Love Duplicate

 

Tablo reader up chevron

Love Duplicate

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. The following chapters are written in tagalog or Filipino language. I you want me to translate it, just leave me a message. Thank you.

-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-

All rights reserved © 2015

Started: April 1,2015

Published: July 13,2015
Ended:

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Prologue

 

Habang nagmamaneho ako ngayon patungong sementeryo ay di ko mawari ang aking kaba at pagkaligalig. Bakas sa aking mukha ang pagkapanibago sa daan na aking tinatahak. Mga bagong struktura,mga tindahan at hindi pamilyar na mga mukha ang aking nasilayan.

Maraming taon ang dumaan buhat nang ako'y naparito. Sariwa pa rin sa aking alaala ang kagimbal gimbal na pangyayaring iyon. Kadiliman at kalungkutan ang bumalot sa aking damdamin noon. At natanong ko sa aking sarili na sa dinami dami ng tao, bakit samin pa nangyari iyon.

Nang marating ko ang sementeryo ay agad akong nagpark at inooff ang makina ng kotse at kinuha sa likuran ang bulaklak at mga kandila.Tulips. Ito ang paborito naming mga bulaklak. Noon ako yung binibigyan niya nito kapag may mga special na okasyon, ngayon bumaliktad na ang mundo. Ako naman ang nagibibgay ng bulaklak sa kanya.

Humugot muna ako nang isang malalim na hininga bago tumungo sa mismong sementeryo. Pabigat ng pabigat ang hakbang ko patungo sa lapida ng taong aking pupuntahan. Napansin kong malaki ang pinagbago ng sementeryo. Madami ng taong nakalibing,marami rami na ring mga puno at medyo malinis na ngayon di tulad ng dati.

Nang makarating ako sa sadya ko ay agad na napako ang paa ko at unti unting tumulo ang luha ko. Tulala akong nakatayo doon. Its been 3 years but the wound in my heart is still fresh. Nanghihina ako. Di ko macompose ang sarili ko. Napaluhod ako sa lapida ng taong aking pinuntahan. Ang taong nagpasaya sa akin sa loob ng maraming taon, ang taong laging andyan tuwing kailangan ko siya at kahit di ko siya kailangan andyan parin sa aking tabi, ang taong nagtatanggol sakin kapag naagrabyado ako,ang taong andyan para labasan ko ng hinanakit at sama ng loob,ang taong nag-alaga at nagmahal sakin ng totoo. Ang nag-iisang taong aking mamahalin,minahal at patuloy na minamahal.

Tatlong taon.

Tatlong taon na ang nakalipas mula nung mangyari ang aksidenteng yun. Ang aksidenteng bumago ng buhay ko, ang aksidenteng hindi ko inakala na mangyayari sa akin, sa amin. Ang mahal ko,ang buhay at mundo ko,ang gusto kong makasama habang buhay ay nawala na lang na parang bula.Na sa isang iglap lang nawala ang mga pangakong binitawan namin sa isat isa, masasayang karanasan naming magkasama, at yung mga plano namin sa hinaharap. Ngayon WALA NA.

Halos di ko na makita ang pangalan na nasa lapida dahil sa mga luha ko. Umaagos ito ng walang humpay na parang wala ng bukas. Ang sakit. Ang sakit sakit pa rin. Kahit ilang taon na siyang wala,siya at palaging siya parin talaga.

Nathaniel Dela Custa

Ang nag-iisang lalaking nagpatibok at patuloy na nagpapatibok ng puso ko. Wala na. Wala na talaga siya. Huminga akong malalim at sinubukang patahanin ang aking sarili. Pinunasan ko ang aking mga luha at kinuha ang mga bulaklak at kandila. I cleared my throat. Magiging matatag ako.

"uhmm" di ko matuloy yung sasabihin ko. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Kahit ganun ay nagsalita pa rin ako. Umupo ako ng maayos malapit sa lapida niya.

"Hi? Mahal ko" ayan na naman at nag uunahan na naman na tumulo ang luha ko.

"S-sorry kung ngayon l-ang ulit ako nakabalik p-para bisitahin... k-ka. " humihikbi na ako. Kinuha ko ang mga bulaklak at inilagay sa ibabaw ng kanyang lapida. Sinindihan ko rin ang mga kandila.

