Sinful Heaven

 

Tablo reader up chevron

Chapter 1: "He's Back"

"Surprise!" Masayang bungad ni Miggy nang umagang iyon habang abala sa paglilinis ng bahay ang asawa niyang si Francine.

"Oh my--- Babe?!" Hindi makapaniwalang sagot nito.

Nakasuot siya ng white printed t-shirt, sweatpants at eyeglasses bitbit ang bagahe at pasalubong. Mas gumwapo pa siya kaysa noong huli silang nagkita ng asawa.

"Eh sino pa nga ba sa akala mo?" Natawa siya sa reaksyon nito.

Magdadalawang taon na simula nang magtrabaho siya sa Kuwait bilang isang software engineer. Isang buwan pa lamang silang kasal noon nang umalis siya. Naaprubahan kasi kaagad ang mga papeles.

Kahit mahirap, hindi niya pinalampas ang pagkakataon dahil makakatulong iyon sa kanilang mag-asawa.

Nang makaalis na siya ay tanging sa Skype na lamang sila nagkakausap ni Francine. Kaya naman na-surpresa talaga ito sa pag-uwi niya.

"Oh ano, babe? Hindi mo man lang ba yayakapin ang pinakamamahal mo'ng asawa?"

Binitawan ni Francine ang walis at patakbong lumapit rito. Mangiyak-ngiyak niya itong niyakap ng mahigpit.

"Babe? Ikaw nga! Nananaginip ba 'ko?"

Ngumiti si Miggy. "Ikaw talaga. Ako'ng-ako ito at hindi ka nananaginip." Pinunasan niya ang luha nito. "Nabalitaan mo naman siguro yung nangyari sa Kuwait, di ba? Pinauwi ng ating presidente ang mga OFW dahil sa babaeng pinatay ng employer doon. Napag-isip-isip ko na pagkakataon ko na yun para makauwi rito. Alam mo naman kung gaano kamahal ang ticket, kaya sinamantala ko na ang libreng flight pauwi na ibinigay ni President Duterte."

"Eh paano yung trabaho mo? Nagpaalam ka ba?"

Seryoso lamang siyang tinignan ng asawa kaya nagtaka na siya.

"M-May problema ba? Ano'ng nangyari?"

Dahan-dahang hinawakan ni Miggy ang mga kamay ni Francine at tumingin ng diretso sa mga mata nito.

"Hindi na ako babalik sa Kuwait, Babe."

"Huh? Bakit?"

"Nagpaalam na ako sa boss ko. Hindi ko na kasi kaya ang lungkot na nararamdaman ko roon. Dalawang taon kong tiniis ang hindi ka mahagkan o mayakap man lang. Iba pa rin yung nakakasama kita araw-araw."

Napaluha na lamang si Francine.

"Okay lang ba sa'yo na dito na ako magtrabaho?" Nagkibit-balikat si Miggy. "Kung ayaw mo naman, puwede akong mag-apply sa ibang bansa. Talagang ayaw ko na kasi roon sa Kuwait eh. Kung hindi nga lang nagkaroon ng libreng flight pauwi, baka tumagal pa ako roon ng ilang taon."

"Bakit naman hindi?" Sagot nito.

"Talaga? Hindi ka ba nanghihinayang sa laki ng kikitain ko sa ibang bansa?"

Hinawakan siya ni Francine sa magkabilang-pisngi.

"Babe, hindi mahalaga sa'kin ang malaking kikitain mo sa ibang bansa. Makakaya naman nating makaraos sa pang-araw-araw na gastusin kung dito ka magtatrabaho. Magtutulungan tayong dalawa. Basta't ang mahalaga'y magkasama tayo."

Hindi maipaliwanag ni Francine ang sayang nararamdaman.

Matagal na niyang gusto na sa sariling bansa na lamang magtrabaho ang asawa, pero ayaw niyang makialam sa mga desisyon nito. Alam niyang para sa future nila ang ginagawa nito at naisip niya na mas mabuti kung susuportahan nya na lamang ito.

"Kung alam mo lang kung gaano kalungkot kapag wala ka, Miggy." Umiiyak na sabi ni Francine.

Niyakap siya ni Miggy at ikinulong sa mga bisig nito.

"Simula ngayon, ipinapangako ko na hinding-hindi na kita iiwan, Francine," he whispered. Hinalikan niya ito sa noo. "... at mananatili na ako rito sa tabi mo."

"T-Talaga?"

"Hinding-hindi na tayo mangungulila sa isa't-isa. Pupunuin ko ng pagmamahal ang mga araw mo... lalong-lalo na yung ganito oh!"

Bigla niyang pinaghahalikan si Francine sa leeg kasabay ng pangingiliti niya sa baywang nito.

"B-Babe!"

"Heto pa!"

"Uy! Tama na, babe!"

"Eh kung ayoko?"

"A-Ano ka ba? Baka may makakita sa'tin dito sa labas, kung ano pa'ng sabihin sa'tin."

At saka palang ito huminto.

"Eh ano namang pakialam nila? Mapipigilan ba nila kung matagal na ako'ng nasasabik sa asawa ko?" Inilapit niya ang bibig sa tenga ni Francine. "Hindi mo ba namimiss ang mga maiinit nating gabi?" Bulong nito.

