The Mover

 

Tablo reader up chevron

Prelude

The world is a chess board. 
    
 People are chess pieces and they must kill and deceive each other to survive. There's no rule to abide, only a life to keep.
    
 If someday this world ended up manipulated, never forget - Marianne Drilon exists.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1- Thrown Into a Hellish World

 

***

"You're new here?"

Selena Dane automatically creased her forehead pagkarinig sa tanong na iyon. She muttered, 'Ano daw?'

The lady in red in front of her smiled. "I'm sure na bago ka. I'm Coline. It's nice to meet you."

Pinakiramdaman ni Selena ang sarili. She should've died noong sinaksak siya ng kriminal na nakatunggali niya. She was sure of it because that scary and tormenting pain still seems to burn in her senses.

Naalala niya bigla ang dahilan ng kaniyang early demise, ang last mission kung saan ay kailangan niyang nakawin ang isang partikular na antique crest. It has a swan design tapos may naka-inscribed na real gold sa eyes nito. Sa beak naman ay may depicted na kwintas kung saan ang naka-inscribed sa pendant ang isang totoong sapphire. She managed to snatch it from the pedestal. The place was at one of the old Tudor palaces sa England.

Who would have thought na makakasagupa niya ang known criminal and killer na ang code name ay Bullet Sprayer? The name is lame pero his skills are not, he's very dreadful. The guy was actually also after the crest kaya naman noong na-meet niya ito habang patakas sa lugar ay no choice siya kundi ang kalabanin ito. Sad to say, her dagger skill was still not comparable to his gunning skill.

The result, she was killed. Ni hindi man lang niya naranasan ang bullet spraying nito kasi limang asinta lang ang ginawa ng lalaki para siya mapatay. The worst thing is ang mismong dagger niya ang ipinangsaksak nito sa right eye niya na sa palagay niya ay umabot sa brain part kasi iyon ang tanda niyang nakapatay ng tuluyan sa kanya.

She's really sure that she died. And it was the worst feeling. Hayop ang gago sa ginawa sa kanya pero wala naman siyang magawa dahil mahina siya compare dito. While shivering and clutching her right eye, she cussed, "The fvck that assh0le."

So what's happening here? Iginala niya ng mabilis ang paningin at napansin niya na para siyang nasa isang castle ground. Ang daming taong nagkalat. Ang mga kasuotan ay iba't-iba'. Iba-ibang disenyo, kulay at tabas. Pero iisa ang pumasok sa utak niya. Hindi iyon pang-impyerno.

Right. If she had died, her soul should've been thrown to hell dahil sa dami ng robbery and murder cases na nakapataw sa ulo niya. She's never a normal person. Ang kagaya niya ay mga taong itinatwa na nang normal na sociedad.

Dama niya ang nerbyos dahil parang ang daming mali sa lugar... First, the people themselves. Sa linya ng trabaho ni Selena sanay siyang makakita ng mga taong mukhang isinuka ng normal society. May sandamukal na piercings sa mukha, sandamakmak na patalim, kung kumilos it's either brusko or in assassin's way. Her eyes sharpened kasi noon kahit nakakakita siya ng iba't-ibang uri ng mga patapong tao ay pinakamarami na ang nagkakatipong allied gangsters o kaya isang buong mafia.

"What's happening here? Bakit ang daming uri nila at kung hindi ako nagkakamali, there are more than ten thousand."

Right. Sa lawak ng lugar na mukhang castle ground nga talaga tapos ang daming bangketa and stalls and make-shift stores sa tabi-tabi, mga carriages at mga nagtatayugang brick walls ay masasabing medieval theme ang lugar. Sa lawak ay kayang-kayang mag-fit in ang kahit isang daang libong katao. At sa dami ng tao ay napakaingay at napaka-lively. She watched as two carriage owners fight. Minasdan din niya kung paano mag-duel sa isang open ground ang limang katao na mukhang mga swordsmen.