"Sinubukan kong magpakabusy, kalimutan ang lahat. Kalimutan ang bangungot na ito pero kahit saan ako magpunta ikaw at ikaw pa rin ang nasa isip ko. Di kita maalis sa isip at puso ko, sa sistema ko, sa lahat. Ikaw ang bumubuo sakin, sa mundo ko at sa pagkatao ko. Naguho ito bigla nung mawala ka. Naguho yung mundong sabay nating binuo."sabi ko sabay kuha ng panyo ko sa bag.

"Alam mo ang daya daya mo. Iniwan mo lang ako basta basta. Wala kang pasabi, di mo ko binigyan ng warning. Oo alam ko namang walang forever eh pero bakit ganun? Ang aga mong kinuha. Di na dapat ako nagtatanong kasi wala namang makakasagot. Pero wala eh siguro hanggang dun ka nalang but you leave me hanging. Tinaas mo ko ng sobrang taas pero nawala ka bigla, kaya nung nahulog ako walang sumalo sakin. Ang sakit sakit. Ang hirap mong kalimutan, ang hirap kalimutan yung mga taong kasama pa kita,yung mga pinagsamahan natin at yung pagpaparamdam mo sakin araw araw kung gano mo ko kamahal."patuloy parin akong umiiyak dito na mag isang kinakausap ang isang patay na parang tanga.

"Di mo gustong makita akong umiiyak diba? pero bakit sinasaktan mo ko ng sobra? Maraming nagsasabing makakamove on din ako. Yes makakamove on din ako pero kailan pa? 5 years? 10 years? 20 years? Forever? The scar is always be right here" sabi ko sabay turo sa puso ko.

Maraming tao na ang nagsabi sakin na mag move on na daw pero hindi pa rin ako makamove on ang sakit sakit kasi. Na para bang kahapon lang nangyari yun, na para bang kailan lang nangyari ang pinakamadilim na parte ng buhay ko.Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng pusot isipan ko.

"You already have a big part in here at kailanman di to mawawala. Anlaki laki ng sinakop mo sa puso ko. Anlaki laki na halos di na ako makahinga..." bumuntong hininga ako. Pinunasan ko ang luha ko pero there's no use kasi patuloy pa rin itong umaagos.

"Mahal na mahal na mahal pa rin kita. Namimiss ko na ang yakap mo,yung halik mo, yung kakantahan mo ko gabi gabi para lang makatulog ako,yung iispecial mention mo ko tuwing sasama ako sa mga gig niyo. Naalala mo pa ba yun? Grabe nakakamiss talaga lalo na yun noh?" Nagpatuloy ako sa pagkekwento sa kanya. Maya maya ay tumingin ako sa wrist watch ko at napansing hapon na pala at may kailangan pa akong gawin.

"Sige mahal ko, aalis na ako ha? Babalik rin ako promise yan. Magiging matatag ako para sa sarili ko at para sayo dahil ikaw ang mundo ko" pilit akong ngumiti kahit na nasasaktan pa rin ako.

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. Kinuha ko na rin ang bag ko. Inilibot ko muna sa buong sementeryo ang paningin ko bago ako umalis.

Pero sadyang magpaglaro ang tadhana. May nakita akong lalaking may kakisigan sa di gaanong kalayuang puno ng mangga. Parang kanina niya pa ako minamasdan. Nakahoodie siya kaya di ko maaninag ang mukha niya. Sinubukan ko siyang lapitan kaya lang ay tumakbo siya. Tumakbo rin ako kay lang ay malaki ang hakbang niya at di ko na siya naabutan. Nakakapagtaka.

Sino kaya siya?

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter One

Mag-iingat ka

——

"Nathaaannn!!" sabi ko. Biglang nandilim ang paligid ko, di ako makagalaw sa kinatatayuan ko, di ko inakalas na mangyayari to, natulala akong nakatingin sa nakahandusay at duguang katawan ng mahal ko.

——

Bumalik ako sa ulirat ko nang makita ang maamong mukha ng kapatid ko na ginigising ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakitang nasa kwarto ko pa pala ako.