Pinaghahampas siya nito sa balikat. "Aray ko!"

"Babe naman eh. Nakakainis ka."

"Bakit ka naman maiinis sa'kin e totoo naman ang sinasabi ko? Kaya kung ako sa'yo, i-ready mo na ang sarili mo mamayang gabi."

"Ewan ko sa'yo." Natatawang sagot nito.

"O tignan mo, tumatawa ka."

"Alam mo, mabuti pa ay kunin mo na yung mga gamit mo sa gilid ng kalsada. Baka mamaya may makakuha pa roon sa mga pasalubong mo para sa'kin." Nakapamaywang niyang sabi.

"Si Babe talaga oh."

Bigla niyang hinalikan sa labi ang asawa. "Babe!"

"Got ya!" Pinandilaan nya ito. "Pampa-buenas lang, Babe."

"Ano'ng pampa-buenas ka dyan? Ikaw ha? Nakakadalawa ka na."

"Wala man lang ba'ng I love you dyan?"

"Oo na!" Bulalas ni Francine. "I love you na!"

"I love you too, Mrs. Francine Guevarra-Villamente. Ikaw lang at wala nang iba." Sabay kindat niya rito.

"Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago. Napaka-corny mo pa rin Mister Miguelito Villamente. Wala nang mas ko-corny pa sa mga linya mo."

Natawa si Miggy. "Corny na kung corny, pero ganito lang talaga ang nagmamahal ng totoo. Aminin mo, na-miss mo ang ka-kornihan ko, ano?" Sinundot-sundot niya ito sa baywang.

"Oo na!" Bulalas ni Francine.

Sobrang mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Para kay Miggy, wala nang iba pang mas makakatumbas sa pagmamahal na ibinibigay ni Francine, at ganun din ito sa kanya. Second year highschool pa lang ay nagmamahalan na sila. Marami na silang pinagdaanang pagsubok at wala ni-isa sa mga iyon ang sumira sa kanilang dalawa.

"Babe, ano ba 'to? Bakit ba kailangang naka-blindfold pa ako?" Sabi ni Francine habang inaalalayan siya ni Miggy papunta sa kitchen.

Kararating lang nito galing sa palengke nang salubungin siya ng asawa sa labas ng bahay at lagyan ng blindfold.

"Basta."

"Surprise na naman ba?"

"Makikita mo pagkarating natin doon."

"Bakit? Saan ba tayo pupunta?"

Pagkarating nila sa kitchen ay inalis kaagad ni Miggy ang piring at na-surpresa nga si Francine sa nakita.

"Ta-dah!"

"Babe...," Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang table with candlelight roon. "A-Ano 'to, Babe? Bakit may ganito?"

Hinawakan muna ni Miggy ang kamay ng asawa at inihatid sa upuan. Pagkaupo nila ay saka in-explain ni Miggy ang kanyang surpresa.

"Na-sorpresa ka ba?"

"Sobra. Ikaw ba ang nag-prepare sa lahat ng ito?"

"Eh sino pa nga ba?" Mayabang nitong sagot. Natawa naman sa kanya si Francine. "Kaya nga pinapunta kita sa palengke kasi plano ko talagang surpresahin ka for our dinner."

"P-Pero bakit?" Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Ano ba'ng okasyon, Babe?"

"Wala lang. Matagal-tagal na kasi kitang hindi nasosorpresa ng ganito, so naisipan ko na magkaroon tayo ng simpleng romantic dinner," Ipinakita niya ang mga pagkain. "Tignan mo naman. Ipinagluto kita ng Adobong Manok, Ginataang Alimasag, Pinakbet at for dessert... gulaman!"

Bigla nalang namilipit sa katatawa si Francine.

Nagmukha kasing piyestahan at hindi romantic dinner setup ang lamesa sa dami ng tupperware na inihain ni Miggy.

Idagdag pa yung malalaking kandila na nakuha pa yata nito sa poon ng kanilang living room, magmukha lang na romantic dinner with candle light.

"Bakit ka tumatawa?" Pagtataka ni Miggy.

"Eh kasi naman...," huminto muna siya sa pagtawa bago ipagpatuloy ang sasabihin. "...napaka-cute kasi ng surprise mo."

Sumimangot si Miggy. "Hindi mo nagustuhan, ano?"

"Syempre, nagustuhan ko!"

Bumuntong-hininga si Miggy. "Huwag ka nang magsinungaling. Alam ko na hindi mo nagustuhan. Hayaan mo, bukas na bukas ay dadalhin kita sa mamahaling restaurant."

"Nagustuhan ko nga, Babe!" diin ni Francine.

Halata sa mukha ni Miggy ang pagtatampo.

Kilalang-kilala siya ng asawa. Madalas siyang magtampo sa maliliit na bagay na parang bata. Kaya naman pinilit nito na amu-amuhin si Miggy ng seryoso at pinigilang matawa.

Lumapit siya kay Miggy.

"Ito namang asawa ko, tampururot kaagad," pinisil-pisil niya ang pisngi nito. "Masama ba'ng tumawa? Eh talaga namang napaka-cute ng surprise mo eh."

