Broken by: Tabx.

 

Tablo reader up chevron

Chapter 1.

[Raizo’s POV]

Kakalapag lang ng eroplano kasalukuyan akong nasa Mumbai, India to close a deal. Lumapit ako sa taong nakahawak ng isang papel na meroong pangalan ko. Every time it’s a different name.

“You Mr. Carlos Santoso?” tanong niya sa akin ng makalapit ako sa kanya. Halatang hindi magaling ito makipagusap sa English.

“Yes.” Simpleng sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang dala kung maleta. Matapos niyang ilagay sa trunk ng sasakyan pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Ang byahe ay tahimik dahil walang nagsasalita kahit isa man sa amin, just the way I like it. Tumingin ako sa bintana ng sasakyan. Ang daming tao, sometimes this place is worse than Manila.

Tumigil ang sasakyan sa labas ng isang hostel. Pinababa lang niya ang lahat ng gamit at mabilis na umalis. Tiningnan ko ang lugar, kung saan ako mananatili. Shsss... hindi talaga marunong kumuha si Allan ng magandang lugar, but this place will do being in a crowded place has its benefits.

Pumasok ako sa loob. All eyes turned to me. Lumapit ako sa matandang nasa reception desk.

“You got reservation?” He ask.

“Yeah Carlos Santoso.”

Tiningnan niya sa record book niya.

“Room 13.” sabi niya sa akin habang binibigay ang susi. Kinuha ko ang susi at pumunta na sa silid na sinabi nito.

Pagbukas ko ng kwarto ay kulang nalang walang laman ang buong silid. Meroong isang kama na malapit sa nag-i-isang bintana kung saan makikita ang mga taong nagkakagulo sa labas. I checked the bathroom, kung may tubig, meron naman. Good, kaya napagisipan ko kung maligo muna ako. Pagkatapos I unpacked my staff. Binuksan ko ang lahat ng bag na dala ko walang lamang damit ang mga iyon maliban sa sinusuot ko ngayon ay wala na akong dala. Guns with different caliber dinala ko rin ang favorite weapon ko the knives.

Pagkatapos kung ayusin ang lahat I started my laptop. Pag-a-aralan ko ang lugar kung saan kami gagawa ng exchange nang magring ang cellphone ko.

“Raizo?” Boses iyon ni Allan isa sa twins ng mafia and one of the most feared in the field of cybercrime that involve hacking international companies.

“Allan what is it?”

“I just wanted to check if the accommodations were made.”

“Yeah it was. Kamusta si Miss Ella?”

Ilang araw lang din ang nakalipas mula ng nagising siya. Kahit hindi pa stable ang lahat ay kailangan back to business ang buong mafia.

“Ganun pa rin under recovery pa rin.”

“Anong sabi ng mga Doctor.”

“On the way to full recovery.”

“Good.”

“Rai mag ingat ka. Mr. Khan is bastard in doing business. Iisipin niya isa kalang tauhan ni Boss.”

“Am I not Allan. Lahat naman tayo ah.”

“Raizo, are we not family.”

Family? Kahit kailan ay wala ako niyan. The people that should have protected me are the main reason why I bare this scars. Wala akong taong tinuturing na pamilya. I am grateful for what the mafia has done. Utang ko sa kanila ang buhay ko kahit na ba sabihing, nabubuhay ako sa dilim.

“Whatever Allan kailangan ko nang magpahinga. I have to meet with them tomorrow.”

“Alright. Basta mag ingat ka or else baka kabaong ka na umuwi dito.”

I pushed the end button. Humiga ako sa kama at kahit ayuko ay naiisip ko ang nakaraan.

Narinig ko ang pag aaway nilang dalawa. Natural nalang sa akin ang marinig ang passisigawan nila at maya-maya pa ay kagaya ng dati pumasok siya sa kwarto ko ng lasing na lasing hindi na siya makalakad ng diretso.

“Rai lumabas ka na Rai, lapit kay mommy.” Malamabing na sabi ng aking ina.