"Ate nananaginip ka. Okay ka lang ba?" tanong ng kapatid ko na may halong pag-aalala.

"Ah oo okay lang ako. Salamat Drew." sabi ko sabay pilit na ngumiti

"Sabi mo yan ha, o sige baba muna ako, baba ka na rin pagkatapos mo dito. Nagluto na ako ng umagahan" sabi niya at umalis na sa kama ko.

Napabuntong hininga ako. Ano kaya yung panaginip na yun? Binangungot yata ako kakanuod ng mga horror films pero bakit andun si Nathan. Ang weird naman nun. Sana di mangyari yun sa totoong buhay.

Bumangon ako at tiningnan ang aing sarili sa salami. Ngumiti ako at kinumbinsi ang sarili ko na panaginip lang yun lahat. Pumunta ako sa banyo para magsipilyo at maligo. Bumaba ako at mula sa hagdanan ay naamoy ko na ang bango ng niluluto ng kapatid ko.

"Hmmm ang bango naman. Anong naisip mo at nagluto ka?" tanong ko at umupo na sa upuan sa dining room ng apartment.

Kami lang dalawa ng kapatid ko dito. Namatay si mama nung pinanganak si Drew. Nalubog kami sa utang nun dahil sa laki ng bayarin sa ospital at sa pagpapalibing kay mama. Kaya napagdesisyunan ni papa na pumunta ng ibang bansa at maghanap ng trabaho. Sa awa ng Diyos ay nakahanap naman siya agad at pinagbilin kami kay Lola Flor. Nang nagkaisip na kami at nagkaroon na ako ng trabaho ay pumunta akong Maynila para makipagsapalaran. Nung nagcollege na si Drew ay kinuha ko siya kay Lola at pinatira dito sa apartment ko. Tinutulungan pa rin naman namin si Lola dun sa bukid kapag may oras. Mabait na bata si Drew pero sobrang kulit lang talaga.

"Wala naman, gusto ko lang ipagluto ang mahal na reyna kong kapatid" sabi niya sabay tawa habang nilalagyan ako ng kanin sa plato ko. Sweet.

"Nambula ka na naman. Wala kayong pasok?" sabi ko pagkatapos kong lagyan ng sabaw ang kanin ko.

"Wala na sembreak na. Ikaw may trabaho ka pa diba?" sambit niya "Si kuya Nathan di ba pupunta dito?" dagdag niya

"Oo may trabaho ako kaya behave ka lang dito ah. tsaka may trabaho din si Nate kaya di niya ako masusundo ngayon" tugon ko

"Okay" nagkibitbalikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya para umalis na para sa trabaho ko.

"Thalia paki papirmahan to kang Mr. Bulevar. Kailangan to para sa bidding bukas"sabi ni Sarah

"Thalia sabihan mo si Ms. Cruz na cancel ang meeting mamaya"utos ni Sharm

"Thalia si Jaycee pinapasabi na mag oovertime tayong lahat mamaya" pag papaalala ni Anne

"Thalia paki email to kay Mr. Elizalde"sabi ni Rani

"Nathalia can you please inform everyone that I will be on sick leave tomorrow." utos ni Mr. Leo sakin at tuluyang pumasok sa opisina niya.

Ang dami namang utos. Kapagod naman to. Napaupo ako sa maliit ko swivel chair ko at nagsimulang gumawa ng email para kay Mr. Elizalde. Lumipas ang isang oras at di pa rin ako natatapos sa ginagawa ko. Nagulat ako kasi biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at napangiti nang napakalapad nang makita ko kung sino ang nagtext.

"Reyna ko, namimiss na kita. Sabay tayo maglunch mamaya. Ingat ka jan. Mahal na mahal kita :* - Hari mo" lalong lumapad ang ngiti ko pagkatapos kong basahin ang text niya. May kiss emoticon pa. Mabilis ko siyang nireplyan.

"Opo hari ko. Miss na miss na rin kita. Kita tayo sa bindo's canteen mamaya. Mahal na mahal rin kita :* - Reyna mo" pinindot ko ang send at maganang nagpatuloy na sa trabaho ko.

