The Choice (Pagpapasiya)

 

Tablo reader up chevron

Una

The Choice (Pagpapasiya) by Xean Hyun

Genre: Short Story

Story Written: 2017

EBook Published: 2017

 

All Rights Reserved.

 

 

 

Gumising ngayong umaga at pinatay ko ang tumunog na alarm clock.

Alas-diyes ang numerong nakailaw nang tiningnan ko ang oras.

Nag-inat at bumangon ako sa aking kama sabay mabilis sa pag-ayos ng higaan.

Naalala kong sabado na pala. Hindi ko kailangang magmadaling gumawa.

Mula sa ikalawang palapag ng bahay bumaba ako at dumiresto sa salas.

Umupo at humikab at kinusot ang mga mata, kinuha ang remote control at humarap sa telebisyon.

Pinindot ang remote control at binuksan ang telebisyon,

Pinanood ang kagabi’y naging headline sa balita.

Kaliwa’t kanang balita tungkol sa mga patayan at droga na dinadawit ang kapulisan,

Paulit-ulit na balitang nakawan kahit saan snatching sa kalye pati holdapan at kidnapan,

Di nawawalang balita sa usapin ng kahirapan, sinisisi ang gobyerno sa dahilang kurapsyon,

“Walang bago, paulit-ulit lang na ganito ang pangyayari” sagot ako sa aking sarili.

Pinatay ko na ang telebisyon at pumunta sa kusina sumilip ng marahan at dagli kong naalala, umalis na sila ng maagang-maaga.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Ikalawa

 

Kinuha ang isang note na inipit sa lamesa, umupo’t ngalumbabang binasa ang nakasulat 

 

“Bumili ka o magluto ka, ikaw na ang bahala” 

 

Umalis ako ng kusina at nagtungo ng balkonahe pinagmasdan ko ang kalangitan at dinama ang masarap na simoy ng hangin 

 

Nagbukas ng cellphone at baka may mensaheng natanggap. Wala nga pala akong matatanggap na kahit ano. 

 

Press power button, “Press home to unlock”  

 

Messages > 0 messages; Contacts > 3 contacts > *143#, Bal Inquiry, Emergency # 

 

Nagbukas na lang ako ng social networking site,  

 

Username > Password > 1 direct message 

 

Walang ganang binuksan ang link na galing sa message. Bumukas ang browser at nilabas ang website na di abot ng media, dinala ako sa articles at videos na hindi nakasiwalat at ako’y nakatuklas ng mga kasagutang napanood sa balita. 

 

Kasama nito ang maikling mensahe na “ibahagi at ipaalam nang lumabas ang katotohanan”. 

 

Hindi ko na ito pinansin at ibinaba ang telepono. Nagbihis at gumayak at ako’y lalabas. Magaaya kaya ako? 

 

Oo nga pala, wala akong kaibigan. At walang naging tunay na kaibigan. Wala ding kakilala sa mga maiingay na kapitbahay na di nawawalan ng ikekwento araw-araw. 

 

Lumabas ako ng bahay at nadaanan ang ibang mga bahay. Sumakay agad ng tinungo ang terminal. Bumaba sa tipikal na kinakainan marahang binuksan ng gwardiya ang pintuan sabay ng masayang ngiti ay yumuko at bumati ng magalang. 

 

Ginaya ko’t yumuko at bumati sa kanya ng may mukhang sing lamig ng hanging dala ng bagyong Isang. 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Ikatlo

 

Umupo sa isang tabi at humarap ang isang tao, na may ngiti sa mukha at kasabay na tanong, 

 

“Good Morning Sir! Yung madalas niyo po bang Order?” 

 

“Yes” matipid kong sagot. 

 

Caesar salad, carbonara at lasagna and iced tea with no ice. Yan ang madalas kong binibili dito. 

 

Tahimik na sinimulang kumain at maayos na umalis. 

 

“Walang bago, paulit-ulit lang na ganito ang pangyayari” sabi ko ulit sa sarili ko 

 

Sa aking paglabas nakita kong muli ang tindero ng libro na laging tinataboy ng may-ari nung aking kinainan. 

 

“Bili na ho kayo murang lang ho ito” sabay tingin sa akin. 

 

Hindi ko pinansin at patuloy na naglakad. 

 

At sa muli’y dinaanan at tumingin sa kalsada, tumawid sa kabilang linya papunta ng parke at doon ay nagpahinga at nagbukas ng cellphone

 

Pagkaraan ay binalak nang umuwi tumungo sa sakayan at tahimik sa biyahe. 

 

Tahimik lang akong nakatingin sa may bintana tinatanaw ko ang labas hanggang sa mapadaan kami sa isang tulay nakita ko ang isang teenager na mag-isang naglalakad nakayuko lang siya at huminto sa gitna ng tulay. Nang makalagpas ang sinasakyan ko sa tulay ay tumingin ako sa likuran at doon ay nakita ko itong tumalon ng tulay. 

 

Umayos na ako ng pagkakaupo at tahimik na nag cellphone

 

“May balita na naman mamaya ang media” ang sabi ko sa sarili ko 

 

Bumaba na ko sa hinintuang terminal at tinago na ang hawak kong cellphone. Tahimik akong naglalakad nang mapansin kong may matandang babae na tumatawid sa kalsada kasabay na pagtawid niya ay ang mabilis na pagragasa ng trak. 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Xean Hyun's other books...