Pero hindi ako lumabas. Nanatili akong nakatago sa loob ng cabinet. Napa atras pa ako sa bawat kalabog na naririnig ko.

“Bwesit ka na bata ka lumabas ka na! lagot ka sa akin pagnakita kita.”

Pagkasabi niya nun ay bumukas ang pinto ng cabinet. Pagkabukas ng cabinet ay mabilis akong lumabas ininda ko ang sakit ng naghihilum ko pang mga sugat pero hindi ako ganun kabilis para maka alis.

“At tatakbo ka pa ha!”

Kinuha nito ang unang bagay na mahawakan nito ang masama ay isang bote iyon ng Red Horse. Pinalo niya ako sa likod at nabasag iyon na tumba ako sa sahig nahawakan ko ang ilang bubug na nasa sahig dahilan upang dumugo ang aking mga kamay.

Pinilit kung huwag maiyak. Kinagat ko ang labi ko kahit na dumugo pa ito pero ng tinapakan niya ang likod ko at sinipa niya ako, napasigaw na ako sa subrang sakit.

“Tumahimik ka.” Sigaw niya sa akin.

Nakita ko na kinuha nito ang isang pang bote ng alak at narandaman ko nalang ang sakit sa ulo ko at nanilim ang aking mga paningin. Pagkagising ko hinawakan ko kaagad ang ulo ko narandaman ko ang kirot, napangiwi ako. Pagtingin ko sa kamay ko ay meroon nang dugo.

I slowly got up but because of the pain hindi ako makalakad kaya natumba rin ako ulit. I literally crawled my way to the bathroom. Isang araw ay aalis ako at hindi na babalik. Iiwan ko ang buhay na ito. Yun ang palaging nasa isip ko. The first chance I get ay aalis ako at hindi na babalik.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I looked like trash my face was full of bruises and my hair has dried blood. Lininis ko ang aking sarili bawat hawak ko sa aking pasa at mga sugat ay napapangiwi ako sa sakit.

Bumaba na ako sa kwarto ko. Nakita ko si mama na nakahiga sa sahig, lasing pa rin. Mga bote ng alak ay nakakalat.

“Raizo nandiyan ka na pala.”

Sabi sa akin ng bagong kinakasama ng mama. Mas gusto ko siya kesa dun sa mga nauna sa kanya.

“Bakit?”

“Dalhin mo ito. Wag mong ibibigay na walang bayad at tumakbo ka pag nakakita ka ng parak. Kuha?”

Tumango ako.

Kinuha ko ang bag. Alam ko na drugs ang laman nun I really don’t care. Kinuha ko ang jacket at sinuot iyon para hindi makita ang mga pasa na meron ako.

“Alis na ako.” Sabi ko sa kanya.

Lumabas na ako sa bahay namin. This place is a ghetto, may naiinuman sa kanto at sa kabila naman ay may nagsusugal mga batang walang damit na nagtatakbuhan. Isang kahig isang tuka yun ang mga tao rito, sanay na kumapit sa patalim upang mabuhay at ganun din ako. Mabilis akong umalis. Pinuntahan ko ang tagpuan. Pumunta sa ilalim ng tulay kung saan ko palagi dinadala ang mga druga.

Naguumpisa nang magdilim pero wala pa rin. Magkaialang beses na akong naghikab pero wala pa ring na tumitigil sa harap ko. Aalis na sana ako ng makita ko ang isang sasakyan na tumigil mismo sa harap ko. Sila na ba ang hinihintay ko?. Ang gandang sasakyan halatang mayaman ang nagmamayari nito. Lumabas dito ang isang lalake. Mayaman.

“Ikaw ba si may dala?”

Tumango ako. Linabas niyo ang kamay niya expecting me to give it to him. Napaatras ako meroon siyang baril. Hindi ganun ka rami ang mga taong meroong mga baril ang pumupunta rito kadalasan ay mga katulad ko na tambay pero iba ang lalaking ito.

