Bakasyon ng Barkada

 

Tablo reader up chevron

Intro

 

Intro.

 

 

Isang masayang bakasyon ang inaasahan ng barkada at isa ito sa kanilang hindi malilimutang bakasyon na mararanasan!

 

“Tingin niyo ba magandang timing ‘tong gimik natin ngayon? Hindi daw magandang magbakasyon yung mga tulad natin alam niyo na” tanong ni Faye

 

“Graduating man o hindi pamahiin lang yan saka nandito na, aatras pa ba tayo?” sagot ni Chris

 

“Tara na! Excited na ko sa mga pupuntahan natin!” masayang sabi naman ni Marco

 

Narito na ang nakakatakot at nakakatuwang horror-comedy story! Teka parang redundant haha

 

Kayo handa na ba? Tara’t sakay na!

 

 

 

Bakasyon ng Barkada by Xean Hyun

Genre: Humor

Story Written: 2011 

EBook Published: 2017

 

Photos

Book Cover: shutterstock.com, fotor.com

 

All Rights Reserved. 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Mga Tauhan

 

Tauhan

 

 

    Lahat sila ay laking-Pinas, pwera lang kay Anne, galing siya ng Amerika lumaki dun ng seventeen years of her life ika nga niya, pero kahit ganun, nakasabay naman siya sating mga Pilipino. Natuto siyang magtagalog, magmano, at maniwala sa pamahiin. Tulad ng malas daw kapag may makakasalubong kang itim na pusa kaya yon na nga, nung dati na kasama niya si Marco at may nakasalubong silang pusa, anong ginawa? Ayun biglang hinagisan ng pulbos lumayo na, pumuti pa!

 

    Balik na tayo sa kwento ang iba pa sa barkada, nandyan si Faye, ang pretty and smart ng barkada pero ilang beses nang iniiwan ng mga naging boyfriend niya ewan nga ba bat' di marunong pumili ng matino 'tong si Faye matalino nga sunga naman pagdating sa lovelife

 

    Si Chris, ang self-proclaimed gwapo at attractive sa mga babae kaya ayun naging babaero wala pang nagtatagal sa kanya gusto atang mag record holder ng may pinakamaraming naging syota

 

    Si Daniel ang nakababatang kapatid ni Chris, cute at pilyong bata na palaging sumingit sa mga friends ng kuya niya at si Marco, pwede niyo din daw siyang tawaging Margeaux, ang cool at bonggang barkada nila! Wag niyo nang ituloy ang iniisip niyo basta malalaman niyo din at syempre hindi mawawala ang una na nating nakilala si Anne na hindi kailangan pa ng another intro

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

[1]

 

 

    Isang masayang bakasyon ang inaasahan ng barkada bago ang kanilang graduation.

 

    Una, may mag babarkada na magbabakasyon sa probinsya nila Chris, isa sa magbabarkada napagdesisyunan nilang gawin ang isang linggong bakasyon bago ang kanilang nalalapit nang graduation at itinaon nila sa linggo ng mahal na araw para i-enjoy ng isang linggo ang kanilang gimik.

 

    Papunta sila ngayon sa isa sa nabiling bahay ng mga magulang nila Chris at dun muna sila tutuloy bago nila puntahan ang mga lugar na kanila nang naiplano. Hindi pa yun napupuntahan ni Chris ang alam lang niya ay meron naman caretaker sa bahay na yon, siya si Lola Baby.

 

    Oo Baby ang name pero matanda na siya. Obvious naman di ba? Lola nga eh haha

 

    Nagtataka din kayo kung papano sila makakapunta kahit si Chris? Natural nagbigay ng lugar at address lol

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Xean Hyun's other books...