"Sus..." Sambit nito.

"Kaya ako tumawa dahil masaya ako sa surprise mo. Ang suwerte ko kaya sa'yo. Alam mo bang bihira lang sa mga husband na ipinagluluto ang kanyang asawa? Tsaka, matatanggihan ko ba naman ang mga paborito kong iniluto mo?"

"Weh?"

"Totoo!" Bumalik si Francine sa upuan at sumandok ng ulam. "Kaya kung ako sa'yo, huwag ka nang magtampo dahil kanina pa akong natatakam sa mga iniluto mo."

"Hindi ako nagtatampo ah?" Depensa ni Miggy.

"Opo." Sagot ni Francine. Um-oo nalang siya dahil baka mas lalo pa itong magtampo.

Pagkuwa'y ngumiti siya rito. "Salamat, babe ha?"

"Para saan?"

"Syempre, para sa lahat ng ito."

"Alam mo naman na gagawin ko ang lahat, mapasaya ka lang."

"Nagawa mo naman, hindi ba?"

"Talaga nga ba?"

"Hindi ka ba talaga naniniwala sa'kin?"

"Naniniwala."

"Eh bakit malungkot ang mukha mo?"

Pilit na ngumiti si Miggy. "Oh hayan, ngumingiti na."

"Ang fake naman."

"Kumain na nga lang tayo."

Pero hindi pinansin ni Francine ang sinabi nya. "Alam mo ba'ng pumapangit ka kapag sumisimangot ka? Nawawala yung pagka-korean heartthrob look mo."

"Sus! Bola." Napailing si Miggy.

"Oh, e bakit? Hindi ba't talaga namang napakaguwapo ng asawa ko?"

"Oo na."

"Parang Lee Jong Suk lang oh. Isang smile nga dyan with finger heart?"

"Babe naman..."

Natawa si Francine nang mapansing nagpipigil ng ngiti ang asawa. "Aysus! Galak na galak ka naman sa papuri ko?"

"Mang-asar ba?"

"Okay. Hindi na po, Mr. Lee Jong Suk," ipinagsandok nya muna ng Pinakbet sa pinggan si Miggy.

Maya-maya'y naging seryoso si Francine.

"Maniwala ka man o sa hindi, sobrang na-appreciate ko ang lahat ng ito. Matagal ko na kasing hinihintay yung ganito. Yung makasabay kang kumain, yung makakulitan ka... masayang-masaya ako dahil hindi ko na kailangan pang hintayin ang pagbabalik mo. Ngayong kasama na ulit kita, wala na akong ibang mahihiling pa."

"Babe..."

"H-Hindi ka ba talaga naniniwala sa'kin?" Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Uy! Babe..." Nagmadaling lumapit sa kanya si Miggy at niyakap siya ng mahigpit. "Ofcourse, naniniwala ako. Huwag ka nang malungkot."

"Kung hindi pa ako magdadrama, hindi ka maniniwala sa'kin."

"Naniniwala ako. It's just that, nahihiya lang ako sa surprise ko para sa'yo."

"Kahit tuyo lang ang ihanda mo, maa-appreciate ko pa rin yun."

Hinalikan siya ni Miggy sa pisngi. "Sorry na babe. Hindi na talaga ako magtatampo, promise."

"Talaga?"

"Promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay. "Mahal na mahal kita, Babe."

"Mahal na mahal din kita." Nakangiting sagot ni Francine. Niyakap siya ni Miggy ng mahigpit.





*****

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2: "Warning"

"Babe, may hindi pa pala ako nasasabi sa'yo." Sabi ni Francine habang abala siya sa paghahain ng breakfast.

"Ano yun, Babe?"

"Noong wala ka rito, tumatanggap ako ng raket na graphic designing at video editing sa wedding services. Hindi ko lang masabi sa'yo dahil alam ko'ng magagalit ka sa'kin."

Ayaw siyang pagtrabahuhin ni Miggy.

Malaki naman kasi ang sinusuweldo nito sa Kuwait at sobra-sobra pa ang naipapadala sa kanya. Nakabili na nga sila ng malaking bahay sa subdivision na kasalukuyang tinitirhan nila.

Ibinaba ni Miggy ang dyaryong binabasa.

"Babe, hindi ba't napag-usapan na natin ang tungkol dyan? Ayoko'ng magtrabaho ka. Ako yung lalaki... ako lang ang dapat na nagtatrabaho."

"Babe, nababagot lang naman kasi ako rito sa bahay. Wala ako'ng ibang mapagka-abalahan kundi manood ng korean drama at maglinis. Ayoko namang maggala at magshopping kasi gastos lang yun. Napag-isip-isip ko lang na sayang naman yung napag-aralan ko kung hindi ko magagamit."

Nakapagtapos ng kursong Multimedia Arts si Francine.

Bago siya ikasal ay nakapagtrabaho na siya bilang graphic designer sa isang malaking kompanya.

Pero nang magpakasal sila ni Miggy ay hindi na siya pinayagan nitong magtrabaho pa.