Nakita ko na bumukas ang kabilang bahagi ng sasakyan at lumabas dito ang isa pang lalake na medyo bata kompara sa nasa harap ko ngayon.

“Boss bakit kayo lumabas?”

Sabi ng lalake na kaharap ko. He was scolding the man but the man only laughed.

“Naiinip na ako sa loob.”

“Na saan na?” bumaling ulit ako sa lalake na nasa harap ko.

“Ang pera?” sabi ko sa kanya.

“John give him the money para matapos na ito at dagdagan mo na rin para makabili ang bata ng gamot niya.”

Tiningnan ko siya. Nakita niya ang mga sugat ko? Pero paano?

Kumuha ang lalake ng pera sa sasakyan at lumapit naman sa akin ang isa pa. Pagkatapos niyang ibigay ang pera sa akin akala ko at aalis na sila pero ang ginawa ng lalake ay hindi ko inaasahan.

He let out his hand expecting mo to shake it. Tiningnan ko ang kamay ko na marumi pinunasan ko iyon at kinamayan rin ang lalake.

“Nice doing business with you. Ako si Franco at yung old grump naman na kasama ko ay si John.”

Hindi ko binigay sa kanya ang pangalan ko mabilis kung binitawan ang kamay niya at tumalikod at tumakbo pa alis.

Nang mga panahon na iyon hindi ko inaakala na ang lalaking nakilala ko noon ay siyang gagawa ng daan na tatahakin ko habang buhay.

A week after na makilala ko si Franco, isang malaking but-bust ang nangyari.

“P*ta mga parak nandiyan na!”

Nagkagulo sa buong barangay dahil sa hindi inaasahang raid. Nahuli ng araw na iyo sina mama at ang kinakasama niya paglabag sa RA 6425 o Dangerous Drugs Act of 1972 ang nagging kaso nila at ang hatol ay panghabang buhay na pagkakakulong at ako naman ay napalaboy-laboy sa daan hanggang ay madamput ako at ipinadala sa isang bahay ampunan.

“Raizo halika.” Tawag sa akin ng madre.

Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa labas ng kombento.

“Sir eto po siya?”

Tiningnan ko ang lalaking kinausap ni sister. Nakita ko na siya. John pero bakit siya nandito.

“Thank you sister.”

Tiningnan ako ng madre. Hinubad nito ang suot nitong rosaryo at sinuot sa akin. Hinalikan ang noo.

“Always have faith Raizo.”

Umalis na siya at naiwan kaming dalawa.

“Sumama ka sa akin.”

Sinundan ko siya hanggang marating kami sa sasakyan niya.

“Sakay na magpapaliwanag ako habang nasa daan tayo.”

Sinununod ko siya. The moment I step in the car my faith was sealed.  I belonged to the mafia an international criminal organization that runs drug trade, human trafficking and other transnational crime. Noong mga panahon an iyon hindi ko pa maintindihan ang mga nangyayari at sumabay lang ako sa agos.

My daydreaming ended dahil sa malaks na katok sa pinto ko. Sino kaya ito?

 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2.

[Raizo’s POV]

Maynarinig akong katok sa pinto kaya bumangon ako. I grab my knife. Hindi ko tuluyang binuksan just enough na makita ko ang kinakausap ko.

“What is it?”

“Visitor waiting in the lobby.” Sabi niya at umalis na din kaagad.

Kumuha ako ng t-shirt at sinuot iyon tapos bumaba na ako. Sino naman kaya iyon? Ang nakakaalam lang na pumunta ako rito ay ang member ng  Scarletti family. Bumaba ako at pumunta sa lobby nang una hindi ko pa siya nakilala pero nang lumapit ako ay nakilala ko kaagad siya.

“Adikavi what are you doing here?”

Ngumiti ito sa akin. “Carlos hey.”

Lumapit ito sa ang hugged me. “Meet me outside. We can’t talk here.” Bolong nito sa akin at mabilis na umalis. Five minutes since he left sumunod ako sa kanya.

