Love is You

 

Tablo reader up chevron

Introduction

"If you want the best thing for yourself, plan it carefully. Yes that's what we thought, but as the years go by, we realized that the bestest things happened are unplanned"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

💁🏻ARIA'S POV💁🏻

 

Papasok pa lang ako sa classroom, naririnig ko na ang ingay nila sa labas, wala akong gaanong close dito ngunit familiar sa akin ang mga mukha nila.

Humanap ako ng upuan, gusto ko yung malapit sa bintana kasi pag di ko alam ang sagot napapatingin ako sa labas, making my mind one with the nature.

"Hey" tawag ng babae na katabi ko.

Lumingon ako sa kanya.

"Magkaklase tayo last year diba? Ako pala si Rachel, natatandaan mo ba?"

"Oo, nice to meet you" I said politely.

"Sus, don't be so formal, ikaw diba yung palaging may dala ng pagkaing binebenta?"

"Oo, bibili ka? Cupcake ang dala ko ngayon" sabi ko sabay pakita sa kanya ng food.

"Siyempre naman!" pumili agad ito. "Guys, sarap o! Bili kayo!" sigaw niya.

Pagkatapos nun marami ang pumunta sa akin at bumili hanggang wala ng natira.

"Dala ka ulit bukas ha" sabi ni Celine, isa sa mga friends ni Rachel.

Nagkakatuwaan kami ng biglang may pumasok at tumahimik ang lahat.

Napalingon ako kala ko pumasok na yung teacher, di pala isang bagong student.

"OMG! Ang gwapo niya" bulong ni Rachel sa akin.

She's right, gwapo, matangkad at may pagkatsinito na tisoy. Well I don't mind, alam ko na kasing mangyayari basta may gwapo dami din malalandi, yung tipong uhaw, ewan ko ba meron talagang ganun na mga kaklase eh.

All the girls are fantasizing him, makikita mo sa mga tingin nila na malalagkit pati si Rachel na katabi ko nakatunganga rin.

 

Girls, Girls, Girls,..... to weak.. tsk..tsk..tsk..

 

"Ay grabe radar ng malandi oh" sabi ni Rachel na nanginginig sa inis.

"I hope he's not gonna give in" dugtong naman ni Celine.

Si Jessica ang tinutukoy nila, well known ito sa pagiging malandi. Lahat na lang ata na sikat na guys dito najowa nya na, pavirgin na d nman virgin. Ano ba nakikita ng mga lalaki sa kanya? Eh puro naman makeup mukha niyan. Whatever. Hindi ako judgemental just stating the fact.

So ayun, nilapitan niya ang bagong student nakikipagfriends eh halata naman na gusto niyang ihagis sarili niya dun.

Hay, naku, mga babae talaga, wala ba silang respeto sa sarili nila.. My Ghad..

 

"Hi, may upuan ka na ba?" paninimula nito "gustong mung umupo sa tabi ko, bakante kase eh."

"Hi, may upuan kna ba?" panggagaya ni Rachel "Duh? Kakapasok lang sa tingin niya may upuan na? Pano yan makakahanap eh nakaharang kalandian niya dyan"

Tumawa kaming tatlo, eto talaga si Rachel.

Habang tumatawa ako pumako tingin ko sa kanya, nagulat ako kasi nakatingin siya sa akin.

Bigla akong kinabahan, ewan ko ba tumalbog kasi puso ko bigla d ko talaga alam kung bakit.

Nagkatinginan kami saglit, then he look back to Jessica and smiled.

 

"Salamat, pero meron na." sabi nito at tsaka umalis leaving Jessica speechless.

Nagulat kami lahat si Rachel pigil na pigil ang tawa, and I was about to laugh too, that's the first time na napahiya si Jessica sa mga kaklase niya.

He walk past us and sat behind me with one chair apart.

Bumalik ang ingay sa classroom, si Jessica naman tumingin sa kanya at nakahaba ang nguso.

"Ano ba ang ingay niyo!" sigaw ni Rachel sa mga boys na nagkakaroon ng katuwaan.

"Baka gusto mo sumali Rach" pagyaya ni Ian.

Tumayo ito at binatukan ang isa.

"Anong tingin mo sa akin? Asal aso, katulad mo?" sigaw nito sa kausap "Idiot!"

Kahit kailan riot talaga silang dalawa simula na naging kaklase ko sila.

"Hahaha, pareho lang naman silang baliw" sabi ni Celine "Sige Aria babalik na ako sa upuan ko"

"Sige, salamat sa pagbili" I said smiling at her.

I noticed medyo maingay sa likuran ko, lumingon ako and saw several people na nakikipagfriends/flirt sa kanya. He smiled at them. Ang totoo na bobothered ako sa mga ngiti nya, kakaiba kase and not in a positive way huh. Yung parang fake, ewan ko kung ako lang nkahalata.

Mayamaya dumating na guro namin at nagsibalik na lahat sa upuan nila.

"Ah, class" paninimula nito.

"meron pala tayong bagong estyudante, si Mr. Lielle Castro. Mr. Lielle please stand up to recognize yourself".

Pagkatapos nun, tumayo ang lalaki sa likuran ko.

