Ordinary & Perfect

 

Tablo reader up chevron

Synopsis

Ordinary & Perfect
Synopsis
 
 
"If I told you that I love you since we were in high school, would you believe me?" seryosong tanong ni Ivan Ezekiel sa kanya.
 
"O-kay." Tiningnan niya ito na para bang nababaliw na ito. "I really hope that you are just kidding."
 
"Well, I'm not. I am very much serious."
 
Napatawa siya ng hilaw. "I am officially terrified right now, Ivan Ezekiel."
 
Ilang segundo siyang tiningnan nito bago ito humakbang papalapit sa kanya. "Why are you terrified, Bhemi? Is it really impossible for me to love you?" nakakunot-noong tanong nito sa kanya na para bang hindi talaga imposibleng mahalin siya nito.
 
"Let's face it, Ivan Ezekiel," sagot niya rito, "someone like you won't love me."
 
"Are you sure? Are you sure that it's impossible for me to love you? Because look at me, Bhemi," anito ng makalapit na sa kanya. "I fell for you."
 
Napatulala siya. Hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat ni Ivan Ezekiel dahil nakakasigurado siya mula pa noon na bulag lang ang lalaking mag-aaksaya ng panahon sa isang napaka-ordinaryong babaeng kagaya niya. Kaya naman bakit sinabi ng pinakaperpektong tao na nakilala niya na mahal siya nito? Nabulag ba ito?
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Copyright

Copyright © 2015 Ordinary & Perfect by wickedevilmallows. All rights reserved. Published in Wattpad by wickedevilmallows.
 
This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.
 
No part of this book may be replicated, redistributed, or given away in any form or by any electronic or mechanical means, without the prior written consent of the author. Please obtain permission.
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Prologue

 
Ordinary & Perfect
Prologue
 
 
"MAKISAMA naman kayo. Umupo na kayo ng maayos!"
 
"'Wag na nga kayong malikot!"
 
"Hoy, Jayrold, 'wag ka ngang magpakalat-kalat diyan!"
 
Nakapangalumbaba si Bhemi Bem habang nakatingin sa labas ng classroom nila. Wala pa kasi ang unang guro nila para sa first subject. Sobrang aga pa nga. Subalit kahit ganoon ay kalimitan sa kanilang magkakaklase ay nasa classroom na. At hindi lang iyon, dinaig pa ng room nila ang Araneta Coliseum pag mayroon iyong concert. Napakaingay kasi ng mga classmate niya na para bang nasa charity event sila na shout for a cause. Nagkakagulo ang lahat liban lang sa kanya na tahimik na nakaupo sa kanyang arm chair. Siya lang kasi ang hindi nakisali sa kaguluhan.
 
Pero ganoon na naman talaga simula pa noong nasa unang taon pa sila ng sekondarya. Nakatingin lang siya sa mga kaklase o sa labas ng room habang nagkakasiyahan ang mga ito. At hanggang ngayon ay nananatili lang siyang ganoon. Sanay na siya at sa tingin niya ay pati ang mga ito sa kanya. Apat na taon ba naman silang magkasama, sino ba ang hindi masasanay?
 
"Nakapasok na siya sa gate!"
 
Napasinghap na hinawakan niya ang kanyang dibdib dahil sa gulat. Mabilis na ibinaling niya ang kanyang mga mata sa loob ng silid-aralan. Kahit naman kasi malalakas ang boses ng mga kaklase niya ay mas malakas ng sampung beses ang tinig nang kung sinumang sumigaw. Sa lakas nga ay inakala niyang may sunog na nangyari.
 
"Nakapasok na siya. Papunta na siya ngayon dito!" Napasimangot siya ng makita si Sandro, ang tinuturing na look-out ng klase para malaman kung paparating na ba ang guro nila. Mukhang ito ang walang pakundangan na sumigaw at gumising sa katawang-lupa niya. Hingal-kabayo ito habang nakahawak sa magkabilang tuhod habang pinapalibutan ng iilan niyang mga kaklase.
 
"Patay, wala na tayong oras kung ganoon."
 
"Okay lang iyan, Ella. Handa na naman ata ang lahat," pang-assure ng class muse nilang si Rylle sa bestfriend nitong si Ella. "Pati nga ako, handang-handa na e."
 
"Nandito na siya! Nandito na siya!" sigaw ni Hernani, isa pang look-out ng klase nila.
 
"Magsiayos na kayong lahat!"
 
Nagtaka siya ng makita niyang mabilis na tumakbo si Ella, Sandro, Hernani at ang lahat ng mga kaklase niya sa upuan nila liban sa kay Rylle. At sa pakalat-kalat pa ring si Jayrold.
 
Nang makita niya ang taong pumasok sa classroom nila ay napailing siya. Alam na agad niya ang dahil ng pagiging aligaga ng mga kaklase.
 
"G-Good morning, Ezekiel," nanginginig ang boses na bati ni Rylle sa kaklase nilang dumating.
 
Napakagat-labi siya ng ilang minuto na ang dumaan ay hindi pa rin sinagot ni Ivan Ezekiel Fontanilla, ang pinakasikat at pinakagwapong estudyante sa buong paaralan nila, ang pagbati ni Rylle rito. Tiningnan lang nito ng ilang segundo ang kanilang kaklase bago tumalikod at lumakad papunta sa upuan nito.
 
"A-Ah, Ezekiel, m-mahal kita."
 
Nakita niya ang pagkunot noo ni Ezekiel bago ito humarap sa kay Rylle. "So?"
 
"Pwede ba kitang m-maging-"
 
"Boyfriend?" putol ni Ezekiel sa itinatanong ni Rylle rito. "Hindi."
 
Nakatingin lang siya sa dalawa na para bang nanonood lang siya ng koreanobela pati na ang iba pa niyang mga kaklase. Parang ini-mute ang buong room nila dahil sa nakabibinging katahimikan.
 
"P-Pero..."
 
"Look," supladong saad ni Ezekiel, "hindi ako interesado."
 
Narinig niyang ang pagsinghap ng mga kaklase niya. Para bang gulat na gulat ang mga ito. Hindi niya tuloy maiwasang itirik ang kanyang mga mata. Alam naman kasi ng lahat sa klase nila na walang patawad si Ezekiel sa lahat ng babaeng nag-co-confess sa kanya.
 
"And Ivan Ezekiel Fontanilla broke yet another heart again. Very shocking!"
 
Napalingon siya ng marinig ang nakakaloka komento ng taong nasa likuran niya.
 
Ikiniling niya ang kanyang ulo ng makita si Jayrold na umaarteng gulat. Kiming nginitian niya ito na sinagot naman nito ng ngisi. Hindi niya napansin na nasa likod na niya na pala ito. Sinundan niya ito ng tingin nang lumakad ito patungo sa pintuan ng room nila.
 
"Morning." Napatingin siya sa taong mahinang bumati sa kanya na sinusundan ng tingin ng lahat ng tao sa loob ng classroom nila at nakita ang mukha ng kanyang seatmate. Pinagmasdan niya ito habang parang walang pakialam sa paligid na umupo ito sa arm chair nito. "I was never interested with her."
 
Ililipat niya na sana labas ang tingin niya nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit kapag may nagtapat dito ay nagpapaliwanag ito sa kanya. Kibit-balikat tumango na lang siya ng marahan para malaman niya na narinig niya ang sinabi nito.
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like LM Santos's other books...