I saw him drinking coffee.

“So it’s Carlos now? Ever thought of using your real name.”

Kahit kailan basta out of the country assignments hindi ko ginagamit ang pangalan ko. I have used over a hundreds of names.

“It’s too dangerous.”

“Sure it is Carlos. Last time we meet your name was Edward. How many name can a guy like you use?” he said shaking his head.

 “What do you want?”

“I came to warn you about this deal. The name Khan is raging havoc in the underground, fear grips people in the mere mention of his name.”

“If you’re trying to scare me stop now. I came here to make the exchange and if he somehow tries anything I have approval from the boss to kill him beside how did you know about this deal.”

“Cocky as ever Carlos but just be careful and here if you need my help.” Binigyan niya ako ng isang kaperasong papel na meroong numero. I put it in my pocket. “I knew because he was boasting about it. Maybe all of India’s underground society knows.”

“That will be in my favor then if he tries anything stupid with me all will know the effect and other won’t follow the like of him.”

“I can transport you to the airport safely and there you can leave.” Sabi niya.

“Thank you.”

“Good luck Dog.”

“I don’t need it.”

Tumayo siya at umalis na. Nakatingin ako sa linabasan niya na pinto alang minuto pa ay umalis na rin ako.

Ang araw ng exchange ay dumating. Pumunta ako sa sinasabi nilang lugar an old abandoned warehouse, typical kagaya ito ng mga nakikita sa mga movies. Linapitan ako ng dalawang lalake.

“Did you bring it?”

Pinakita ko sa kanila ang dala kung bag na may laman ng shabu. I have made billions of deals simula ng bata pa ako and this kind of stuff is like a walk in the park. Inakay nila ako papasok sa loob ng building. Walang laman ang buong lugar maliban sa mga bantay left and right. Everyone was armed. 

“Are you Carlos?” Tanong sa akin ng lalake na naka itim, he did not look Hindu to me pero ang lalake na nasa likuran niya I guest he is Mr. Khan.

Tumango lang ako at linibot ang paningin ko sa buong lugar. A total of fifty men all in all ang nakikita ko.

“Did you bring it? Show me?”

“I want to talk to your Boss.”

Nagkatinginan ang dalawang lalake. Tumayo ang nasa likuran niya.

“You have guts I tell you that. Now where is it?”

“Give it to me first.”

He snapped his fingers. From the corner of my eyes I saw one of his goons move may dala ito.

“Sir.”

Binuksan ni Khan and showed me the money. Inutusan nito ang isa sa tauhan na ibigay sa akin. We did the exchange.

“Nice doing business with you.”

Tumango lang ako at umalis na.nang makalayo ako sa building ay kinuha ko ang cell phone ko. May magkailang ring bago may sumagot.

“Adikavi it’s me.”

“What do you want?”

“I need a ride; I’m taking your offer.”

“Why.”

“Cause I don’t trust Khan I have a feeling that he’ll do something.”

“Playing on the safe side then. Ok.”

Sinabi niya sa akin ang lugar kung saan kami magkikita at agad naman akong pumunta dun. I can’t stay here another night. Madilim pa ang ng dumating ako sa lugar na sinabi ni Adikavi. A man with a flash light ang lumapit sa akin.

“You Carlos?”

I nodded alam ko na isa siya sa mga tauhan ni Adikavi.

“Come. The boss is waiting for you.”

Lumakad kami hanggang makarating kami sa isang parking lot.

“Adikavi?” tawag ko sa kanya.

“Carlos. So what do you think of Mr. Khan.”

Tumawa ako sa kanya.

“Like you said a bastard of a man.”

“See I told you.”

“We made a deal I give him the drugs I get the money.”

“Yeah yeah… there are reason why I call you a dog. Shss.. you’re like robot who only do what his masters say.”

“Shut up Adikavi.”

“Ok that baby right there is your ride. You know how to drive that thing right?”

Tinuro nito ang isang ang lumang sasakyan.

