Loving my Monster Boss

 

Tablo reader up chevron

Chapter One

“Sir, here’s the finished proposal, pakicheck na lang kung may kailangan pa kong i-revise.” sabi ni Rizza nang iabot niya ang folder na hawak sa kanyang Boss na si Ryan Emmanuel.

“Okay I’ll just read it and see if this is okay for the proposal I will just give it to you later.” Sagot nito saka kinuha ang inaabot niya saka inilagay sa table nito an puno na nang mga folder.

Nagdesiyon na lang siyang lumabas nang makita niyang hindi na siya pinapansin pa ng amo. Ganoon naman kasi palagi ang nangyayari kapag nasa harapan ito ng trabaho.

Well, that’s her workaholic monster boss alright at sanay na siya sa ugali nito dahil magli-limang taon na rin siya bilang sekretarya nito.

At the age of twenty three ay ito na ang namahala bilang CEO ng Emmanuel Group of Companies that mainly exported good quality fabrics in America. Then now after ten years of being in this position isa na ito sa mga top businessman in the country.

And now kung sakali mang maging ma-approve ang proposal na pinaglamayan niya ng dalawang gabi maari na silang makapag-export sa iba pang bahagi ng Asia at Europe.

Pagkaupo niya sa sarili niyang office desk ay mabilis siyang nag-inat at saka iginala ang tingin sa buong lugar. Isa `yong malaking kwarto at kalahati ng lugar ay ang mismong opisina ni Sir Ryan habang ang natitirang kalahati ay ang receiving area at ang mismong desk niya.

Advantage din `yon sa kanya dahil mas prefer niya ang isang tahimik na lugar na pwedeng pagtrabahuan kaysa ang magulong opisina na cubicles lang ang pagitan.

Tinignan niya ang orasan at medyo nakahinga ng maluwag nang mapansin niyang may limang oras pa bago ang proposal meeting sa conference room na ibabang floor lang ng opisina nila.

Naayos na rin niya ang mga dapat ayusin kaninang madaling araw sa loob `non kaya wala na siyang masyadong problema.Ang inaantay na lang niya ay ang pagagawin na revision ni Sir Ryan para maayos na niya `yon para mai-xerox saka mailagay sa loob ng conference hall.

Nang ibalik ang niya ang tingin sa orasan parang doon lang niya narealize kung gaano siya kaantok sa dalawang gabi na wala siyang maayos na tulog kaya pero may mga kailangan pa rin siyang dokumento na ayusin para ipakita sa boss niya.

Pero sandali dapat muna sigurong dalhan niya ng coffee ang amo, muntik pa niyang makalimutan dahil nga sa mga inasikaso niya. Naghihikab na tumayo siya at saka dumiretso palabas kung saan naroroon pantry na nasa dulo lang ng pasilyo.

Maganda naman ang kanyang trabaho kaso napakademanding nito sa oras lalo na ang boss niya na napakasungit at malimit lang niyang makitang ngumiti pero ayos lang sa kaya kasi mabait naman ito kahit minsan napakaintimidating ng presence. Sanay na naman siya doon tyaka kahit ganoon ang boss niya ay sobra ang paghanga niya ditto, kasi kahit na bata pa ito ay nagawa na nitong palaguin pa lalo ang kommpanya ng mga magulang at higit sa lahat ay napakagwapo nito idagdag pa ang abuhing mga mata nito girls will really swoon over his feet. Sayang nga lang at hindi sila talo. His a king on his own empire samantalang siya ay isang hamak na empleyado lamang. Tyaka sino ba ang magkakamali sa isang katulad niya oo nga’t matalino siya maganda ang kaso nga lang mahirap lang siya,

Napabuntong hininga na lang siya sa kanyang isip. Marahil sa panaginip lang talaga niya pwedeng pagpantasyahan ang kanyang gwapong boss. Hay... ang buhay nga naman masyadong unfair sabi niya sa isip, nang matapos siyang makapagtimpla ng kape sakto naming tumunog ang intercom nang makapasok siyang opisina.

“Miss Cuevas, bring my coffee in.” utos ng kanyang boss na dali-dali niyang sinunod bitbit ang umuusok na kape.

Pagkabukas palang niya ng private office ng kanyang amo ay sumalubong na agad sa kanya ang malaki nitong bulto na abalang binabasa ang proposal niya.

And as usual ay hindi na naman siya pinapansin nito kaya ang ending? Ayun labas na naman siya ng pintuan nito.

“Miss Cuevas.” Tawag nito sa kanya gamit ang baritone nitong boses mabilis naman siyang nag about face at inantay ang sasabihin nito.

“Yes Sir?”

“You may take your leave today.”

Napakurap-kurap naman siya sa sinabi nito, pero akma siyang magpo-protesta nang ibinaba nito ang hawak na folder saka tumingin sa kanya ang gray nitong mga mata.

Syet na malagkit, those eyes! She can’t help but scream internally. Oo na may crush siya sa boss niyang sungit kaya nagta-tyga rin siyang magtrabaho ditto. Kaso nga lang strict orders nito na wala itong balak na magkaroon ng relasyon inside the office. Meaning off limits ito sa mga kagaya niyang empleyado, sad life `no? Oh well, it’s just a crush para naming may masama `don hindi ba? Saka hindi naman nito malalaman.

Hindi niya maiwasan naman na mapapitlag nang magsalita ito. “Miss Cuevas I know na para matapos mo ang proposal mong ito on time ay two days kang nag-overnight ditto sa opisina para lang sa proposal na ito kaya pinagtatake na kita ng leave dahil ayaw kong bigla na lang himatayin ang sekretarya ko sa kalagitnaan ng proposal meeting. Maliwanag ba?” mabilis na siyang tumango saka ito sumandal saka iminuwestra ang pintuan. “You may go at ayokong bigla ka na naming pupuslit ditto sa opisina para lang tapusin ang trabaho mo, okay?dahil sisisguraduhin ko sa susunod you and your helper will be in great trouble” anito sa seyosong tono.

Hindi niya maiwasan mapakagat ng labi dhail mukhang bistado pala nito ang ginagawa niya nitong nakaraaang araw, pagkaalis kasi nito sa opisina ay isa sa mga janitor na kaibigan niya ang nagpapahiram sa kanya sa susi ng opisina ng amo. Oo na ninja moves niya `yon eh, nang wala ding saysay dahil buking din siya.

“Yes Sir, hindi na po mauulit, mauna nap o ako.”

Tinangunan lang siya nito saka muling ibinalik ang tingin sa binabasa saka siya lumabas at kinnuha ang isang knapsack bag na nakatago sa loob ng drawer niya.

Pambihira talaga saying ang effort but oh well, paid off naman siguro dahil wala itong problema sa ginawa niyang proposal kaya pwede na siyang makahinga ng maluwag beside. Muli siyang naghikab baka pagkatapos ng meeting ng boss niya sa investor ay baka tulugan lang talaga niya ito buong araw. Kiber kung pagalitan siya nito besides alam niyang competent siya as secretary kaya hindi naman siya basta-basta nito mase-sesante.

Pagkatapso niyang i-off ang computer niya ay binibit na niya ang mga maruruming damit saka umiretso ng uwi.