Nagpatuloy si Francine. "Tsaka Babe, hindi naman ako gaanong lumalabas ng bahay sa trabahong yun. Ang madalas ko lang na ginagawa ay mag-edit kaharap ang PC. Yung mga ka-trabaho ko na ang bahala sa pagpi-picture at pagvi-video ng weddings. Kapag kailangang-kailangan lang talaga ako sumasama sa kanila."

"Babe..."

"Sige na Babe, please...," niyakap niya si Miggy sa likuran habang nakaupo ito. "Alam ko'ng nag-aalala ka sa'kin at naiintindihan ko yun, pero ito talaga ang gusto ko eh. Payagan mo na ako."

Bumuntong-hininga si Miggy.

"Oh sya, sya, sya... mag-edit ka na hangga't sa gusto mo. Ano pa nga ba'ng magagawa ko, e wala pa naman ako'ng trabaho ngayon? Makakatulong din yan para sa mga gastusin natin."

"Ummm!" Hinalikan siya ni Francine sa pisngi. "Thank you, Babe! Napaka-bait at napaka-guwapo talaga ng asawa kong si Lee Jong Suk!"

"Hayan ka na naman sa Lee Jong Suk na yan. Mas guwapo pa 'ko ron."

"Sige na nga, ikaw nalang si Miggy ng buhay ko. Ummm!"

Hinalikan niya itong muli. Pagkatapos ay hinainan niya na ng fried rice, egg and bacon si Miggy sa pinggan.

"Oh kumain ka ng marami ha?"

Uupo na sana si Francine para kumain nang makarinig sila ng nagsisigawan sa labas.

"Mga walanghiya kayo! Mga baboy! Mga put*ngina nyo!"

Nagkatinginan muna silang mag-asawa bago tumayo si Francine at sumilip sa bintana.

"Babe, si Charity yun ah?"

"Sya ba yung kinukuwento mo sa'kin na bago nating kapitbahay? Yung hindi pa kasal ay nagli-live in na?"

"Oo," Nakaramdam ng pag-alala si Francine. "Mukhang nag-aaway yata sila ng boyfriend nyang si Henry. Parang lastweek lang ay sweet-sweet pa nila ah? Mabuti pa siguro---"

"Oh saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko si Charity. Kailangan nya ako, Babe."

"What?"

Tumayo si Miggy at hinawakan ang kamay ni Francine.

"Alam mo, kumain nalang tayo. Huwag ka nang makialam sa away nila, baka madamay ka pa roon. Bahala na silang mag-ayos ng problema nila."

Inalis ni Francine ang kamay ng asawa.

"Babe, hindi puwede. Mag-isa lang si Charity doon at wala siyang mapapaghingahan ng sama ng loob. Baka kung ano'ng gawin nya sa bahay kapag pinabayaan ko syang mag-isa."

"Si Babe talaga oh...," napakamot si Miggy sa ulo. "Oh sya sige, papayagan kita pero sasama ako ha?"

"Sige, tara na."

At nagtungo na sila sa bahay ni Charity.

Ilang lakad nalang ay makakarating na sila sa tapat ng bahay nang biglang maghagis ng mga paso si Charity.

"Layaas! Lumayas kayo ritooo!"

"T-Tama na, Charity! Tama na!"

Patakbo namang lumabas ng gate si Henry na nakasuot lang ng boxers kasama ang babaeng nakatapis lamang ng tuwalya.

"Ang kakapal ng mukha nyo para gawin ang kababuyan nyo sa bahay ko?! Lumayas kayo, kundi mapapatay ko kayo!"

"Aray! Charity! Tama na!"

Nagsilabasan na ang mga kapitbahay at pinagtinginan sila.

"Babe, sigurado ka ba sa gagawin mo?" Hindi sumagot si Francine at diretso na itong nagtungo sa tabi ni Charity. "Teka, Babe!"

"Hayooop! Paano mo nagawa sa'kin 'to, Henry?! Pinagkatiwalaan kita! Minahal kita ng sobraaa!"

Halos maglupasay na ito sa harap ng gate habang umiiyak.

Nagmadali namang sumakay sa kotse si Henry at ang babae nito at tuluyan nang umalis sa lugar na iyon.

"A-Ano pa ba'ng kulang sa'kin?! Ano pa ba?!"

"C-Charity, tama na...," sabi ni Francine habang hinaplus-halos ang likuran nito. "Pumasok na tayo sa loob ng bahay."

Sumenyas si Francine kay Miggy para tulungan siyang alalayan si Charity.

Pagkapasok nila sa loob ay pinaupo muna nila sa sofa si Charity. Nagpunta naman sa kusina si Miggy para kumuha ng tubig.

"M-Matagal na pala ako'ng niloloko ng hayop na yun. Matapos ko sya'ng tulungan sa mga luho na hinihingi niya sa'kin, pagtataksilan nya lang ako? Ang kapal ng mukha nya!"

Kauuwi lang ni Charity galing sa mga magulang niya sa Bicol. Ipinagkatiwala niya ang bahay kay Henry, pero hindi niya inakalang magdadala ito ng babae roon at pagtataksilan siya.

Nahuli niyang nakikipagtalik si Henry doon pa mismo sa kuwarto nilang magkasintahan.

"Tahan na, Charity. Makakarma rin si Henry sa ginawa niya."