"That's how a newbie reacts. Haha. I'm Coline again, one of the guild members of Flourescent. Maligayang pagdating sa mundo ng Chess Board. Isang lugar kung saan isa kang chess piece. Oh well, kahit naman sa pinanggalingan nating mundo ang lahat ay tauhan, either ng mga pulitiko, o kahit ng mga magulang natin."

"The fvck, what the hell are you blabbering about?" Asik niya sa feeling close na babaeng nakadamit at naka-make up ng pang-hostess pero may dalang dalawang espada sa waist.

She distanced herself to the person. Malay ba naman kasi niya kung isang timang na kriminal ito or someone na may binabalak na masama sa kanya. She's not familiar with the place at sa mga tao dito kaya naman no way na mayroon siyang mapagkakatiwalaan sa lugar.

"Don't be shy. Let's say, I'm a benevolent person na handang magpaliwanag sa mga kagaya mo tungkol sa mundong ito kaya you better not move around so much at pahirapan ako sa pagpapaliwanag sa iyo." She smiled pero hindi natuwa si Selena matapos makita na biglang naghagis ito ng isang chain whip. Mukhang ito yung nagsisilbing belt ng babae kanina.

The problem is, super bilis nitong inihagis sa kanya iyon at dahil sa magarang kontrol nito ay naging bounded siya kahit sinubukan niya iyong iwasan noong tumalon siya sa kanan. In the end, she dropped on the ground na nabibigti ang katawan noong hinigpitan ng babae ang hawak saka siya hinatak palapit dito. Then the woman stepped on her stomach para pigilan ang pagwawala niya.

"Listen. You're a newbie. I'm a veteran. This world is a fvcked up world ng mga taong sumakabilang buhay na dapat pero biglang napunta dito. Maybe this is what they called second life, or maybe the purgatory. Not sure pero ang tiyak, this is a fvcked up world."

Sinusuri noon ni Selena ang sarili. Pero wala siyang mahanap na weapon.

"Oh. It seems you're busy scanning your body for a weapon. Sorry pero ang mga bagong tapon sa mundong ito ay walang kahit ano maliban sa puting top and trousers saka isang bracelet."

Napamura siya ng malutong matapos makitang totoo ang sinabi nito. She can't help but just glare. Pero mukhang kampante ang babae na wala siyang magagawa laban dito dahil sa kasalukuyan niyang estado. Ang she has no choice but admit it kasi dama niyang kakaiba ang lakas ng babae. She's sure na bukod iyon sa lakas na dala ng weapons.

Selena's brain worked furiously. What's really happening? Bakit siya biglang hinila at itinali ng bitch na ito? At bakit lahat ng nakikita niyang tao maliban sa mga kagaya niyang nakaputi ay mukhang mga tulisan, kriminal and gangsters?

"What the heck is with this 'fvcked up world', then?" Noong kumalma siya ay sinubukan niyang itanong. She even imitated the way the woman called this place.

"Finally, makakapag-usap na tayo ng matino."

Hinatak siya nito at pwersahang pinaupo sa gilid ng fountain na malapit pala sa kanila. Then tumabi ito sa kanya. Ni hindi man lang tinanggal ang pagkaka-chain.

"For the third time, ako si Coline. What about you?"

She gritted her teeth, pinipigilan ang inis dahil sa kasalukuyan niyang lagay. "Selena."

"Oh. Ganda ng name ah. Fine, Selena. You only have to listen. Look around, I'm sure napansin mo na ang iba pang mga kagaya mo na naka-all white get up. They are like you, mga newbies sa mundong ito. On the other hand, I'm a veteran. You see, lahat ng taong more than a year ng nagliliwaliw dito na ito ay beterano ng maituturing. Lahat kami ay maraming baon na weapons. Siguro kung isa itong RPG game ay masasabi kaming players pero parang lahat ay weapon users."

So ang sinasabi niya ay parang mundo ng laro itong lugar na ito?

"Pero don't get the wrong idea. This world is fvcked up. Oh gosh, ilang beses ko na ba itong naipangalandakan? Whatever. Remember na ang priority ay survival."