MAKALIPAS ng tatlumpung minuto ay nakarating na siya may bahay nila sa isang middle class subdivision sa Makati. Simple lang ang bahay nila na pinag-ambagan niya at ng dalawa pa niyang nakakatandang kapatid para sa mga magulang nila nang magkaroon na silang tatlo ng steady na trabaho. Five room bedroom `yon tig-isa sila ng dalawa niyang naaktandang kapatid ng kwarto habang share naman ang dalawa pa niyang nakakabatang kapatid na pawing nasa elementary at highschool. Noon sa isang barong-barong lang silang nakatira mag-anak pero nang dahil na rin sa sipag at tiyaga ng mga magulang niya ay nagawang nilang tatlo na makapagtapos at ngayon ay sila naman ang tumutulong para pagtapusin ang dalawang kapatid nila na nagaaral pa habang pinatigil na nilang magtrabaho ang mga magulang nila.

“`Nay dito na po ako!” sigaw niya.

“Aba buti at umuwi ka na rin dalawang araw ka nang nasa opisina iyo ah.. akala naming ay dun ka na titira” bungad sa kanya ng ina niyang si Ida na may hawak-hawak pang tyanse.

“’Nay naman eh” angal niya habang hinuhubad ang sapatos.

“Siya nga naman anak aba’y alam namin na sa opisina ka matutulog pero di mo sinabing di ka uuwi” naman ng kanyang amang si Mando habang nagbabasa ng dyaryo sa sala.

“Sorry ho kasi masyadong matrabaho yung proposal kaya di na po ako nakakauwi, hayaan niyo po next time tatawag po ako” sagot niya.

Nang nakarinig siya ng mga pababang yabag sa mga hagdan at bumungad sa kanya ang nakababatang kapatid na si Roland na nakangisi.

“O Ate nandyan ka na pala kala ko hindi ka na babalik aayusin ka na sana yung kwarto mo nang malipatan na.”

Hindi tuloy niya napigilan ang sarili na batuhin ng sapatos na hawak niya ang kapatid na agad nitong na iwasan,

“Kahit kailan talaga wala ka nang magawang matino. Ang aga-aga eh sinisira mo na agad ang araw ko.” Ingos niya rito pasalamat `to at pagod siya at hindi niya ito nasapol ng sapatos niya sa mukha.

“`Sus kung alam ko lang Ate eh na miss mo yung pangaasar ko sayo kasi dalawang araw ka nawala dito sa bahay.”katwiran ng magaling.

“Alam mo sa pagmumukha mong yan di bale na `uy.”

“Whey, maniwala ako sayo ate.”

“Ewan ko sayo.”

Magsasalita pa sana ito kung hindi lang may malakas na humampas ng dyaryo sa ulo nito.

“Roland, tigil-tigilan mo nga yang ate mo pagod pa `yan sa trabaho tapos papagurin mo dahil dyan sa pang-aasar mo.” Sermon ditto ng nakakatandang kapatid na si Rick pangalawa ito at siya ang sumunod rito.

“Kuya naman eh... bakit kailangan mo pa akong hampasin ng dyaryo sa ulo? hala ka baka wala na akong masagot sa Exams ko isususmbong kita kay nanay” reklamo nito habang sapo ang nasaktang ulo.

“Teka nga at kailan pa nagkaroon ng laman `yang ulo mo eh puro kalokohan lang ang palaging nandyan.”

“Hay... Kuya bakit di mo matanggap na genius tong kapatid mo,”

Muli itong pinalo ng dyaryo sa ulo. “Anong genius ang sinasabi mo dyan umalis ka nga sa daan at baka matulak pa kita at matuluyan pa kita,”

“At saan naman kayo kukuha ng panglibing?”

“Bakit ka pa naming ililibing kung pwede ka naman itapon na lang dyan sa ilog pasig.”

“Eh kung kayo kayang dalawa ang pareho kong ihagis sa ilog pasig? Hala tulungan niyo ko rito at nang makakain na tayo.”

Napangisi na lang siya sa sinabi ng nanay niya habang nakapameywang. Para naming mababait na tupa ang dalawang kaptid niya at pumunta agad sa kusina.

“Magbihis ka na Rizza at kakain na tayo mamaya.” Anito sa kanya.

“Sige `Nay mamaya na ko, inaantok ako baka makatulog lang ako sa lamesa.” Saka siya umakyat ng hagdanan.

Pagkapasok niya sa sariling kwarto ay basta na lang niya inihagis ang hawak na knapsack saka nagbihis bago niya hinayaan ang sarili na mag-dive sa kama niya at hilahin ng antok pagkahiga.

NAGISING si Rizza dahil sa nagiingay na ringtone ng cellphone niya, pambihira kung kailan siya nakakuha ng pinakamatinong tulog niya saka naman may biglang mangiistorbo? Padabog na kinuha niya ang cellphone saka sinagot ang tawag.

“Hello!” sigaw niya pero walang sumagot sa kabilang linya at dahil tamad pa siyang bumangon ay hindi man lang niya binuksan ang mga mata niya para malaman kung sino ang tumatawag.

“Kung sino ka mang impakto ka patulugin mo ko!” akmang papatayin na niya ang telepono nang may marinig siyang sigaw sa kabilang linya.

“Hoy! Rizzang baliw, si Dina `to!”binuksan niya ang kanang mata para silipin kung ito nga ang registered caller sa cellphone niya.

“O, bakit?” aniya saka naghikab saka tumihaya at tinitigan ang kisame. Ilang butiki kaya ang dadaan `don? Hindi niya mapigilang itanong sa sarili.

“Walang kakausap sa`yong butiki dyan sa ceiling niyo Rizza.” Napakunot noo siya sa sinabi nito saka siya napabalikwas ng bangon at tumingin sa kaliwa’t-kanan. Nang wala namna siyang nakita ay ibinalik niya ang atensyon sa kausap.

“Kailan ka pa naging psychic?”

“Adik, yun naman kasi palagi mong ginagawa kapag bagong gising ka.”

“Ahhh… oh bakit ka nga tumawag?”

“A little birdie with a little bribe told me na hindi ka naman busy ngayon at nasa bahay ka lang.” napaungol lang siya sa protesta sigurado kasing si Roland ang nagsabi ditto na nasa bahay lang siya kapalit na naman ng kung ano.

Pambihira minsan talaga gusto na niyang itakwil ang lalaking `yon bilang kapatid.

“Oo, now what?”

“Great! Sa wakas alam na ng boss mo na tao ka. Tutal naman at day off mo punta ka ditto sa bar tagal na hindi nagkakasama ang tropa. Sige na minsan lang naman to.” Natawa na lang siya sa sinabi nito saka tuluyan nang bumangon.

Hindi naman lingid sa kanya ang disgusto ng mga ito sa boss niya dahil palagi na lang siyang busy. Slave driver o kaya minsan monster pa nga ang bansag ng mga ito na kay Sir Ryan. Well hindi rin naman niya masisi ang mga ito, aayon siguro siya kung medyo bago-bago pa siyang sekretarya nito pero dahil nasanay narin siya ay tinatawanan na lang niya ang mga panlalait ng mga ito sa gwapong amo.

