Faceless Romance
Chat Box 2
Legend: Hala uy! Joke lang kasi yun pero yung pakikipag-friends seryoso ako dun. Sige na.
Seen 6:45 am
Legend: Huy wag ka namang seener please? Mabait naman ako e
Seen 8:34 am
Me: Agang-aga sisirain mo araw ko! Sino ka ba ha?! Poser ka no? Poser account 'tong ginagamit mo sa akin. Psh!
Legend: typing...
Legend: Sorry na. Bati na tayo okey?
Me: *okay
Legend: Yes! Thank you
Me: Hindi pa ako nag-o-okay. Itinama ko lang yung "okey" mo. Tss
Legend: Ay binawi pa talaga. Sorry na kasi. Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako? Please bati na tayo.
Me: Alam mo, ‘wag ako ang kulitin mo at sinasabi ko sa'yo, hindi ako magandang ka-chat.
Legend: So sa personal na lang tayo mag-uusap? Pwede rin.
Me: Lecheeee! Lalong hindi ako magandang kausap sa personal!
Legend: Pa'no mo naman nasabi? Nakausap mo na ba ang sarili mo? Naka-chat mo na rin?
Me: Grrrr! Tsupi! Layas! Pilosopo!
Legend: Aba ba't mo 'ko pinapalayas e bahay ko 'to? Hindi ko pa pinapamana sayo to e, excited ka masyado. :p
Legend: Hehe! Joke lang, wag mo kong iba-black ha.
Legend: *block hehe!
Legend: Huy nasaan ka na? Reply naman diyan. Muntanga na yung chat box oh, puro messages ko.
Me: I'm busy.
Legend: Busy sa iba? Aww T_T
Me: Pake mo?
Legend: Aray naman bes, shaket ah. Ahuhuhu :(
Me: Bakla lang? Hmmp..baka nga.
Legend: Huy hindi ah! Copy paste ko lang yan. Nakita ko dun sa tweet ng babaeng nagda-drama sa Twitter kanina.
Me: Nagti-Twitter ka? Really?!
Legend: Oo, bakit para lang ba sa mga babae at binabae ang Twitter?
Me: Sinabi ko ba? Echosero ka!
Legend: Hehe joke lang. Pero anong ginagawa mo? Sabi mo busy ka
Me: Marami
Legend: Like?
Me: It's none of your business so why care?
Legend: Because I care for yoy
Legend: *you! Minsan na nga lang mag-English, na-typo. pa
Me: Hahaha!
Legend: Hala tumawa siya! Seryoso napatawa kita? Yes! Achievement to.
Me: I didn't. Nag-reply lang ako ng "Hahaha"
Legend: Weh? Nakapag-type ka ng "Hahaha" ng umiiyak? ng nakabusangot ang mukha? Aminin na kase
Me: Psh! Sige maniwala ka sa gusto mong paniwalaan.
Legend: Psh! Sige maglokohan kayo ng sarili mo.
After 30 minutes...
Legend: Nandiyan ka pa? Seen mo 'to kapag nag-online ka ha. Mag-Twerk este work work muna ako ha. Ingat ka maghapon. Aral nang maigi at para sa future yan hehe. :)
Chat Box 3
Legend: Nandiyan ka pa? Seen mo 'to kapag nag-online ka ha. Mag-Twerk este work work muna ako ha. Ingat ka maghapon. Aral nang maigi at para sa future yan hehe. :)
Seen 12:30 pm
7:05 pm
Legend: Hala sineen nga lang niya. T_T
Seen 7:06 pm
Me: Sabi mo eh! Tss
Legend: Napakamasunurin mo naman pero salamat ha, may pagTINGIN ka na sa akin hehe!
Me: in your wildest dreams bruh
Legend: bruh? Walang ganyanan pre, tropa tayo diba? Hahaha!
Me: Asa pa
Legend: Ang tipid naman. Busy ka?
Me: I'm always busy.
Legend: Ah ganun ba? Nakakaabala na ba ako?
Me: Ano sa tingin mo?
Legend: Hala sorry po. Sige balik na lang ako kapag pwede ka na.
Me: ???
Legend: ;)
Chat Box 1
Legend De Luna
You are now connected on Messenger
Say hi with a wave
Legend De Luna waved at you! Tap 👋🏻 to wave back.
You and Legend waved at each other.
Legend: Hai! PwEdi bAnq mKiPaqfRienDszx? Mba8 phow aCoe:)
Me: Jejemon
Legend: Nde nMan pho jejeje!
Me: Putspa! Wag ako ha at kumukulo ang dugo ko sa mga jejemon!
Legend: Sunget mho nMan phoe. Nki2paqfRiends Lnq Ehh
Me: Tsk! Don’t chat me.
Legend: HAHAHA! Peace na. ✌️Hindi ako jeje ha, niloloko lang kita.
Seen 7:38 pm
Legend: Hala uy! Joke lang kasi yun pero yung pakikipag-friends seryoso ako dun. Sige na.
Sent 7:39 pm