Psh. As if she didn't live the life of a person na laging nakabingit sa alanganin ang buhay, the life of a social outcasts? Tinaasan ni Selena ito ng kilay pero ngumiti lang ang babae. Sayang ang mukha nitong maganda dahil talagang hitsura nito'y pang-GRO, yung tipo na makakapagpa-isip sa makakasalubong nito sa daan kung ilan ba ang parokyano nito.

Coline continued. "So, pakitandaan na ang mundong ito ay tinatawag na Chess Board. We are chess pieces with no choice but move and fight kapag may mga territorial wars."

Nagpumiglas siya. "The fvck! Anong chess piece?! Potterhead ka ba huh?! Kadiri! Baka isa kang sinto-sinto na akala'y namumuhay sa fantasy world!"

"Oh, not a chance, dear." Hinatak nito ang dulo ng chain whip kaya naman napaigik siya noong humigpit iyon. Halos nag-t-twitch na ang mga kamay niya at nanginginig na siya sa galit dahil halos torturin siya ng taong ito. "Psh. Ang galaw kasi eh. Ayaw makipag-usap ng matino. Pero you're right, I used to be a normal Potterhead lady na namumuhay sa dating mundo. I died dahil sa isang car accident. Tapos when I woke up again, nandito na ako sa lugar na ito. With no choice but to wield weapons, nakasabak na ako sa limang territorial wars at naging veteran. I'm also a member of a known guild. Oh, yun pala ang dapat kong ipaliwanag ng mabuti."

"Ack! Luwagan mo nga ito!"

But the woman ignored Selena. "Okay, para tumaas ang survival, nagbuo ng mga guilds ang mga tao dito. Oops, I should explain. This world is composed of 64 territories. May pitong sakop ang mga taong gaya natin na galing sa Earth. Ang tawag nga pala sa atin ay Earthlings. Kainis man ang term pero no choice kundi gamitin sa atin."

Pakiramdam ni Selena ay pinanlalamigan na siya ng katawan kasi ang daming kagaguhan siyang naririnig. What Earthlings? Anong territorial wars? This world... anong mayroon sa mundong ito? A Chess Board? A world na hango sa chess game?

Ang daming tanong na nabuo sa kaniyang isipan pero naunsiyami iyon nang mapatingin siya sa babae. She widened her eyes ng bigla niyang mapansin na may isang lalaking may hawak na bolo ang pataga sa ulo ni Coline. She shouted, "Hey, pokpok girl, behind y--"

"Aaaaahhhhhh!"

Hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang naghagis patalikod ng syringe si Coline na tumama at bumaon sa mata nung lalaking mukhang takas sa mental ang hitsura. Napa-blink lang ang newbie lady dahil nakangiti si Coline sa kaniya. Parang wala itong pakialam na may biglang sumugod sa likuran nito.

"Small matter. Iyan pa pala, normal ang patayan sa lugar na ito. At apat ang normal na binibiktima dito: maganda, sikat, tanga, at mahina, I think I belong to the first two.  Well, normal ang wars so this is also no biggie."

Noon lang bumagsak ang lalaki. Nagkaroon ng commotion behind her pero saglit lang nito yung nilingon and then that's it.

"He died."

"That's a poisoned syringe. One of the specialty ng Flourescent Guild ay ang paggamit ng poison. Pero damn it, hindi na natapos-tapos itong explanation mission na ito."

She coldly glared at the corpse. Though sanay makakita at makapatay si Selena, it doesn't mean na okay lang sa kanya ang ganito kung weaponless at defenseless siya. How would she know kung biglang saniban ng kagagahan ang babaeng ito tapos bigla rin siyang turukan ng poisoned syringe? Really, saan ba siya napunta? 

"So, we are Earthlings. Tapos yung the rest ng available territories ay sa ibang human races na which I don't think I have to explain. Nga pala, this territory is called the White Stallion. Ang namamahala ay ang Stallion Guild at ang overall mover ay si Sting Morphen, ang kanilang guildmaster."

Kinalma niya ang sarili. "Tell me about how this territory works."