“Okay expect me in an hour.”

“Nice sige sabihan ko na rin ang iba at siguradong magpapatirik ng kandila ang mga `yon sa kaluluwa ng boss mo.”

Tuluyan na siyang natawa sa sinabi nito. “Grabe kayo, sige na kita na lang mamaya, bye.” Aniya saka binaba na ang tawag.

Dina or known as Diana Cantabria is one of her highschool friend. Isa rin ito sa pinakasikat na fashion designer sa bansa. Kaya naman sanay na siya sa mga taong nagtataka kung papaano niya nakilala ang babae maging ang iba pa niyang kaibigan na nasa elite circle.

Paano nga naman na ang isang sekretarya lang ay may mga kilalang tao na galing sa mga Buena familia ng Pilipinas ganong kung tutuusin ay middle class lang ang status ng pamilya niya. Well ganito kasi `yon, nagkaroon kasi siya ng scholarship kaya nakapagaral siya sa isang sikat na university mula highschool hanggang college with syempre maintaining average. Dina is what you called belonged to the ‘It’ group noong nasa highschool siya along with her childhood bestfriend na si Ynna na katulad niya ay naging scholar din.

Obvious naman na hindi sila ‘belong’ noong mga panahon na `yon sa grupo nila Dina at ng mga kagrupo nitong pawang mayayaman. Later on lang niya nalaman ang mga ugali ng mga ito dahil sa isang group project. Hindi mga matapobre katulad ng mga iba nilang kaklase and since nalaman ng mga ito ang instances na nabu-bully sila ni Ynna those ‘It’ group became their friends at ang resulta? Eto hanggang ngayon ay magkakasama pa rin sila kahit na puro mga professionals na silang lahat.

Minsan sa isang buwan ay palagi silang nagkikita-kita para lang magkulitan at maalis ang stress nila sa trabaho. Siya lang kasi ang madalas na hindi maiwan ang trabaho kaya siya ang madalas na absent sa mga gatherings nila kaya naman hindi na siya nagtataka kung bakit sukdulan ang asar ng mga ito sa boss niya.

Dumiretso na siya sa banyo para maligo at magbihis saka siya nagpaalam sa mga magulang na aalis.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na siya sa bar kung saan pagmamay-ari ni Lawrence na kagaya nga ng sabi niya ay naging barkada niya noong highschool. Anak ito ng owner ng isang sikat na hotel sa Pilipinas pero imbes pamahalaan ang napakalaking chains of hotels ng pamilya nito nagdesisyon na lang itong magtayo ng sarili nitong bar. Ito rin ang pinaka maloko sa kanilang mga kaibigan idagdag pa na ang pagiging palikero nito dahil na rin sa angkin nitong kagwapuhan dahil sa lahi nitong pinagmulan. Masayang bumati sa kanya ang mga kaibigan niya ng makita siya ng mga ito sa entrance ng bar.

Isa ang cosmic bar sa mga sikat na hangout ngayon ng mga taong gusto na magliwaliw tuwing gabi. Kaya hindi na siya nagtaka ng marami na ang tao dun sa mga oras na ito.

Agad na yumakap sa kanya si Dina nang makasalubong siya nito. “Hay... sa wakas nakasama ka din naming tagal mo nang hindi nagagawi ditto miss na naming ang kakulitan mo.” parang bata na sabi nito na hindi pa rin siya binibitawan.

“Oo na, para ka namang bata niyan.” aniya at inalis ang braso nito sa leeg niya.

“Oo nga Dina ang dapat na naghuhug sa kanya ay mga guys lang na tulad naming.”sabi ni Lawrence na sumupot na lang kung saan at akmang yayakapin siya ng iamba niya nag kamao ditto at tatawa-tawang umatras.”Ikaw talaga Rizza wala pa ring nagbago sa yo masyado ka pa ring bayolente.”sabi nito.

“Ewan ko sayo.”

“Suplada mo naman.”sabi ng isang boses sa kanyang likuran.

Nang lumingon siya ay agad niyang nakilala ang kababata na si Ynna. Matagal na niya itong kaibigan simula nang sila ay mga bata pa, ito in ang bestfriend niya na laging nasa tabi niya.

Agad niya itong sinugod ng yakap matagal na rin kasi simula nang magkasama-sama sila ng kompleto dahil sa kanya na laging absent sa sobrang busy.

“`Musta na best long time no see.”bati nito sa kanya.

Agad naman siyang humiwalay ditto at binate din ito. ”Hi! tagal na rin pala.”

“Teka nga lang, `di ba dapat nasa stage ka ngayon?”sita ditto ni Renz.

“Bakit kayo lang ba ang may karapatan na salubungin si Rizza?” anito at sinamaan ng tingin si Renz na agad na nagpatahimik ditto.

Ganoon talaga si Ynna alam na kasi nito kung paano patatahimikin ang isang tao. Katulad niya rin nito na may kaya sa buhay na di tulad ng mga kaibigan nila na galing sa mayayamang angkan. Isa itong music teacher kaya alam na nito magpatahimik ng mga makukulit na bata, na katulad ni Renz na kung umasta ay daig pa ang special child.

Ang iba naman nilang kaibigan ay nagsingisian langsa inakto ni Renz.

“Hey! bago kayo diyan magdaldalan tulungan niyo muna kami ditto, dumadating na ang mga customers so stop snickering and help us here,” untag sa kanila ni Dan ito ang kanilang resident chef pero kadalasan parang ito ang may-ari ng bar kung mag-isip paano kasi kung ano-ano kasi ang inaatupag ng makulit na may-ari kaya naman minsan ito na ang gumagawa ng mga bagay na dapat ang binata ang gumagawa. At dahil magkababata ang dalawa let say na kilala nan g mga ito ang ugali ng isa’t-isa.

“Ikaw talaga Dan panira ka sa moment kahit kailan.” sita nito sa kaibigan

“Kung ako sayo asikasuhin mo munang itong bar mo.”

“Grabe ka naman kung makapagsalita,para namang napapabayaan ko `tong bar” sabi pa na para bang nasaktan sa sinabi ng kaibigan pero alam naman nilang mahilig lang talagang mangasar ang taong `yon at nang sinamaan ito ng tingin ni Dan ay dali-dali na itong pumasok sa loob.

At dun na nagsimula ang pagkukulitan nila na para bang dati. Minsan hindi niya maiwasang magisip kung ito ba talaga ang mga elitistang tao na nakikita niya sa mga magazine na mga matagumpay sa mga larangan na pinasok ng mga ito. Nakakatuwa na ang mga ganitong katagumpay na tao ay patuloy pa ring nakikisalamuha sa isang gaya niya na hindi naman kasama sa sirkulo na ginagalawan ng mga ito. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanya kung bakit ang naging kaibigan niya ang mga ito. Nakakatuwa rin na ang mga kagaya ng mga ito ay napakadali lang pasayahin at kahit na busy sila sa kanya-kanyang mga trabaho ay naghahanap pa rin sila ng oras para magkasama-sama.

“Riz, ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan tumulong ka nga ditto,”untag sa kanya ni Dan.