"G-Ganito pala kasakit ang pagtaksilan ka ng taong mahal mo, ano? Parang sinasaksak ng kutsilyo ang dibdib ko."

Pagkabalik ni Miggy ay inabutan niya ng tubig si Francine.

"Oh friend, uminom ka muna para gumaan ang pakiramdam mo," Sumunod naman si Charity.

Pagkatapos ay huminga ito ng malalim.

"Kalimutan mo na si Henry. Marami pa namang iba dyan na magmamahal sa'yo ng totoo. Hindi nya deserve ang pagmamahal na ibinibigay mo."

Biglang hinawakan ni Charity ang mga kamay niya at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Fran..."

"Oh?"

"Mag-iingat ka."

"Bakit naman?"

"Pare-pareho lang ang mga lalaki. Pare-pareho lang silang lahat na manloloko...," Nagkatinginan ang mag-asawa. "H-Hindi imposibleng mangyari sa'yo ang ginawa sa'kin ni Henry. Ayokong masaktan ka."

Palihim na sinenyasan ulit ni Francine si Miggy. Tumayo naman ito at iniwan ang magkaibigan na nag-uusap sa loob ng bahay.

Sinubukang baguhin ni Francine ang pinaguusapan.

"Ah Charity, kumain ka na ba? Gusto mo bang---"

"Bantayan mo ang asawa mo," biglang wika nito. "Hindi porke asawa mo na siya ay sa'yo na sya habang buhay. Hindi ka mauubusan ng kaagaw. Huwag mo'ng hahayaan na mangyari rin sa'yo ang ginawa sa'kin ni Henry. Huwag mong hayaan na makawala siya sayo, Francine."

"Charity..."

Humigpit ang kapit nito sa kamay niya. "Naiintindihan mo ba 'ko?"

"O-Oo, Charity," nauutal niyang sagot.

____

"Huwag mo'ng sabihin na maniniwala ka sa kaibigan mo?" Sabi ni Miggy nang gabing iyon.

Katatapos lang nitong mag-shower at nakatapis lamang ng tuwalya. Samantalang, abala naman sa pag-aayos ng kama si Francine.

"Ofcourse not," natatawang sagot ni Francine.

Panay kasi ang tanong ni Miggy tungkol sa pinagusapan nila ni Charity simula nang umuwi sila sa bahay.

"May dapat ba ako'ng ipangamba sa sinabi niya?"

"Wala naman. Natatakot lang kasi ako na baka ma-brainwash ka ng Charity na 'yon. Sabihin ba namang pare-parehong manloloko ang mga lalaki? Aba kahit mamatay ako, hindi ako mambababae."

"Alam ko," nakangiting lumapit si Francine at isinukbit ang braso niya sa balikat nito. "Syempre, pinapagaan ko lang ang loob ni Charity. Wala naman kasing ibang dadamay sa kanya rito kundi ako lang."

"Paano ba kayo naging close ng Charity na yun?"

"Si Charity?" nag-isip muna siyang sandali. "Ewan. Hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko naging ka-chikahan ko nalang siya bigla."

"Hmm... Baka magselos sa'yo nyan si Vera?"

"Si Bes?"

"Oo. Hindi ba't sya lang ang one and only bestfriend mo since highschool?"

"I know... at walang ibang makakapalit sa kanya." Nagpamaywang siya. "Naku! Miss na miss ko na talaga ang bruhang 'yon. Kung bakit ba naman kasi nag-asawa pa sya at doon pa tumira sa States. Ni hindi ko na nga siya makausap sa Skype. Nakakatampo na."

"Tatawag din sya sa'yo, Babe...," sabi ni Miggy habang dahan-dahang hinahaplos ang magkabilang balikat ni Francine, pababa sa baywang nito.

Nahalata siya nito. "Parang may ibig sabihin ang mga haplos na yan ah?"

"Obvious ba?" dahan-dahang in-unbutton ni Miggy ang damit pantulog nito. "Ngayon ko lang napansin, mas sumexy pala ang asawa ko."

"Talaga lang ha?"

Pagkabukas ni Miggy sa damit nito'y tumambad sa kanya ang napakalusog nitong dibdib.

"Wow...," hahalikan nya na sana iyon nang biglang alisin ni Francine ang nakatapis niyang tuwalya.

Nabigla si Miggy nang dakmain nito ang kanyang nakahanda nang sandata.

"Hindi naman ako na-inform na kanina ka pa palang ready?"

Hinimas-himas niya iyon.

Natigilan tuloy si Miggy nang makaramdam ng mala-kuryenteng boltahe sa kanyang buong katawan na matagal na niyang hinahanap-hanap.

Pagkatapos ay itinulak siya ni Francine sa kama.

"Na-miss mo ba 'to?" Patuloy niyang hinimas-himas ang sandata nito.

"Ugh... B-Babe...," nasasarapang ungol ni Miggy.

"Dating gawi?"

"S-Sandali lang, Babe."

Huminto naman si Francine sa ginagawa. "Oh bakit?"

"Puwede na ba tayong mag-sex?" seryosong tanong niya. "I mean, simula nang huli kasi tayong magkita, palaging ganyan nalang ang ginagawa mo."