“I already informed my men to let you pass. When you reach the airport discard the vehicle.”

“Alright.”

Sumakay na ako at pinaandar ito. When I reach airport sinunod ko ang sinabi ni Adicavi sa akin, iniwan ko ang sasakyan.  Pumunta kaagad ako sa airport para makakuha ng ticket pabalik. When my phone rang.

“What is it?”

“Nasan ka Rai.”

“Airport.”

“Akala ko ba meroon kang delivery na gagawin.”

“Natapos ko na.”

“Ok, the boss said deposit the money to a bank.”

“Ok.”

“Ahmm… Rai gusto ni boss na pumunta ka ng Japan be his representative may party ang mga yakuza.”

“Anong nangyari?”

“Something about expanding territory.”

“Ok.”

“Thank you Rai.”

“Walang ano man.”

Change of plans then. I deposited the money at lumipad papuntang Japan. Nakarating din ako sa wakas. Time to meet up with the Yakuza. I went to Kobe to meet up with the Yamaguchi-gumi the biggest yakuza family in Japan.

“Welcome Sir.” Sabi ng babae sa akin ng makarating ako sa isang mansyon nila.

“Inu” tumingin ako sa tumawag sa akin. In Japan my name is Inu in English it means dog pinangalan sa akin ni Ryuu the oyabun or family head ng Yakuza.

“Takeshi”

Lumapit ito sa akin.

“You came. When Allan called saying you would come Ryuu was very please. But Inu why do you look like trash.”

“I came from India and made a business deal. Takeshi if I could just take a shower I would see the Oyabun afterwards.”

“Certainly Inu. Yuki please escort Inu to the guest room.”

“Yes Sir.” The girl bowed.

“Follow me sir.”

Sinundan ko siya. This place never change simula ng huli ako rito pumunta. This is what I love about Japan the culture and tradition has greatly affected the people. Even until now.

Binuksan niya ang sliding door at pumasok ako. Akala ko ay walang tao pero meron pala. One of the maids I guess. May linilinis itong isang nabasag na bagay lumapit dito si Yuki she was scolding here I guess hindi naman ako nakakantindi ng Nippon-go. Parang iiyak na ang babae sa sinasabi ni ni Yuki sa kanya, I notice she was biting her lower lips para hindi siya tuluyang umiyak. Linapitan ko sila dahil alam ko that any minute ay dudugo ang labi niya and frankly ay gusto ko nang maligo.

“Yuki leave and let her finish that.”

“But si-”

“Leave Yuki.”

She bowed her head at umalis na ng wala ng sinasabi.

Lumapit ako sa babae up close she was cute I guess pero hindi ko talaga masabi dahil nakatago ang mukha nito sa mahaba niyang buhok. Her hair that was black and looks so soft, pinigilan ko lang ang sarili ko na hawakan ang mga iyon. I scolded myself bakit ko ba pinagkakainteresan ang babaeng ito.

“After your done leave.”

Aalis na sana ako ng may narandaman kung meroong humawak sa shirt ko. Tumingin ako sa babae. Nagkatinginan kaming dalawa. Her eyes was still watery at wala na akong ibang gusting gawin kung hindi ay alisin ang lungkot na nakita ko sa kanya. I shake my head.

“What do you want?”

Binitawan niya ang damit ko ang made symbol of some kind gamit ang mga kamay niya. What th-. Ano ang ginagawa niya? Hindi ko na siya pinansin at tuluyan na akong tumalikod para pumunta sa hot springs para maka-pagrelax. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ulit tingnan ang babae na iyon pero bumalik na ito sa paglilinis.

“Takeshi where is Oyabun?” I asked when I saw him.

“Hmm… I think he is having tea. Come on he wants to speak to you.”

Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa isang kwarto kung saan na doon si Ryuu.

“Oyabun Inu is here.”

Pumasok ako sa loob ng katatapos lang nito na with his tea.

“Inu welcome.”

Naupo ako sa harap niya.

“Ryuu it is nice to see you.”