Sumunod na lang siya at bahagyang napailing sa pagka istrikto ng kaibigan daig kasi nito ang general kung magutos pero kahit ganon ito pa rin ang itinuring na nakakatandang kuya nilang magkakaibigan kaya kahit ganoon ito ay nirerespeto pa rin nila ito.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Two

WALA na sanang balak na sumama si Ryan sa mga kaibigan dahil pagod na siya pagkatapos niyang maclose ang deal sa mga Asian investors nila. Ang akala niya kailangan niyang i-postpone ang meeting na `yon pero dahil sa sekretarya niyang nag-overnight ng dalawang araw sa opisina niya to make up sa pagle-leave nito ng tatlong araw ay nagawa nitong matapos ang proposal ng pinapagawa niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala kung anong kalokohan ang pumasok sa utak nito para pumuslit sa sarili niyang opisina kapag umuuwi na siya not knowing na may ga hidden CCTV siya sa mismong opisina na nakakonekta sa laptop niya. And those two days ay wala siyang ibang ginawa tuwing gabi kung hindi tignan ang dalagang sa harap nan g computer nito natutulog ang kumakain.

And now he thinks na kailangan nilang mag-celebrate ng sekretarya niya at siya for a job well done. Sa magkaiba nga lang na paraan, him bgoing to meet his friends whie her, doing anything she like for her leave.

Pumasok siya sa Cosmic Bar na sinabi ni Jake kung saan nag-aantay na ang iba pa niyang kaibigan. Agad na bumungad sa kanya ang isang magandang boses at nang igala niya ang paningin sa paligid ay napaka relax ng ambiance hindi tulad ng mga maiingay na bar na napasukan na niya.

Automatikong napako ang mga mata niya sa kumakanta sa makeshift stage isang magandang babae ang nakita nila nakalugay ang buhok nito at may manipis na makeup sa mukha na nagpalutang ng ganda nito. Hindi nga lang niya maiwasang magtaka dhail pakiramdam niya ay kilala niya ang babae.

“Hey Ryan mukhang mamalikmata ka na diyan kanina ka pa nakatingin diyan sa chicks.” untag sa kanya ng kaibigang si Kenneth nang makaupo na siya sa umpukan ng mga ito.

“Shut up.” Sikmat na lang niya pero hindi pa rin niya inalis ang tingin sa babaeng nasa harapan.

“Nice Ryan it’s a nice sign mukha kasing ngayon ka lang uli naging interesado sa mga babae.” buska naman ni Jake.

“Oo nga naman ilang years ka na bang celibated pare?” nakangising tanong sa kanya ng isa pa niyang kaibigan na si Andre.

“What the hell is that question Andre. Just shut up and it’s none of your damn business.” Sagot niya sa mga ito na tuluyang nagpahiwalay sa tingin niya sa babaeng nasa stage. Nagtawanan lang ang mga pasaway niyang kaibigan at nagsimula nang magorder.

Muli niyang itinuon ang atensyon sa babae kakatapos lang nitong kumanta nito at may lalaking umakyat sa stage.

“There you are people you just heard the voice of my lovely girlfriend,” nakangising sabi ng lalaki habang nakaakbay sa babae na agad itong siniko sa tiyan. May mga mangilan-ngilan siyang naririnig sa boos mula sa mga audience para sa lalaki na nasa stage na sapo ang tiyan marahil dahil sa lakas na pagkasiko dito ng babae.

“Sorry for disturbance hindi po totoo ang sinabi na kulugo kong kaibigan. And as for those people wondering who I am isa po ako sa mga kaibigan ng may ari ng bar na napasubo dahil sa mga kalokohan ng mga ito.” Sabi nito habang itinuro isa-isa ang mga taong pasimuno sa kalokohan somewhat that voice seems familiar to him.

“Okay. Ipapakilala ko na po siya ayoko makita niyo pa ang naranasan ang karinyo brutal sa babaeng toh.” tumikhim ito upang hamigin ang sarili. “This is our lovable friend Rizza Cuevas matagal na rin siyang hindi nakakapunta ditto kaya naman hindi siya pamilyar sa inyo. Kadalasan kasing pinapahirapan ito ng monster boss niya.”

Nasamid si Ryan hindi lang sa sinabi na pangalan ng lalaki ngunit dahil na rin ang patungkol sa kanya.

“Hey! Are you alright ‘Ry?” tanong sa kanya ni Andre

“Yeah ” sagot niya.

“Teka nga lang the name of that girl sound’s familiar.” Sabi ni Kenneth na tila may pilit na inaalala at nagliwanag ang mukha nang matanto kung ano iyon. “She has the same name of your secretary.” Anito at muling tinignan ang babae ba ngayon ay pababa na ng stage.

“Wag mong sabihing siya yan!” bulalas ni Jake.

Tinitigan ng husto ni Kenneth ang babae ”Siya nga yan maybe were not used on the dress she is wearing right now.”sabi nito habang siya nanahimik na lang.

Hindi nga lang niya inaasahan na kukunin ni Jake ang atensyon nito nang makababa na ito ng stage.

Agad itong ngumiti sa kanila ng makita siya nito. ”Good evening, Sir.” Magalang na bati nito sa kanya

Kiming tinanguhan lang niya ito saka nagiwas ng tingin, noon pa man alam na nito na hindi siya mahilig makihalubilo sa mga empleyado sa labas ng opisina.

“Ang daya mo naman `ni hindi mo man lang ako kinamusta.” sabi ni Jake bukod kasi sa pagiging kaibigan nito ay business partner rin niya ito sa ilang negosyo na pinasok niya kaya kilala ito ng sekretarya.

“Sir Jake kung ako sa’yo wag ka nag mang-asar kung ayaw mong ipatapon kita sa labas.” Banta nito hindi katulad niya ay mas friendly si Jake sa mga empleyado kaya naman obvious na magaan ang pakikitungo rito ng sekretarya niya na medyo kinaiinisan niya minsan sa hindi niya malamang dahilan.

“At kailan ka pa natutong magbanta? Nakakalimutan mo isa ako sa mga business associates ng boss mo.”

“At kung nakaklimutan niyo rin sir we’re not at the office you’re in a bar.” she countered.

Nagtawanan ang mga kasama niya sa mesa, noon pa man ay madali lang kay Rizza na ilagay si Jake sa dapat nitong kalagyan kaya nga gustong-gusto ito ng huli at ilang beses nitong gustong kunin na maging sekretarya pero hindi siya pumapayag beside he knows how Rizza is efficient in her work kaya hindi siya makakapayag na piratahin ito ng ibang tao.

“`Uy mukhang nagkakasayahan kayo ditto ah.”singit ng isang lalaki mula sa likuran ng dalaga at agad na umakbay ditto na nagpataas ng kilay niya kung hindi siya nagkakamali ay ito rin ang lalaking siniko ng dalaga sa stage sa kanina. Pero katulad kanina ay siniko na naman ni Rizza ito para tanggalin ang pagkakaakbay.

“Yoh, Renz long time no see.” bati ditto ni Jake at nagbungguan ng kamao.

“`Buti naman at napadalaw ka ditto matagal na nung huli kang nakapunta ditto ah.”