Francine is still a virgin.

Ni-minsan ay hindi pa siya nakakaranas ng sexual intercourse kay Miggy. Madalas lang siyang mag-bl*wjob, pero never pa ang real sex. Alam niyang wala siyang dapat ikatakot, pero pakiramdam niya ay hindi pa sya ready.

As in yun lang ang dahilan nya... na hindi pa sya READY.

At matagal na iyong tinitiis ni Miggy.

"Nagsasawa ka na ba sa ginagawa ko?" seryosong tanong ni Francine.

"Hindi naman sa ganun, it's just that---"

"Nagsasawa ka...," biglang sagot nito. Nakaramdam siya ng inis. "Akala ko ba igagalang mo ang desisyon ko na hindi muna natin gagawin 'yon?"

"Oo nga, pero... hindi pa ba tamang panahon ito para dun?" Bumangon muna si Miggy at umupo sa kama. "Two years na tayong kasal. Ano pa ba'ng hindi mo dapat ika-ready sa sex?"

"P-Pwede ba'ng bigyan mo pa ako ng time?"

"Babe..."

"Hindi ko pa talaga kaya."

"Ayaw mo pa ba na magkaanak tayo?"

"Gusto, pero... hindi pa talaga ako ready sa ngayon." Nawalan ng gana si Francine at isinuot na ang kanyang damit pantulog.

Pagkatapos ay humiga na ito sa kama at nagkumot.

"Babe, I'm sorry."

"Matulog na tayo. Maaga ka pang gigising bukas para maghanap ng trabaho." sabay pikit ng kanyang mga mata.

"Babe..."

Wala nang nagawa si Miggy kundi magbihis at matulog kagaya niya.





*****

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 3: "Jealousy"

"Maganda ba 'tong wedding invitation design ko, Babe?" tanong ni Francine kay Miggy na kakarating pa lamang galing sa paghahanap ng trabaho. Kasalukuyan siyang nag-i-edit nang hapong iyon. "What if lagyan ko pa kaya ng konting decoration? Gusto raw kasi nina Mr. and Mrs. Devanadera na maarte ang pagkaka-design."

Tinignan ni Miggy ang ginawa niya.

"Hindi pa ba okay yan? Baka hindi na magmukhang wedding invitation yan kapag pinaarte mo pa ang design."

"Sure ka?" Nang tumango si Miggy ay sinunod nya na lamang ito. "Siguro nga, ano?" at nag-save na siya ng file. "Bahala na si Batman. Atleast nakagawa naman ako ng five samples na pagpipilian nila. I'm sure may isa na sa mga ito ang maa-approve."

"Babe, merienda tayo?"

"Ano'ng gusto mong merienda?"

"May French Fries pa ba?"

"Yeah. Kakabili ko lang sa grocery kaninang umaga."

"Sige yun na lang."

Pagkatapos niyang i-shutdown ang computer ay nagtungo na siya sa kusina para magluto ng merienda. Naupo naman si Miggy sa harap ng hapagkainan.

Maya-maya'y napansin niyang panay ang simangot nito habang may binabasa sa laptop.

"Okay ka lang ba, Babe?" pag-aalala ni Francine.

"Ha?" sambit nito. Tumingin sa kanya ito ng sandali at ibinalik muli ang atensyon sa binabasa. "O-Okay lang ako."

"Bad day?"

Natigilan si Miggy sa tanong niya. Hindi kasi siya natanggap sa inapplayang trabaho noong umaga.

Bumuntong-hininga ito at sumandal sa silya.

"Sobrang bad day." Sagot ni Miggy.

"Makakahanap ka rin ng trabaho, Babe. Kung iniisip mo yung panggastos natin, marami pa naman akong ipon galing sa mga ipinadala mo noon. Take your time." Nakangiti niyang sabi.

"Thanks, Babe."

Nang maluto na ang merienda ay hinainan niya na sa lamesa si Miggy. Nagtimpla rin siya ng orange juice.

"Huwag mong masyadong dinidibdib ang job searching na yan. Kumain ka muna para umaliwalas naman 'yang hitsura mo."

"Opo." Nakangiting sagot nito.

Pagkuwa'y kumain na ito habang patuloy na nagsi-search online. Naupo na rin si Francine at sinabayan itong kumain.


___

Makalipas ang ilang sandali, biglang nag-ring ang kanilang doorbell. Tumayo si Francine para silipin kung sino iyon.

"Raymart!" sambit niya. Then humarap siya kay Miggy. "Babe, nandyan si Raymart, yung ka-trabaho ko. Kukuhanin nya na yata yung mga ginawa ko'ng invitation kanina."

Kumunot ang noo nito. "Raymart? Lalaki ang ka-trabaho mo?"

"Syempre lalaki. Saan ka ba nakakita ng babaeng may pangalang Raymart?" Natawa siya rito. "Oh kumain ka lang dyan at papapasukin ko na siya."

At lumabas na nga siya ng bahay.

Nakaramdam naman ng pag-aalala si Miggy.

Seloso kasi siya at ayaw niyang nakikihalubilo sa ibang lalaki si Francine. Sa kagandahang taglay ng kanyang asawa, hindi mawala sa kanya ang mag-alala, lalong-lalo na't nakilala nya lamang iyon sa social media.