Si Nathan aka Nate ay ang aking mag dadalawang taong boyfriend. Masaya kami kapiling ang isa't isa. Sa loob ng mga araw at buwan na kasama ko siya, naramdaman ko ang pagpapamahal na totoo. Mahal na mahal namin ang isa't isa at wala ng makapagpahiwala sa aming dalawa.

Napasandal ako sa upuan ko, hay salamat at natapos din. Napatingin ako sa wrist watch ko at napansing alas dose na ng tanghali.

"Nath sabay na tayong mag lunch?" biglang sulpot ng isa kong kaopisinang si Jenny. Matangkad eto at maputi. Makinis ang kanyang kutis, may malalalim na mata at matangos na ilong. Itim na itim rin ang kanyang mahabang buhok. Di mapagkakailang maraming magkakagusto sa kanya pero no wonder wala siyang sinasagot miski isa.

"Ahh Jen sasabay kasi ako kay Nate maglunch ngayon eh. Sa susunod na lang" sabi ko sabay ngiti sa kanya

"Ayiiee magdadate sila. O siya sige, ingat kayo. Enjoy!" panunukso niya. Umalis din siya agad at bumalik sa kanyang lamesa.

Dali dali akong tumayo at pumunta na ng elevator. May nakasabay akong isang matandang babae at dalawang magnobyo at nobyang kabataan. Pumasok ako at pinindot agad ang close. Habang nagihihntay na makababa ay di ko maiwasang di mapatingin sa gawi ng dalawang kabataan. Kaedad lang ata to ni Drew. Napatingin din ang matanda sa kanila at bumulong 'haynakung mga kabataan ngayon. ang pupusok at madaling nagpapadala sa pag-ibig. '. Siguro ay narinig rin yun ng dalawa kaya huminto sila sa paglalampungan. Tumunog ang cellphone ko at sinagot ito.

"Hello Reyna ko?" magiliw na bati ni Nathan.

"Hi Hari ko! Nasa Bindo's kana ba?" di maipagkakaila ang pagiging masaya sa boses ko.

"Opo,hinihintay na kita dito. Asan ka na?" kahit nasa telepono lang ito ay ramdam ko na nagpopout siya.

"Nasa elevator pa ako. Pababa na ako. Ilang minuto nalang mahal ko. Gustung gusto na kitang makita. Miss na miss na kita."

"Ako rin. See you in a bit. I love you"

"I love you too" sabi ko at hinintay ang pag end call niya sa tawag.

Naramdaman kong nakatingin ang matanda sa akin. Yung tingin niya na parang iniexamine ang galaw ko. Tiningnan ko siya. Ang lalim ng mga mata niyang kulay gray na kung tumitig ay parang hihigupin ka.

"B-bakit po?"tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nauutal ako. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Parang mga kabayong nagkakarera. Di pa rin niya inaalis sa akin ang mga titig niya.

"Nobyo mo ba yun iha?" tanong niya sakin ng nakataas ang kilay.

"Opo" mahinahon kong sagot.

"Batid kong ngayon lang kayo ulit magkikita. Mag iingat kayo iha. May mangyayaring di maganda, di kanais nais. Napakalagim,sobrang dilim. Alagaan niyo ang isat isa. Wag kayong padalos dalos. Ienjoy niyo ang bawat oras na magkasama kayo...." napansin kong nagbago ang emosyon sa mata ng matanda,kung kanina ay parang galit na galit gayon naman ay bakas ang lungkot at pag-aalala.

Ang creepy naman ni Lola. Hindi pa siya tapos sa pagsasalita ng kung ano ano. Buti na lang at bumukas agad ang elevator. Nang nasa ground floor na ay dali dali akong lumabas di ko namalayan na nahulog pala ang panyo ko kaya...

"Iha"sabi niya sabay abot ng panyo ko.

Kinuha ko agad iyon nang hindi nagpapasalamat. Nakakatakot si Lola. Nakakapanindig balahibo. Parang binabantaan niya ako. Habang tumatakbo ako paalis ay narinig ko siyang sumigaw pero di naman gaano kalakas. "Mag-iingat ka apo".

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Two

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Three

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Four

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Five

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Six

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Thisdyosa (Cecelle Cabual)'s other books...