“Busy.” simpleng sagot nito na napataas ng kilay ni Renz.

“Really huh?” walang kompiyansang tanong nito “To your business or your “other” business.”

Isang ngisi lang ang tinugon ng loko. ”Anyway how do you know Rizza?” pag-iiba nito sa usapan.

“Highschool friend ko si Rizza, matagal-tagal na rin kaming magkakilala.”sagot ni Renz.

“Scholar ako dati sa school nila kaya ako nakapasok sa isang private school.” Pagpapaliwanag pa ni Rizza.

He see a lit of amusement on his other friends, kung tutuusin kasi napakaganda nito ngayon kung ikokompara ito tuwing nasa office nila with her usual attire. Pero bakit tila naiinis siya sa klase ng pagkakatingin ng mga ito sa sekretarya niya?

“Anyway ano nga pala ang pinagtatalunan niyo kanina?” tanong ni Renz sabay baling kay Rizza.

“Nothing, ipapasipa ko lang si Sir palabas ng bar but since kaibigan mo siya nagbago ang isip ko.”sabi nito.

“You’re rude Rizza.”sabi ni Renz sabay ngisi.

He saw a playful grin in her lips “Yeah I know, anyway kukunin ko na muna ang order niyo.” Baling nito sa kanila.

Isa-isang nagsabi ng order ang bawat isa, siya naman ay isang light drinks lang ang inorder dahil may trabaho pa bukas. Kinuha nito iyon ang pumunta sa counter bar nakita niyang may isang babae ang lumapit ditto mukha magkakilala ang dalawa.

“This will be an interesting night.” Narinig niyang sabi ni Jake sa tabi niya habang nakatingin sa babaeng kasama ni Rizza. Kahit kailan talaga pagdating sa babae ay walang pinapalampas ang kaibigan niyang ito.

“Hey guys, alam niyo ba kung kailan darating si Vincent?”tanong ni Kenneth.

“Mamaya nandito na `yon.”sagot ni Jake

And speaking of the devil nakita nila ito sa papasok sa bar na agad namang sinenyasan ni Jake papalapit sa amin.

“What took you so long Vince?” bungad na tanong ni Andrei.

“I still have things to do bago umalis, kayo na nga nag nambulabog diyan kayo pa ang may ganang magtanong.” Sagot nito at umupo na.

“Bakit ba napaworkaholic ninyo ni `Ry try to relax a bit hindi maganda ang puro trabaho.”sabi ni Jake.

“Kaya tayo dyan nagkakasundo.” singit ni Kenneth at nakipagbunguan kamao ang mga ito.

Minsan talaga ang hirap intindihin ng mga kaibigan niyang ito, mayamaya pa ay napasin niya ang isang babae na papalapit sa kanilang table dala ang mga order.

“Hello, here are your orders.”sabi nito at inilagay ang orders sa table nila para ring pamilyar sa kanya ang mukha ng babae.

Agad niyang napasin na natigilan ito ng dumako ang tingin nito sa kanila.

”Long time no see my lovely Diana.” Sabi ni Jake na nasa tabi niya.

Nakita niya na napangiwi ang babae. ”Jake ang corny mo as in.” sabi nito.

Humagalpak naman ng si Jake ng makita ang reaksyon ng babae. “Minsan na nga lang tayo magkita babarahin mo pa ko.” ngingiti-ngiti nitong sinabi ang there’s really something weird with that smile. Hindi nga lang niya alam kung ano `yon. Hindi rin niya masyadong maaninag ang mukha ng babae dahil sa ilaw.

Nang matapos nitong ibigay ang mga order nila ay sinabihan silang darating pa yung follow up order nila at isang irap ang binigay nito okay Jake at isang ngiti sa kanila. Nakita niya ang isang pilyong ngiti na sumilay sa kaibigan niya at mukhang may kalokohan nanamn itong binabalak. Napansin niya ang isang babae na palinga-linga sa paligid mukhang may hinahanap ito.Pero nang napadako ang mga mata nito sa kinaroroonan nila ay bahagyang nanlaki ang mga mata nito at namutla `to at dali-daling umalis na bahagyang nagpakunot ng noo niya pero hindi na niya ito pinansin nagulat na lang siya nang may marinig siyang boses bata sa likuran nila.

“Wala na po ba?” tanong ng bata na biglang sumulpot sa likuran ng kinauupuan nila. Mga walong taon ang tantiya niya ng edad ng bata.

“Teka paanong napunta `yang bata dyan?” nagtatakang tanong ni Kenneth.

“Kanina pa po ako ditto sya nga po napansin ako eh.” Sagot nito sabay turo kay Vincent.

“Sandali nga lang paano naman nakapasok ang batang `yan ditto eh bawal `yon `di ba?”nagtatakang tanong ni Jake.

“Secret ko na lang `yon” sabi nito sabay ngisi sa kanila at nagpalinga-linga.

Napansin niya agad ang halos pagkakahawig nito kay Vince hindi niya malaman kung imahinasyon lang ba niya `yon o ang naobserbahan niya sa bata.

“Kung hindi mo sasabihin sa amin kung paano ka nakapasok papatawag kami ng guard para palabasin ka.” seryosong sabi ni Vince na matiim na tinititigan ang bata.

“Ahm... ano kas—“ sabi nito na naputol nang may pumatong na kamay sa ulo nito.

“Kasi pinagtataguan mo nanaman ang mama mo para `di agad ka niya pauwiin.” anang ng lalaki ng mag-angat siya ng tigin ito rin yung lalaking nakita niyang kasama ni RIzza.

“Ano ba `yan bakit ang bilis mo naman yata akong makita?” reklamo ng bata.

“Hindi ka kasi magaling magtago.” sagot nito.

“Hey, Renz ano `yan anak mo?” singit ni Jake sa usapan.

“Ulol! Inaanak ko `toh.” sikmat ditto ni Renz.

Tatawa-tawa lang ang kaibigan niya na itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Habang ang ilan ay iiling-iling lang, Mula sa peripheral view niya ay napansin niya si Rizza na nagmamadaling pumunta sa kanila.

“Ikaw talaga bata ka kung saan-saan ka nanaman nagpupupunta kanina ka pa hinahanap ng mama mo.”sabi nito.

“Sorry po.”sabi ng bata sabay yuko halata namang nagsisi ito sa kalokohan nito.

Bumuntung-hiningsa lang ito at nilapitan ang bata.binalingan sila nito at ngumiti “Pasensya na kayo sa kanya madalas talaga `tong mangyari kapag ayaw pa niyang umalis pasensya na talaga.” hinging-paumanhin nito. Sumulyap ito sa kanila at napasin niyang agad itong nagiwas ng tingin ng makita si Vincent, he don’t know if he’s observation was right or just a flicker of imagination. Muntik na siyang mapapalatak dapat sigurong umuwi na siya mukhang natatamaan na siya ng alak samantalang light lang naman ang `order niya.

“May I know his name?” narinig niyang tanong ni Vincent na tumutukoy sa bata.

“I guess it’s not your business anymore.” she mumbled and just like that he walked away with the kid.

For a moment there he really can’t understand Rizza for acting weird in front of them.