"Sure. First. Ang top guild ay ang Stallion nga tapos under nito ay ang sampung affiliated guilds."

Inisa-isa nito ang mga iyon then she proceeded to discuss about the terms na ginagamit sa world na ito.

First is 'chess piece', it seems ang lahat ng nasa ground na ito, maging ang mga nasa guilds, or rather lahat ng tao sa territory maliban sa Sting na iyon ay tinatawag na chess piece. She hates the term pero ang sabi ni Coline, parang harsh lang na tawag daw iyon sa mga miyembro ng isang teritoryo

Second ang 'mover', tawag sa parang city or territorial leader.

Third ang  territory, sabi nito ay may pitong teritoryo ang mga Earthlings at ang pitong iyon ay sumisimbolo sa pitong continents. It means ang kinalulugaran ni Selena ngayon na tinatawag na White Stallion ay ang teritoryong laan sa mga Asians. Though napansin niya na mayroon pa ring mga Western-looking people, sabi ni Coline ay ang condition para mapunta sa White Stallion ay ang ma-dedo sa Asia.

Fourth were the guilds which serve as a surviving unit. Parang military department iyon kasi no matter the specialization, in the end ay weapon wielders pa rin naman ang lahat ng mga members. Nailarawan nito sa kanya na parang pina-follow ng mga guilds ang mga RPG themes. May merchants, medicines, constructions, law-enforcers, scribes at iba pang mga miscelleaneous ang whatnots guilds na kailangan para mag-function ang isang teritoryo. Tapos iisa lang ang weapon-specialized guild at iyon nga ang Stallion na siyang nangunguna sa lahat.

She explained in detail about what should be done by a newbie. First, humanap ng guild na sasalihan. Second, mag-purchase ng weapon. She said na ang mga bracelet na hawak ng bawat isa ay parang portable purse kung saan automatic na pwedeng makapag-withdraw at deposit ng pera dahil thought commanded ito.

"However, walang password-password kagaguhan ito kaya ingat-ingat sa mga magnanakaw."

When Coline said that, the new girl only sneered. Selena is a certified thief. Not truly certified as in nabigyan na ng diploma or certification but already notorious and wanted.

Gusto sana niyang matahin yung sinasabing bracelet pero dahil sa impaktang nag-ch-chain pa rin sa kanya hanggang ngayon, she can only lament. "So how much do I have?"

"Fixed para sa mga baguhang bagong dating ang ten silvers. Sapat para makabili ng sampung maliliit na daggers pero not coated with poison."

She nodded. "Ano pang kailangan kong malaman?"

"Ah. You have to register yourself sa Stallion Castle para maging ganap ka ng 'chess piece'. Hahaha!"

Then finally, she released her. Matapos makawala sa lintik na whip ng babae ay ginalaw-galaw ni Selena ang mga braso habang pinanlilisikan ng mata ang kaharap.

"Nga pala, since you're a newbie. Madali kang maha-hunt ng mga tarantadong nagnanakaw sa mga bracelet ng mga baguhan. Well, malaki-laki rin kasi kapag nakaipon ka ng sampung bracelets na ang laman ay wala pang bawas. You know. Katumbas na niyon ay isang gold-ranked equipment."

"Really like an MMORPG."

"A death game, if you suppose. No, a deadly second reality."

"I don't care. Kaya kong mag-survive ng sa sarili ko." Then Selena glared. Hindi siya tanga para hindi ma-appreciate ang katotohanang sa ganitong mundo ay mahalaga ang information. So she's still grateful. But it doesn't mean na ang puso ng isang thief ay madaling lumimot sa grudges. Being restricted is like a resounding slap to someone like her.

"You don't have to worry about that. You're an asian gaya ko kaya I will watch over you hanggang matapos ang pamimili mo ng gamit at weapons. But you better not stray away kung hindi ay i-ba-bind ulit kita."

She glared again, hating the fact na powerless siya kung hindi ay kaniya itong sasalaksakin ng sampung beses. She really can't like this slut. And she thinks that she also can't like this world where she was thrown into.

*** 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Whosays25's other books...