Sa Facebook kasi siya nakakuha ng trabaho sa Wedding Services.

Maya-maya'y isinama ni Francine sa kusina si Raymart.

"Halika, mag-merienda ka muna."

"Tamang-tama, kanina pa akong nagugutom."

"Ganun ba?" Nagtawanan silang dalawa. "Oh sya, kumain ka ng kumain hangga't gusto mo. Marami akong nilutong fries."

Seryosong napatingin sa kanila si Miggy. Sa sobrang seryoso nito, kulang nalang ay lamunin niya ng buhay ang bisita.

"Sya nga pala, Raymart. I would like you to meet my husband, si Miggy. Yung sinasabi ko sa'yong nagtatrabaho sa Kuwait? Kakauwi lang niya noong isang araw."

Raymart extended his right hand para makipagkamay.

"Nice to meet you, pare. Raymart Alcantara nga pala."

Pero hindi nakipagkamay si Miggy. Humarap muli ito sa laptop at nag-scroll ng pages sa website.

"Ah... eh...," nahihiyang sambit ni Francine. "M-Maupo ka na Raymart para makapagmerienda na tayo."

Uupo na sana si Raymart nang ibalik sa kanya ni Miggy ang tingin.

"Kukuhanin lang ang files, kailangan pa'ng bisitahin ang asawa ko? Wala ka ba'ng email or Dropbox?" Seryosong tanong nito.

"Ah eh... may kailangan lang kasi akong sabihin sa kanya tungkol sa trabaho, pare." Sagot ni Raymart.

"Wala ka bang Skype or Facebook? Marunong ka naman sigurong mag-video call, hindi ba?"

"Babe naman!" inis na sambit ni Francine.

Then, humarap siya kay Raymart.

"P-Pasensya ka na sa asawa ko. Medyo bad mood kasi si Miggy today eh. Pasensya na talag---"

"Hindi ako bad mood. Talagang wala lang akong tiwala sa lalaking yan." Sabat nito habang nakaharap sa laptop.

Pilit na ngumiti si Raymart kay Francine.

"Ah Francine, siguro next time nalang natin pag-usapan ang tungkol sa trabaho. Kukunin ko nalang yung file."

Nagkatinginan ang mag-asawa. Inis na napailing si Francine.

"Ah... eh... okay."

"Tapos na ba yung invitation?"

"Ah... yup. Nagawa ko na yung invitations para kina Mr. and Mrs Devanadera."

"Ah ganun ba?"

Hinugot niya ang flash drive na nakasaksak sa CPU at iniabot kay Raymart.

"Dalhin mo na 'tong flash drive ko. Nandyan na lahat yung mga kailangan para sa clients natin. Kukunin ko nalang sa'yo 'to next time."

"Sige ako na ang bahala rito." Nakangiting sagot ni Raymart.


____

Wala pang ilang minuto ay Inihatid na siya ni Francine sa labas ng gate. Hindi nila alam ay palihim pala silang pinagmamasdan ni Miggy sa bintana.

"Sayang, hindi na tuloy natin napagusapan yung tungkol sa trabaho. Pasensya ka na talaga sa asawa ko ha? Pinoprotektahan nya lang ako."

"Okay lang. Eh ganyang-ganyan din naman ako sa girlfriend ko. Over protective pa nga ako eh." Natatawang sabi ni Raymart.

"Bakit ba kasi ganyan kayo?"

"Simple lang, dahil ayaw naming mapunta sa ibang lalaki ang babaeng pinakamamahal namin."

"Ganun lang?"

"Oo ganun lang."

"Eh hindi naman ako magpapaagaw sa iba, ano?"

"Paano ba namang hindi magiging protective ang asawa mo, e napakaganda mo?"

"Sus! Nambola ka pa."

"Totoo. Kaya akala tuloy ng asawa mo, pinopormahan kita." Umiling-iling siya. "Naku huwag kang mag-alala. Hinding-hindi kita aagawin sa asawa mo."

Tinapik siya ni Francine sa balikat. "Ikaw talaga, puro ka biro."

"Nililinaw ko lang," ngumuso siya sa bahay nito. Kanina pa pala niyang napapansin na sumisilip sa bintana si Miggy. "Yung asawa mo kasi... binabantayan tayo."

"Ha?"

Nang lumingon si Francine sa bahay ay nakasilip nga ang asawa niya. Mabilis namang nagtago si Miggy sa likod ng kurtina nang makita nitong nahuli siya.

"Hay naku... si Miggy talaga."

"Mukhang nagseselos na yata satin ang asawa mo."

"Wala naman syang dapat ipagselos."

"Nakakatawa pala ang asawa mo, ano?"

"Correction, nakakainis." At sabay silang nagtawanan.

Maya-maya ay pumara na si Raymart ng paparating na taxi.

"Oh sya, paano ba yan? I-cha-chat nalang kita para sa sunod na project ah? Ako na ang bahalang magbigay nito sa client natin," at nakangiting tumango naman si Francine. "About naman sa bayad, i-si-send ko nalang sa GCash account mo."

"Maraming salamat talaga, Raymart."