NANG makarating sila ni Vincent sa dressing room para sa mga band members napansin agad niya si Ynna na tahimik lang na umiiyak sa may sulok. Agad naman nila itong nilapitan at nang makita ang anak agad itong niyakap ang anak.

“Sorry po `Ma umiyak pa po kayo dahil sa`kin.” Sabi ng bata na halatang na guilty dahil sa ginawa.

Kumalas si Ynna sa anak at mabilis pinahid ang luha sa mukha. “Its okay anak just promise me na hindi na `yon mauulit okay?”

“Yes, `Ma.” sabay yuko ng ulo nito.

Agad niyang nakita ang ngiti sa labi ng kaibigan. “Go to your Tito Dan mamaya na lang tayo aalis since naman you have no class tomorrow.” sabi nito.

Nang marinig ito ng bata agad nagliwanag ang mukha nito at pinupog ng halik sa mukha ang ina dali-dali rin itong nagpaalam sa kanya, bahagya niyang ginulo ang buhok nito at hinayaang nang umalis kailangan kasi niyang kausapin ang kaibigan.

Nang makaalis ang bata isang nakakabinging katahimikan ang nagyari. Nabasag ito ng magsalita siya.

“Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan.” aniya pero tahimik lang ang kanyang kaibigan “I’ve seen Vincent Del Mundo outside kasama siya ng boss ko at kahit anong tanggi mo alam kong siya `yon magkamukhang-magkamukha sila.”

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan nito at nanlulumong napasandal sa kinauupuan nito. Halata sa mukha nito ang pagod. “Anong gagawin ko?” nanlulumong tanong nito.

“Hindi ko rin alam nasa sa iyo na kung ipapakilala mo sa kanya ang bata.”

Nakita niya ang pagtigas ng anyo nito. “I will never let that happen hindi na niya kailangan pang makita ang anak ko isa pa matagal na `yon I doubt kung makikilala pa niya ako.”

Napailing na lang siya sa nakitang anyo ng kaibigan.”Tama ka maaring hindi ka na niya makikilala pa pero bakit ikaw after all these years ay nakilala mo agad siya by just one glance at him?” nakataas ang kilay na sabi niya.

Saksi siya kung paano naging miserable ang buhay ng kaibigan dahil sa lalaking `yon pero hindi niya alam kung bakit mas gusto niyang makilala ng bata ang ama nito. Marahil naawa siya sa inaanak niya at siyempre sa kaibigan. Ilan taon na rin itong nagdusa at saksi siya kung gaanong kasakit para sa kaibigan na iniwan ng minamahal nito. Sa palagay niya ay maykarapatan ang lalaki na makilala ang anak na halos pinagbiyak na bunga. Pero wala rin naman siyang magagawa kung iyon ang desisyon ng kaibigan.

“Ikaw ang bahala `tutal naman malaki ka na at alam kong kaya mo nang mag-isa ang lahat.” Sabi na lang niya.

Noon napakahina ng loob ng kaibigan niyang iyon pero simula ng matutong tumayo magisa ay nakaya na nitong lagpasan ang anumang problema and for the past years she know that her friend had grown up to a strong woman. Kung ano man ang magyayari sa buhay nito siguradong magiging maayos din ang lahat sa huli. Kaya sa ngayon ay hindi na muna siya makikilam sa problema ng kaibigan.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Three

NAGHIHIKAB si Rizza ng matapos na ang ginagawa nitong report. It has been two weeks nang huling magkita-kita silang magkakaibigan at simula nun ay madalas na siyang kinukulit ng mga ito sa cellphone niya at kahit minsan puro kalokohan lang ang mga pinagsasasabi ng mga ito palagi naman siyang napapangiti. Sumulyap siya sa wristwatch niya at nakita niyang magaalas-nueve na ng gabi at mukhang uulan pa yata dahil kanina pa siya nakakarinig ng kulog.

Tinignan niya ang office ng boss niya hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito umaalis at napapansin niyang mas lalo pa yata itong naging workaholic kay sa sa dati noon kasi ay alas-dyes ito palaging umaalis pero nung mga nakaraang lingo ay palagi na lang itong late kung umalis. Nagpasya na siya na umalis para naman hindi na siya abutan pa ng ulan. Magpapaalam na lang muna siya. Inayos na niya ang mga gamit niya at kumatok sa pintuan.

“Come in.” narinig niyang sagot nito.

Binuksan na niya ang pintuan at nakita niya kung gaano karami ang ginagawa ng boss niya dahil sakop na ng mga papeles nito ang buong mesa nito.

Nang nag-angat ito ng mukha ay hininto muna nito ang ginagawa ng makita siya.”What can I do for you Miss Cuevas?” pormal nitong tanong.

“Magpapaalam na po ako Sir past nine na po kasi.” sabi niya.

Bahagayang kumunot ang noo nito ng sipatin ang relo nito na para bang noon lang nito napansin ang oras.”Okay you may go.” pagkasabi nito ay lumabas na siya.

Saktong paglabas niya ng gusali ay saka bumuhos ang ulan. “`Asar naman bakita ngayon pa?” inis niyang sambit sa sarili hindi pa naman siya nakapagdala ng payong.

Isang oras ang halos siyang nakatayo sa harap ng establishment nila pero hindi man lang humina nag ulan. Nagulat na lang siya ng may huminto na kotse sa harapan niya at siguradong sa boss niya ang sasakyang `yon at hindi naman siya nagkamali dahil nang bumaba ang bintana ng sasakyan ay mukha ng boss niya ang nakita niya.

Gosh! Ang gwapo niya. Sabi niya sa sarili. `Di naman niya kinakaila na attracted siya sa monster boss niya pero tuwing naiisip niya ang estado nilang dalawa sa buhay ay agad na nawawala ang pa dedaydream niya sa amo.

“Get in,”namalayan na lang niyang sabi nito ng hindi tumitingin sa kanya.

“Huh?” parang tangang tanong niya.

“I said get inside the car Rizza.” ulit nito na bahagya nang nakakunot ang noo at pag ganoon na ang gesture ng amo niya alam na niyang naiinip ito.

Dahil sa nakita niya ay dali-dali na siyang pumasok sa loob. And when she entered the car she imidiately smell that masculine scent her boss have. At nang maisip niya ang nangyari nalaman niyang first time na nirinig niyang tawagin siya ng boss niya sa pangalan niya kaya lihim na lang siyang napangiti.

“`San ang daan papunta sa inyo?” sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa daan, maang na napatingin na lang siya ditto. Pero kahit ganon ay napansin niya ng supil na ngiti sa labi nito at kung haharap lang ito she was sure she can see a lit of amusement in his eyes. “Ihahatid na kita sa inyo.”

Nang hindi siya sumagot at nang marealize niyang para siyang tangang nakamaang ditto. Minabuti na niyang ituro kung saan sila pupunta nang mawala ang kung ano-anong mga kalokohan na pumapasok sa isip niya. Tahimik lang siya sa buong biyahe at nang makarating sila sa bahay niya ay patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan. Nakita niya ang tatay niya na nagaabang sa bukana ng bahay nila dala-dala ang payong marahil para na rin sa kanya. Bago siya bumaba ay nilingon na muna niya si Ryan.