“Same here.”

“So Inu do you want tea our Yuki makes the best tea.”

“I am fine. I only came here as a representative for the party.”

“Ah Yes I hear James has a family problem.”

“It’s all settled now.”

“Did he finally kill his brother?”

“Yes.”

”Good was about time.”

“So what business did you do before you came here?”

Hindi ko alam kung ano ang meron pero my pakirandam ako na hindi ito maganda. This man in front of me might be a dying old man pero hindi siya pwede baliwalain he held the yakuza together for how many generation. Ano ang gusto niyang malaman mula sa akin?

“Business with Khan.”

“The bastard who is starting a drug cartel in India.”

“Yeah that’s him.”

“I never understand the mafia’s of the north why you are so interested in drugs yet there is no money in it.”

“You prefer guns and human flesh as business then.”

The yakuza despises the usage or anything that involves drugs.  Mas nag focus sila sa paggawa ng mga armas and transporting it to different parts of the world pero ang pinaka kilala sila ay ang human trafficking saan ang laman ng tao ang pangunahing source of income.

“Yeah. There is more money there, especially business that involves humans.”

I just nodded.

“So Inu wanna play a game?”

“What game?”

Oicho-Kabu

“What’s the catch.”

“Well if you when I’ll grant you a wish and if I win you have to grant my wish.”

“Ok.”

Hindi ako ganun kagaling sa oicho-kabu ang alam ko lang ay parang black jack ang paglalaro nito. Nagsimula kaming maglaro ng una ay nahirapan pa ako, I’m not a gambler like the boss but in some weird kind of luck ay nanalo ako.

“Inu you have my word I’ll grant your wish.”

Sasabihin ko na sana sa kanya ang gusto ko ng magbukas ang pinto at pumasok ang isang tauhan niya na hila hila ang isang babae.

 

 

 

 

 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 3.

[Raizo’s POV]

Pumasok ang isa sa tauhan ni Ryuu dragging the girl that I first saw in my room. Ryuu at ang tauhan nito ay nagusap.

 “… Kanojo o korosu” he said.

The man dragged the girl away. She was crying and whimpering in fear.

“Oyabun?”

Tumigil silang lahat at tiningnan ako.

“I want her.” Tinuro ko ang babae.

“Inu are you sure?”

“Yes. I want her. Remember our deal Oyabun.”

“I know and I honor that.”

He signal the man to let her go. Binitawan naman kaagad niya ito. Tumakbo sa akin ang babae.

“Inu you can always give her back.”

Tiningnan ko ang babae she was scared and again that feeling in me. I patted her head this made her look at me and I was caught by her beautiful eyes.

“I won’t.” I told Ryuu not bothering to look at him.

“But Inu she is broken.”

“So am I Ryuu.”

Tumayo na ako pulled the girl up at umalis.

“What’s your name?”

Hindi ito ulit nagsalita kagaya ng una naming pagkikita, she just did something with her hands. I am starting to get angry at her.

 “She can’t talk.”

Nagulat pa ako ng nagsalita si Takeshi sa likuran ko, sinundan pala niya ako but I was more surprise sa kanyang sinabi.

“What do you mean she can’t talk Takeshi?”

“She’s mute.” Simpleng sabi nito. Ano ang ibig sabihin nito?

“I’ll punch your stupid face if you won’t talk.” Galit na sabi ko sa kanya.

“Okay,okay… shss… regretting your decision already.”

Tiningnan ko ang babae, was there any regret in me? I try to feel regret pero hindi ko makuha.

“What happened?”

“Okay. A couple of years ago when Ryuu went to L.A. he came back with her. We have no idea where she is from. He won’t talk about it. She was still very young back then and one time she tried to escape we caught her again Ryuu was furious and ordered to cut off her tongue to forever silence her.”

I have heard worst story involving decapitation by the Yakuza mas ma swerte na ang nangyari sa kanya, to be alive is still luck.

“So do you still want her?”