 

Lielle pala ang pangalan niya.

==============================================================

"Ah!" natapos na rin ang araw na to, kailangan ko ng umalis para mkapasok na ako sa trabaho. Yes nagpapart time ako sa gabi sa isang cafe, actually wala akong time ng shift kung kailan lg gusto ko dun ako pumapasok, tulong narin kase sakin ng may ari at syempre kung ano pinaghirapan ko yun din sweldo ko. Nagiisa lang kase ako kaya todo kayod mabuti na lang close friend ni Mama ang mayari ng cafe.

"Councilor, uuwi ka na?" tanong ni Mark, student Pres ng school.

"Oo, Pres mauna na ako".

"Sige ingat." tugon nito.

Oo nga pala, student councilor ako dito sa school padagdag sa resume para sa future, joke. Gusto ko rin naman ginagawa ko rito. 

Sa likuran kaya ako lalabas .

Konti lang lumalabas sa gate sa likuran pero yun ang pinakamalapit na labasan para sa akin, habang lumalakad ako may narinig akong tinig.

"Sa-sandali lang"

Huh? Ano yun?

"Di-dito hawakan mo ako dito."

Anong nangyayare kababalaghan dito?!

Out of curiosity hinanap ko ang pinagmulan ng tinig.

Baka may mga mob na naman dito, uso mga to eh. 

Kumuha ako ng bakal na scrap sa gilid at unti-unting lumapit.

"Ahhhh!" sigaw nito.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa boses at nagulantang sa nakita ko, nabitawan ko ang bakal at nagingay ito.

Gulat silang nakatingin sa akin.

Nakita ko ang babae nakadikit sa dingding habang nakakapit ang dalawang kamay sa leeg ng lalaki at ang isang paa nito na tila lubid kung makadikit. 

Samantala ang kamay ng lalaki nasa loob ng blouse ng babae.

Pero ano ang mas nakakagulat?

 

Si Lielle at Jessica ang nakita ko.

 

Mga put******! Dahil sa kanila nawala ang pagiging inosente ng mga mata ko! I've seen something na kahit kailan d ko na maaunseen! Juicecolored!!!! 

 

____________________________o__________________________________________

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

 

Ugh! Ang itim ng eyebags ko, nararamdaman ko ang bigat ng mga mata ko. Kaloka d ako mkatulog kagabi dahil sa nakita ko. 

"Councilor"

  Kung pwede lang hugasan at ei disinfect mata ko gagawin ko talaga. 

"Councilor, yohoooo!"

Nagpakisapmata ako and came back to my senses, kanina pa pla ako tinatawag ng kaklase ko.

"Ok ka lang ba?" sabi nito.

"Ok lang ako may naisip lang."

Nagaayos kmi ngayon ng bintana kasi nasira ang crystal nito kagabe and since lumalabas ang aircon naisipan namin na takpan muna ng plastic.

"Ok na ba to councilor?" 

"Move mo pa ng konti." 

"Eto?"

"Konti pa"

"Eto?"

"Napasobra, baba ka na lang jan, ako na lang."

"Pasensya kana d ko talaga makuha." sabi nito sabay kamot sa ulo.

"Okay lang."

Akmang aakyat na ako sa upuan ng may humila sa akin pababa at ng lumingon ako. .

Sh** ang fuccboi!!!!

"Oi. Baka mahulog ka dyan." sabi nito.

"Wag na wag mo akong hahawakan!" sigaw ko habang inalis ko ang siko ko sa pagkakahawak niya.

"Councilor, relax lang" sabi ng kaklase namin.

Ewan ko ba sa tuwing nakikita ko kamay niya, napapaisip ako kung ano hinahawakan nun. Bigla akong nakaramdam ng pagsuka at kumaripas papunta sa CR.

==========================================================================

Lielle's POV

Yung mukha niya kanina diring diri sa akin.

Napabuntong hininga ako. I never expected na makikita niya kami kahapon. It wasn't my intention in the first place, I just want to teach that girl a lesson. Sinundan ko sya sa CR and waited outside. Mayamaya lumabas na sya.

"Councilor" I said pagkalabas niya, she was startled.

"Councilor ka pla"

"And so?" sabi nito with an irritating face.

"Kahapon-"

She stretched out her hand signing me to stop.

"You don't need to explain at hindi rin ako interesado." sabi nito tsaka umalis.

"I see" sabi ko sabay sunod sa kanya.

Bigla na lang syang huminto at lumingon sa akin.

"Wag kang sumabay pumasok sa akin, baka ano sabihin ng iba."

"Councilor. ." tawag ko.

"Do I really disgust you that much?"

"Yes" she said without any doubts at tumuloy.

"Fine then." I leaned on the wall at tiningnan syang pumasok sa classroom.

It's better this way.

==========================================================

💁🏻ARIA POV💁🏻  

Nagsimula na ang klase pero wala pa sya. 

Ang sabi ko wag sya sumabay sa akin, di ko sinabi na wag syang papasok.

Hay naku.

"Magkakaroon kayo ng project"

"ANOOOOO????" reaction ng lahat.

