Maskara

 

Tablo reader up chevron

P.1

Okay lang ako, ayos lang ako. 

 

    Ganito lang naman ako palagi ito lang ang lagi kong iniisip sa bawat araw na ako ay gigising at sa bawat gabi nang may matiwasay na itutulog. 

 

    Hindi ko alam kung ano nga ba ako ngayon, ang ibig kong sabihin ay kung masaya nga ba ko o ito lang ang pinapasok ko sa isip sa bawat pagbangon at pagkilos sa araw-araw? Hindi ko din maintindihan ang aking sarili pero ang masasabi ko lang. 

 

    Oo. Okay lang ako, ayos lang ako. Alin na nga ba sa akin ngayon ang totoo sa hindi sino na nga ba ako at ano na ang mga tunay kong nararamdaman? 

 

    Yan ang mga tanong na ipinupukol ko sa aking sarili kung ano nga ba ang tunay sa mapagkunwari. 

 

    Ngayon yata ay naguguluhan na ako, sa mga bawat ngiti at tuwa na iniisip ng aking utak dahil sa bawat ngiti ay may lungkot at itinatakpan ko ang mga hapdi at sakit na nadarama ng puso..

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

P.2

    Ngunit paano kung ito ay tunay naring akin kasabay ng mga salitang galing sa isip ngunit di galing sa puso pagkat may takot na ipakita ang tunay naring siya. Ang mukhang inyong kaharap ay siyang likhang aking iniharap sa pagsuot ng maskara ay may lakas ng loob na pumunta sa madla. 

 

    Isang taong walang mukha na nagsusuot ng maskara. Oo, ako ang taong ito na nakasuot palagi ng maskara, at laging dala-dala yaong mga mukha na may iba’t-ibang karkater ang bawat isa kahalintulad sa entablado na may samu’t saring mga palabas. 

 

    Sa ngayon ay nakatingin lang ako sa mapayapa at maliwanag na kalangitan habang at dinadama ang masarap na simoy ng hangin. Kay sarap maranasan ang ganitong kapayapang panahon. Kay sarap sa pakiramdam na parang isang mapayapang langit ang iyong puso at damdamin na walang ikinukubling mga itim na ulap na may dalang sama ng panahon na wari mo ay lumuluha ang kalangitan tulad ng pagmugto sa aking mga mata. 

 

    Bakit ko kailangan magkubli sa mga maskarang aking binuo? Bakit hindi ko gustuhin na makita nila akong ganito? 

 

    Sapagkat ako ay isang mahinang tao at isang hamak na tao. 

 

    Taong may ninananis ngunit walang ambisyon, taong may pangarap ngunit walang mithiin na ako ay isang taong hindi alam ang patutunguhan sa buhay. Hindi ko kaya at hindi ko magagawa dahil ang buhay ko ay puno ng lungkot at takot. Lungkot na siyang nagpadausdos sa akin pababa at laging gumagambala sa aking mga ninanais at sa bawat pangyayari ay lagi ko na lang mararamdaman na paano kung pagkatapos ng mga saya ay mga lungkot ang darating. 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

P.3

    At ang lahat ng ito ay dahil sa takot at sa akin ay humila pailalim. Ang aking pagiisip na puno ng mga “Paano?” takot akong ipakita ang mahinang ako, takot akong malaman ninyo ang malungkot kong buhay. May pangamba sa aking puso sa tuwing kasama ang mga taong nakapaligid sa akin. 

 

    Takot ako sa mga pagkakamali, sa mga kritisismo, sa mga panghuhusga na hindi ko na nais maranasan at maranasan pa at takot akong harapin ang mga pagkakamali at kasalanang mga nagawa. Hayaan mo ako ngayon na ipakita sa iyo aking mga maskara na siyang naging parte na bumuo ng mga saya sa aking buhay at siyang sumira sa aking pagkatao. 

 

    Isa kong makulit at palabirong tao kung makikilala mo ako, ito ang isa sa aking maskara. Gusto kong may makapalagayang-loob at pinapakita na lahat ng mga bagay ay masaya lang, sa bawat problema na dadating ay dapat ngitian mo lang, ang mga humiliations at pangungutya nila ay tawanan mo lang sabayan mo sila sa bawat halakhak. Ipinararamdam ko din sa aking sarili na maikli lamang ang buhay kaya dapat mo itong sulitin. 

 

    Ngunit sa kabila ng mga tawa at saya na ito ay ang mga lungkot na ikinukurba ng aking mga labi na siyang naging dahilan kung bakit nakukuha kong ngumiti kahit na nasasaktan na ako, at sa mga masayang bagay na ang isip ko lamang ang nagsasabi na masaya ito kaya ako ay matutuwa. 

 

    Hindi ko maipakita sa sarili ko ang mga saya kahit na nasa tunay maligayang pagkakataon ako. Hindi ko na alam kung kalian ako ngumiti na mula sa aking puso. 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Xean Hyun's other books...