“What’s her name?” Yun lang ang tinanong ko sa kanya.

“Aimi, Ryuu named her said something like she was love and beauty all in one.”

“Aimi” sabi ko sa sarili ko. “Let’s go Ai.”

Tiningnan ako ni Aimi nagtataka ang mga mata niya pero sumunod din. Linampasan ko lang sa Takeshi at pumunta sa kwarto ko na binigay nila ng makapasok kami ay naghubad si Aimi nagulat ako sa ginawa niya. Hinawakan ko siya sa balikat para hindi siya tuluyang makahubad. I looked at her, confused.

“Stop that. What are you doing?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

Dahil hindi pa tuluyang naayos ang damit niya ay nahantad ang dibdib niya sa akin. Lalake ako at hindi ko napigilan ang tumingin wondering how soft and delicious does are. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

“I won’t do anything to you.”

Umalis na ako pinabayan ko siya pumunta ako ng banyo para makaligo. Shit the woman turned me on big time.

When I finished my cold shower ay hinanap ko siya nakita ko siya na mahimbing na ang kanya pagkakatulog. I sighed lumabas nalang ako at hinanap si Ryuu. May mga katanungan ako na dapat niyang sagutin. When I was about to open the door it opened si Ryuu.

“Let’s talk follow me.”

Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa garden ng mansyon kung saan kita ang kagandahan ng buwan darkness really is beautiful.

“So Ryuu what did you want to talk about?”

“I heard from Takeshi you have questions?”

“Yeah just got curious, what will you ask of me if you have won?”

“Oh nothing special just that you to kill a guy for me.”

“Who?” I got curious.

Ryuu is a powerful man at kung may e-papatay ito marami ito pwedeng utusan pero bakit ako? unless ayaw niyang malaman siya ang nagpautus nito the only way that will happened ay isang makapangyarihang tao ang ipapatumba rin nito.

“Ricardo Maximus. Do you know him?”

Knew it, it was another powerful man. “Yeah the Boss of the Cosa Nostra if I am correct or was he killed already.”

Cosa Nostra isang makapangyarihang organized crime group base in United States, ang kanilang negosyo ay nakatoon sa racketeering, drug trafficking, extortion, loan sharking, prostitution, money laundering, fencing.

 “No his still the boss.”

“So why should I kill him?”

“A couple of years ago we had a little fight.”

“So why ask me to kill him now? I thought you didn’t do drug. Cosa Nostra is an American Mafia our works and there mostly the same but with different family heads. Maximus is there family head while our is Scarletti.”

“Why do you think it’s about the business, my reason in killing him is quite personal Inu.”

“What did he do?”

“He stole my girl from me.”

“What? Your old and his old. How long has this grudge been going on.” Nagtaka ako sa sinabi niya dahil lang sa isang babae ay magagawa niya ito. It’s just plain stupid.

“I know what you are thinking. Why me the head of the largest yakuza in Japan will go after the head of the Cosa Nostra just for a woman until now, well I tell she was not just a woman. She was special. I tried to kill him many times but it’s like the guy is a cat, so many lives.”

“I doubt. Women are trouble. They are the reason for men’s down fall. History itself can prove that.”

“But Inu woman can also be men’s strength a reason to live for so to speak.”

“If you say so. Ryuu but first thing tomorrow I’ll go home with Aimi. I won’t attend the party. I hope you don’t mind.”

“So you are taking her, good just give me your word you’ll take good care of her.”

“Says the man who ordered to cut the tongue of the poor girl and let his men rape her.”

“Inu you’ll understand soon enough. I let her live did I not. You see the girl is special not in a way that she is mute but far more.”

I turned my leave. “Inu anzen'na tabi no ie o motte imasu.”

“Do you understand English?” She nodded her head.

“Ok. I want you to get all your stuff and you will be coming with me back to the Philippines.” She nodded again.