“Sir ang mabuti pa pumasok na rin kayo sa loob `di rin kasi kayo makakauwi agad dahil sa baha po sa labasan ng subdivision namin pag ganito kalakas na ang ulan.” Sabi niya sa amo. Tahimik lang ito na para bang nagiisip maya-maya lang ay tumango na ito sa pagkagulat niya.

Nauna na muna siyang bumaba agad naman siyang nilapitan ng tatay niya upang bigyan payungan. Nang makapasok na siya sa bahay ay nilapag lang niya ang gamit niya ang nagmamadaling lumabas.

“O Rizza `san ka nanaman pupunta?” nagtatakang tanong sa kanya ni Aling Ida.

“Kasama ko po si Sir ditto na muna siya magpapatila ng ulan kasi `di rin naman siya makakaalis agad.” Sagot niya at nagmamdaling lumabas.

Pagkatapat niya sa pinto ng kotse ng boss niya ay agad itong sumilong sa payong niya. Hindi niya alam kung bakit pero bumilis ang tibok ng puso niya ng magkasukob sila sa payong idagdag pa ang mabangong amoy nito na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso niya daig pa niya ang nakipagkarera sa sobrang bilis ng puso niya

Nang makapasok na sila sa bahay ay tyaka lang niya nalaman na kanina pa siya nagpipigil ng hininga at nang magkalayo na sila dun lang niya pinakawalan ang hangin na pinipigilan niya kanina. Nakita niya itong nagtanggal ang coat at napasin niyang bahagya na itong nabasa sa ulan.

“Mabuti naman at nakauwi ka na rin Rizza .” bungad ng kapatid niya na si Rick habang may hawak na kape sa kamay nito galing sa kusina. Napakunoot ito ng noon nang mapansin si Ryan sa tabi niya.

“Good evening pasensiya na sa istorbo.” Bati ni Ryan sa kapatid.

Nagtatanong na tingin ay pinukol sa kanya ng kapatid kaya agad na pinakilala niya ito sa binata.”Kuya Rick boss ko si Sir Ryan, si Kuya.” Pakilala niya sa dalawa.

Nagkamayan ang dalawa at bigyan ito ng Kuya niya ng kape na hawak-hawak nito at dumeretso ulit sa kusina para siguro kumuha pa ng kape para sa kanya.

Pinaupo na muna niya sa sala ang binata. “Sandali lang po Sir magpapalit lang ako ng damit.” paalam niya ditto na sinuklian lang ng bahagayang tango. Kahit kailan talaga ang tipid magsalita ang amo niyang ito.

Nagsuot siya ng loose t-shirt at cargo shorts her usual get up pag nasa bahay lang siya. Narinig niya ang kapatid na si Roland na nagtatanong ng kung ano-ano sa binata daig pa nito ang interrogator kung makapagtanong.

Nang makababa na siya agad niyang sinita ang kapatid. “Roland wag ka ngang magtanong ng kung ano-ano diyan kay Sir baka kung ano pa ang isipain niya diyan sa mga tanong mo.” Sabi pa nito at nang pandilatan niya ito ay ngingisi-ngisi lang ito na pumunta sa kusina nang tawagin ito ng nanay nila..

“Pasensya na kayo `ron Sir masyado talaga `yon maloko kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi.” nahihiyang paliwanag niya ditto pero nang tignan niya ito ay isang ngiti lang ang sinagot which give her a weird feeling in her stomach pero ngumiti lang siya ditto.

“Gutom na po ba kayo Sir? Kung gusto niyo po kumain na po muna tayo habang nagaantay na tumila ang ulan.” Alok niya isa pa alam niyang hindi pa ito naghahapunan dahil abala ito sa trabaho sa loob ng sariling office nito. Nagbakasakali na rin siayng tanggapin nito ang alok niya. Alam na kasi niya ugali nito at usually ay lagi itong tumatanggi sa mga alok niya.

“Sure actually I’m starving at sa naamoy kong luto ng nanay mo ay lalo lang akong nagugutom.”sagot nito at nakangiting bumaling sa kanya na iknagulat niya lalo pa at parang ang gaan ng pakiramdam nito isama pang ngayon lang niya nakitang ngumiti ito sa ilang taon na pagtatrabaho niya sa kompanya nito and he has a very disarming charm.

“So let’s go?”tanong nito na naging dahilan ng paiinit ng pisngi niya siguradong nakita nito ang pagkatulala niya.

Nakakahiya ka Rizza! Parang ngumiti lang ang boss mo natulala ka na diyan. tuya ng isang bahagi ng isip niya

Eh, sa ngayon ko lang siya nakitang ngumiti magagawa ko? Pagtatangggol ng kabilang bahagi.

Sila sa kusina pero hindi na niya ito kinibo tahimik lang siyang nagmasid nang inhihanda sila ng makakin ng nanay niya.

“Pasensya na` eto lang ang nakayanan namin.” Sabi ni Aling Ida. Habang binababa ang sinigang na isda sa lamesa. Hindi naman niya maiwasang matakam sa pagkain dahil `yon ang paborito niyang ulam. Kaya nang magsalita ang binata tiyaka lang niya ito pinagtuunan ng pansin.

“Ayos lang po ito actually namimiss ko na rin ang lutong bahay.” Sagot ng binata at maganang nagsimulang kumain.

Pero nang magsimula naman itong kumain hindi niya mapigilang maamuse ditto kung paano nito inihihiwalay ang tinik ng isda. Para pa rin kasi itong hari kahit na simpleng putahe lang ang nakahanda sa harapan nito. Halata `ring nagustuhan nito ang luto ng nanay niya dahilnakailangsandok ito ng kanin.

“Aren’t you going to eat.”sabi nito with an amused smile on his face malamang nakita nito ang pagtitig niya.

Bahagya siyang yumuko para hindi nito makita ang pamumula ng mukha niya habang nagsimula na siyang kumain and her face turned redder when she heard his soft chuckle. Mukhang napansin din nito ang pamumula ng mukha niya pero hindi na rin ito nagsalita pa at patuloy na kumain.

Nakita niyang na papangiti ang nanay niya dahil na rin sa sobrang ganang kumain ng boss niya marahil dahil na rin sa pagod ay naparami ang kain nito pero alam niyang natutuwa ang nanay niya dahil hindi ito tipikal na mapili sa pagkain.

Nang matapos kumain ay iginiya niya ito sa sala.

“I’m so full hindi na yata ako makakalakad.”sabi nito ng makaupo sila sa sofa.

“Masyado po yata kayong napagod sa trabaho kaya naparami ang kain niyo.” Sabi niya ditto habang nakatingin sa mukha nito. Ngayon kasi parang napakarelax ng mukha nito hindi katulad pag nasa trabaho sila na palagi na lang itong nakakunot ang noo.

“Actually ang sarap talagang magluto ng nanay mo kaya siguro naparami ang kain ko.” Puri nito sa luto ng mama niya.

“Pwede ka namang dumalaw ditto ulit kung gusto mong matikman pa ang iba pang luto ko.” Sabi ni Aling Ida na kalalabas lang sa kusina.

