasok ko sa room,  umupo ako sa pinakadulong silya at kinuha ahg notebook ko at nagbasa. 

Habang nagbabasa ako nakakarinig ako ng mgayabag kaya napaangat ako ng ulo. May nakita akong babae. Nagaayos siya ng mga gamit niya. Hindi siya pamilyar sa akin. Baka transferee. Npansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon sya sa akin.

Akala ko tatarayan niya ko katulad ng ginagawa ng iba sa school na ito...

Pero hindi.... 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like sarah michelle acolicol's other books...