First flight back to Pinas ay kasama ko si Aimi. The moment na naupo ako my head started to ache. Paano ko ito ipapaliwanag sa kanila na maykasama akong babae pagbalik ko.? Tiningnan ko si Aimi hindi pa nga nakakalipad ang eroplano ay mahimbing na ang pagtulog. Ginawa pa niyang unan ang aking balikat. I don’t mind it.

Nagisip muna ako kung paano ko sasabihin sa kanila ito. Napagdisiyunan ko nalang na huwag muna sabihin sa kanila. Kaya paglapag ng eroplano ay hindi ako pumunta sa mansion kung hindi sa aking tahanan.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at na-una siyang pumasok.

“Dito ka na muna habang iniisip ko pa kung ano ang gagawin ko sayo.”

Tiningnan ko siya, she was looking at me like I had grown horns or something and it hit me hindi pala siya nakakaintindi ng tagalog. Sometimes I really don’t think straight.

“Ahmm. Stay here.” Tumango ito.

Umupo siya sa living room at tiningnan ang paligid. Umakyat naman ako para ilagay ang lahat na gamit niya. Kinuha ako sa ang laptop ko at binuksan kailangan na matutunan niya ang magsalita ng tagalong at kailanagn ko rin malaman kung pa ano makipagusap gamit ang mga kamay.

Google always has the answers. Kaya naghanap ako ng sagot. I was searching when my phone rang. It was Allen.

“Hello?”

“Rai nasa Pinas ka na ba?”

“Yeah.”

“Good.”

“Gusto kang kausapin ni Boss.”

“Sure.”

 “Okay ikaw na ang tumawag sa kanya.”

Bwesit talaga ang Allen na ito.

“Akala ko ba kasama mo siya.”

“Hindi no nandito ako sa mall mayhinahanap ako. Si boss na ang magpapaliwanag sayo. Sige na bye.”

He ended the call. I dialed the Boss number. Maymagkailang ring bago may sumagot.

“Boss?”

“Raizo good, nakabalik ka na. magdadaos ako ng handaan I want you to be there this is an order Raizo. Tayo lang naman ang dadalo look at it like a family dinner.”

Alam niya na hindi ako dadalo sa mga party kung talagang hindi niya ako uutusan. Family dinner ibig sabihin ay dadalo lang ay sina Blake, Dante at ang kambal, I wonder kung makakapunta si Trino.

He ended the call. Linapag ko ang cellphone ko at tiningan ang hinahanap ko sa Google. One week. Within the week ay kailangan ni Aimi matotong magsalita ng tagalog at kailangan ko naman maghanap ng dahilan kung bakit maykasama akong babae sa party na iyon. Hmmm… pwede ko naman siyang iwan. I shake my head hindi pwede. Pero bakit nga ba hindi pwede? Hindi ko rin alam kung bakit.

Tumayo na ako. Kailangan ko si Aimi makausap or in our case ay ako ang magsasalita. Pagkababa ko ay wala na siya sa living room. Nasan naman ang babaeng yun? Pumunta ako sa kusina dahil wala naman siyang ibang mapupunthan maliban nalang sa kusina, hindi naman siya siguro lalabas ng bahay.

Maliit lang kaya ang bahay kong ito. I never preferred big house. Magisa lang ako kaya walang dahilan na dapat ay malaki ang bahay na titirahan ko. Ayus na sa akin ang town house na ito dalawang kwarto sa itaas isang master at isang guest room, nasa baba naman ang di kalakihang kusina ko dun na rin nakalagay ang hapagkainan. Isang lamesa at dalawang upuan. Nasa living room ang t.v. at nandun rin ang bookshelf ko na maylamang iba’t ibang libro. Maygarahe rin kung saan nakalagay ang lahat ng mga armas ko from the knives to the guns and ammo nandun na lahat, hindi ko naman pinapapasok ang sasakyan ko, company car lang ang meron ako.

Nang pumasok ako sa kusina nakita ko siya nakaupo at kumakain ng cookies. Nahihiyang ngumiti ito sa akin. Naupo ako sa harap niya.

“We need to talk.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Tabx's other books...