"You're welcome. Huwag kang mag-alala, sa email ko na ipapa-send sa'yo ang files next time. Baka lalong magalit sa'kin ang asawa mo kapag bumisita ulit ako rito."

"Ikaw talaga. Palagi ka namang welcome dito."

"Welcome lang sa'yo." At sumakay na si Raymart sa taxi. Nagkawayan muna sila sa isa't-isa bago ito umalis. "Bye, Fran."

"Ingat ka, Raymart. Bye!" At tuluyan nang umalis ang taxi.


____

Nang mapansin ni Miggy na pabalik na sa bahay si Francine ay patakbo siyang bumalik sa kusina at pakunwaring nagsearch ulit online.

Pagkarating ni Francine ay pinamaywangan siya nito.

"Tama ba na itaboy mo ang ka-trabaho ko?"

"Oo... dahil wala akong katiwa-tiwala sa pagmumukha ng Raymart na yun. Halatang may gusto siya sa'yo."

"Ano ka ba? Hindi ganun si Raymart. Tsaka may girlfriend na sya."

"Porke may girlfriend, hindi na puwedeng magkagusto sa iba?"

"Bakit? Gawain mo rin ba yun?" magkasalubong na kilay na tanong niya. Natigilan naman si Miggy. "Kahit mag-asawa na tayo... hindi imposible na mambabae ka rin, Miggy."

Inis na isinara ni Miggy ang laptop. "Alam mo'ng hindi ko magagawa sa'yo yun. Bakit ba sa'kin napunta ang usapan?"

"Hindi ko binabago ang usapan. Ang sinasabi ko lang, ayaw ko na nanghuhusga ka kaagad ng tao na hindi mo pa kilala."

Tumayo si Miggy. "So, ipinagtatanggol mo pa ang Raymart na yun?"

"Oo, dahil wala siyang ginagawang masama. Nagpunta siya rito ng maayos para sa trabaho namin, pero binastos mo siya."

Biglang pinagkukuha ni Francine ang mga pagkain sa lamesa at inilayo kay Miggy.

"Lahat ng gusto mo, sinusunod ko. Isang buwan pa nga lang tayong kasal noon, pero pumayag akong magtrabaho ka sa Kuwait kahit labag sa kalooban ko... dahil pangarap mo yun. Hindi mo nga naisip kung anong mararamdaman ko eh."

"Ano ba'ng drama yan?"

Nagpatuloy si Francine. "Tapos ako, hindi mo pa mapabigyan sa simpleng kagustuhan ko? Hindi mo ba naisip na kaligayahan ko na 'tong trabaho na kinuha ko?"

"Babe naman..."

"KAYA HINDI KA KAKAIN!" bulalas ni Francine.

"W-What?"

Itinapon niya sa basurahan ang fries. "Simula ngayo'y ikaw na ang bahalang mag-asikaso para sa sarili mo. Tutal naman ay hindi mo ko naiintindihan, hindi rin kita iintindihin!"

"Babe naman! Uy!"

Inis na pumasok sa kuwarto si Francine. Sinundan siya ni Miggy, pero pinagsarahan lamang siya nito ng pintuan.

"Babe naman. Sorry na!"

"Ewan ko sa'yo!"

"Babe!"

Pero ang totoo'y hindi naman talaga galit si Francine.

Gusto nya lamang na ma-realize ni Miggy na hindi na ito tama sa kanyang ginagawa. Naiintindihan nya naman na ginawa lang iyon ni Miggy dahil sa pagmamahal nito sa kanya.

Halos sumakit ang tyan niya katatawa habang takip ng unan ang kanyang mukha.

"Babe sorry na! Bakit mo ba tinapon ang french fries ko?"

"Bahala ka na sa buhay mo!"




*****

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 4: "Interrupted"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 5: "Best of Friends"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 6: "Expectation"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 7: "Hired"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 8: "Pretentious"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 9: "Confession"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 10: "Feel Me"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 11: "Desirous"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 12: "Deceived"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 13: "She's Gone"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 14: "Sacrifice"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 15: "Poison"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 16: "Lust"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 17: "She's Back"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 18: "It Hurts"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 19: "Still Love"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 20: "Proof"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 21: "Unexpected"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 22: "Funeral"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 23: "Trust"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 24: "Farewell"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 25: "Seduction"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 26: "Almost"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 27: "Mysterious"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 28: "Mommy"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 29: "Beer"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 30: "Raymart's Place"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 31: "Suspicious"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 32: "Lunch"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 33: "Endless Jealousy"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 34: "Furious Mother"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 35: "Gone"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 36: "Demon Inside"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 37: "Stopping Her Demons"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 38: "Not Giving Up"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 39: "Uncontrollable"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 40: "Caught"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 41: "I'm Here"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 42: "To Kill"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 43: "Can't Forget"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 44: "In Your Arms"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 45: "Shameless"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 46: "New Her"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 47: "Forgive Me"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 48: "I Still Love You"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 49: "Just A Friend"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 50: "Insanity"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 51: "Revelation"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 52: "Deadly"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 53: "Trapped"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 54: "Vengeance"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 55: "Forgive"

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 56: FINAL

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like 12pm12am's other books...