Those words are BOMB!!!! Project agad??? Another expenses na naman, naku po...

Nagingay ang lahat at nagsalita ng kanya-kanyang hinanaing.

 

"Calm down" sabi nito upang tumahimik kami. "Don't worry, it's pair"

Lalo nang nagingay ang mga kaklase ko, nagsisimula na sila maghanap ng kapareha.

"Pair tayo" sabi ni Rachel.

"Oo naman!" nakangiting sagot ko.

Salamat naman may pair na ako kaagad hindi na akong mahihirapan pang makipagclose sa iba. Atleast medyo good mood na ako, pagkatapos ng nangyari kanina.

"Please settle down first" paguudlot ng teacher namin "Your pair will be chosen randomly para fair sa lahat."

"ANOOOOOOOOO?"

"Naisip ko kasi na this is a chance for you guys na makilala ang isa't isa." tugdong nito.

Sana di na niya naisip, ano ba yan kung saan na masaya na kami sisirain pa.

"Listen, I'll call your name one by one and pick your pair in this box, those who aren't called are being picked, okay?" 

Our teacher called some names, until umabot sa kanya. 

He went to the front and pick, tumahimik ang lahat.

Oh, andito na pala sya di ko napansin.

 Ni hindi ito nagEFFORT na pumili, parang pumulot lang ng bato.  Tumingin ako sa mga girls, halatang nageexpect na makuha sila. Luh, di nila alam fuccboi yun.

Malas ang makukuha niyan.

Natapos na ang letrang "D" hindi pa rin ako natawag, ibig sabihin isa ako sa pipiliin. Kunsabagay, mabuti na iyon malas rin naman ako basta mga ganyan.

"Oh my God, ako na" sabi ni Rachel, grasping my arm before moving in front.

"Goodluck" tugon ko.

Hinalo halo pa niya at excited na pumunta sa akin, sana ako makuha niya. 

Pagkatapos tawagin ng teacher ang lahat, inutusan niya ang mga pumulot na buksan ang papel at pumunta sa kanilang partner na nakuha.

Excited na binuksan ni Rachel ang papel, hoping na ako o si Celine ang makuha. Ngunit biglang nagdilim ang aura niya at pinunit ito pagkatapos tumayo at umalis.

"Rach! Saan ka pupunta?" tawag ko pero di nya ako pinansin, badmood ata talaga.

Tiningnan ko ang papel sa sahig and guess what. . .pangalan ni Ian ang nakita ko, no wonder why.

Ako naman hintay hintay sa partner ko, may ilan akong inakala na ako ang partner nila dahil pumupunta sila sa direksyon ko, ngunit ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin. 

Baka hindi nasulat ni teacher ang pangalan ko.

Nagaalala na ako, tumingin ako sa paligid halos lahat ay may kapareha na ako na lang ang wala. Hanggang napako ang tingin ko sa kanya, nakaupo lang siya nakaearphones at bumabasa.

 

Don't tell me. . . . 

 

Siya ang partner ko??????? 

 

Jusko, wag naman sana. . . 

I have no choice but to go to him para malaman if ako nga ang napulot niya.

"Ikaw ba nakapulot sa akin?" sabi ko sa kanya looking at him seriously.

But he didn't mind me. . .

"Ehem!!!!!!!!" sinigurado kung malakas yun pero di parin niya ako pinansin.

"Ehhhheeeeeemmmmmmmmmm!!!!!!!!" parang mawawasak na yung lalamunan ko pero wla parin.

Sa sobrang inis ko, hinampas ko ang desk niya. Tumingin ang ilang kaklase ko na nakarinig. Tingnan ko na lang kung hindi niya pa ako mapansin.

Inalis niya ang earphones niya at tumingin sa akin.

"Councilor" sabi nya looking at me na parang bang "Oh, andiyan ka pla?" bwesit ka.

"Tinatanong kita, kung ako ang nakuha mo" inis na inis na sabi ko.

"Hindi" yun lang ang sagot niya.

"Panong hindi??? Eh tayong dalawa na lang ang natira ah??!!!"

"Ahhhhh. Ganon ba?" he said calmly.

Kinuha niya ang papel  hindi niya nga pala ito binuksan. Gamit ang kanyang isang kamay, he opened the rolled paper, busy kase ang kabilang kamay niya sa paghawak ng libro, ni hindi niya tiningnan kung ano ang laman pinakita niya lang sa akin habang bumabasa siya ng libro niya. And I saw it.

A R I A

Parang gusto kung burahin at ibahin ang pangalan ko sa birth certificate. Pag minalas naman ako.

"Eh pangalan ko yan eh!!!" sigaw ko sa kanya

"Ganun ba?" sabi niya sabay tingin sa papel "Aria pla name mo akala ko Councilor."

Ay anak ng**** kakasabi ko lang na malas makukuha nito punye**.

Nagtinginan kaming dalawa then I immediately raise my hand calling the attention of our teacher.

 

"MISS! PWEDE PALIT NG PARTNER?" sabi namin ng sabay.

 

 

 

____________________________o__________________________________________

ALL RIGHTS RESERVED

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 6.5: Extra!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like vanillacupcake101's other books...