“Sure pag nagka free time ulit po ako dadalaw po ulit ako ditto pero baka naman po maubusan ko kayo ng ulam niyan.” Biro nito.

“`Sus ayos lang `yon isa pa parating marami ang sinasaing ko dahil sa matatakaw na kapatid niyang si Rizza.” Sgot naman ni Aling Ida.

“`Nay naman binubuking mo nanaman kami ah.” Sabi ng Kuya Rick niya na papababa sa hagdan kasama ni Roland.

“Teka `di ba’t may pasok ka pa bakit gising ka pa?” nakakunot noong tanong niya sa kapatid pero ngitian lang siya nito, ngising aso mukhang may binabalak na kalokohan ang kapatid niyang ito.

“Ano ka ba Ate weekend bukas kaya walang pasok.” Sagot nito sa kanya.

“Oo nga pala nasa mesa na yung pagkain mo Rick kumain ka na sigurado namang bukas pa uuwi si Ruell dahil graveyard shift daw siya ngayon.” Singit ng nanay niya sa usapan.

Nagpunta naman ang Kuya niya sa kusina at nagpaiwan si Roland sa sala ang nanay naman niya ay nagpaalam na pupunta na sa kwarto dahil napapagod na ito.

“Kuya Ryan may girlfriend ka na ba?” diretsahang tanong ni Roland.

“Roland!” saway niya sa kapatid.

“Bakit eh sa nagtatanong lang naman ako masama ba?” inosenteng tanong nito. Pero halata namang may binabalak itong kalokohan.

“Kahit na wala ka nang pakialam kung meron man siyang girlfriend o wala.” Katwiran niya.

“It’s okay Rizza wag mo na siyang pagalitan.” Sabi sa kanya ni Ryan

“So may girlfriend ka na nga ba?”ulit na tanog nito.

“As far as I know wala pa naman akong girlfriend.” Sagot nito.

“Pero dati meron?” pangungulit pa ng kapatid niya.

Gusto na talaga niyang batukan ang kapatid niya kung hindi lang dahil kay Ryan nakakahiya kasi ang magtanong tungkol sa personal life ng binata samantalang hindi naman niya ito kaibigan para tanungin ito ng mga ganoon.

“Meron naman pero nawalan na ako ng time dahil sa trabaho kaya naman hindi ko na rin sila naasikaso kaya sila na ang kusang nakikipagbreak.”

“Meron ka bang sineryoso sa kanila?” tanong pa nito na daig pa ang interrogator kung magtanong gusto na talaga niya itong pukpukin ng kahit na naong bagay na mahawakan niya sa sobrang inis niya ditto kaso nga lang hindi niya magawa dahil sa presensya ng binata.

“May ilan pero nung magstart na ako sa Company namin ay hindi na ako usually nakikipagdate.” Sagot nito.

Panaka-naka lang siyang sumasali sa usapan ng dalawa nawiwili rin na rin kasi siya sa mga impormasyon na nakukuha niya ditto. Sa tagal kasi nilang magkatrabaho ay ngayon lang niya personal na nalaman ang mga bagay na tungkol ditto katutad ng kung ilan ang mga kapatid nito saan ito nakatira at kung ano-ano pa.

Namalayan na lang niya na tumila na ang ulan ng lumingon siya sa may bintana. Agad namang nagpaalam ang binata na aalis na. Huminto sila sa may gate ng bahay nila.

“Sir kung gusto niyo po ay ditto na lang kayo matulog isa pa gabi na rin ho baka kung mapaano pa kayo sa daan.”alok niya ditto

“No it’s okay masyado na kong nakakaabala sa inyo and by the way I enjoy your family sana pwede ako ulit makadalaw ditto kung pwede sa yo.”

“Ayos lang `yon Sir kung kaya niyo pong ihandle ang kakulitan ng kapatid ko.”biro niya ditto.

She heard him chuckle na kahit noon ay hindi niya naririnig mula ditto. “Kaya ko naman siguro isa pa nakakatuwa ang kapatid mo ngayon lang ako nakakita ng binatilyong daig pa ang interrogator kung magtanong.” Sabi nito.

Muli ay pinammulahan siya ng mukha nakakahiya talaga ang kapatid niyang iyon pero salamat doon ay kahit papano ay may nalaman siyang impormasyon tungkol sa binate pero masyado pa ring nakakahiya ang nagyari.

“Sorry po talagaa sa inasal ng kapatid ko `di bale po pagsasabihan ko na lang.”

“Nakakatuwa nga ang kapatid mo I had really fun so aalis na ko.” Pagtatapos nito sa usapan.

“Sige Sir ingat na lang sa daan.” Sabi niya.

“Okay goodnight.”sabi nito sabay yuko at kinintalan siya ng halik sa pisngi.

Hanggang sa makaalis ito ay wala siyang katinag-tinag.

HE COULDN’T help but smile kung paano hindi na kumibo si Rizza ng hagkan niya ito sa pisngi. He really had a wonderful time whe he was warmly welcomed by her family. Maswerte ang lalaki na mapapakasalan nito.

Bahagyang nangunot ang noo niya sa naisip bakit nga ba nasagi sa isip niya ang bagay na `yon? Napailing na lang siya marahil sa sobrang pagod niya kaya kung ano-ano na lang ang naiisip niya. Pero dahil sa sarap magluto ng nanay ni Rizza, masarap sigurong magkaroon ng ganon na ina, aminin man kasi niya o hinid ay hindi siya malapit sa mga magulang noon pa man so its kinda refreshing to feel that kind of warmth coming from another mother.

Ngayon naman na may trabaho na siya at ang nakakabatang kapatid niya ay hindi na niya masyado pang napagtutuunan ng pansin ang mga magulang though dumadalaw-dalaw siya sa mga ito paminsan minsan but that’s all.

Pero dahil sa biglaang pa leleave ng pinsan niyang si Vincent kaya naman hindi niya magawang makapagrelax. Pero kahit siya ay nanibago nang magawa niyang makipagbiruan at makipagusap ng magaan sa kapatid ni Rizza na Roland pala ang pangalan. Mabilis siyang na at home sa bahay ng mga ito kahit na simple lang ang bahay ng mga Cuevas ay halatang kontento na ang mga ito sa buhay napasin din niyang hindi man lang nailang ang mga ito kahit na nalaman ang mga ito na boss siya ni Rizza they treated him as an ordinary visitor hindi katulad ng mga taong konti na lang ay humalik na sa mga paa niya just to please him. Kaya na natuwa talaga siya dahil once in his life he was treated as a normal person na matagal na niyang gusting maranasan. As a son of a business tycoon lahat ng tao sa paligid niya ay laging mataas ang expectation sa kanya. Sa mga kaibigan nga lang niya nagagawang magpakita ng totoong ugali na nasa loob bang kulo.

He just smile at the thought noon pa man ganoon na siya to intimidate person around him para ipakita ang authorative niyang side at hindi ang isa pa niyang side na soft spoken at palangiti.

He just can’t wait for tomorrow to come siguradong magiging interesting ang susunod pang mga araw.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Four

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Five

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Six

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Seven

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Eight

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Nine

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Ten

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Serene Michaels's other books...